Sino ba naman si Cup?

(Nakaupo ngayon sa isang electric chair)

Si Cup ay isang malambing at masungit na tao. Kadalasan nagpapadama siya ng lambing sa mga taong batid niyang totoo at may busilak na kalooban, ang mga taong naglalambing din sa kanya. Wari isang pagbibigay sukli kung iyong pagninilayan.

Sensitibo si Cup sa pag-uugali ng bawat tao. Madali din siyang mahawa sa emosyon ng iba, kagyat, labis siyang umiiwas sa mga taong may negatibo ang husga, paniniwala at pananaw.

Kung minsan, kulang din sa atensiyon si Cup (KSA o KSP), kung kaya’t ang simpleng pagtuon sa kanya ay nagdudulot ng lubusang ligaya sa kanya, at bilang normal na reaksiyon ng isang nilalang kanya itong sinusuklian.

Kung minsang may suliranin at pagkabigo si Cup, siya rin ay labis na naapektuhan. Ngunit nasanay siyang ito’y sarilinin at solohin (kaya minsa’y siya’y misinterpreted). Sarili niyang hinihilom ang bawat sandali ng hapdi at pagdurusa. Sa labas na anyo pinipilit niyang gawing normal, hanggat maari. Kinikimkim niya iyon pagkat ayaw niyang may mahawang iba. Ang kalungkutan kasi para sa kanya ay “very contagious disease” na maaring maipasa sa sinumang madikitan.

Kung may pagkakataon na ninais niyang punahin at ayusin ang pagkakamali ng isang tao o pangyayari, ito’y marahil sa labis niyang pagpapahalaga rito. Sa kabilang banda, kung ito’y kanyang pinabayaan, nangangahulugang wala ni isa man kahit katiting siyang pagpapahalaga dito. Mas nanaisin pa niyang ito’y huwag pansinin na lamang (ever).

Kagaya ng iba, ninanais din ni Cup na mabuhay ng masaya at maayos, ngunit tanggap niya na hindi rin talaga naiiwasan ang minsang pagkakamali at kabiguan sa buhay. Sa pagkakataong ganito doon niya napapagtanto ang pagiging balanse ng mga bagay-bagay at mga pangyayari sa mundo.

Masiyahin si Cup kung masiyahin ka, malulungkutin si Cup kung malulungkutin ka rin. Ganyan si Cup, isang seryoso sa buhay na tao.

At dahil madalas kong kasama si Cup, ibabahagi ko na rin ang saloobin na tumatakbo sa kanyang isipan sa mga oras na ako’y tumitipa para sa mga pahayag na ito. Narito siya,

“Kung may ipinapanganak, ay mayroon ring namamatay. At kung may namamatay, ay mayroon ring ipinapanganak.”

“Birth = death: Death = rebirth”

– Iyan ang pagiging balanse ng mundo, ng bawat tao, at ng bawat pangyayari.

…benchingko

111 Responses to Sino ba naman si Cup?

  1. chilledhoney says:

    Sabi nga,
    may yin at yang,
    may alpha at may omega,
    Sa pagsasarado ng isang pinto, lahat ng bintana ay magbubukas…
    Kahit napakakapal ng ulap, pasasaan ba’t mahahawi din ito ng hangin…
    HIndi man tao, hindi man bagay… maaring may damdaming magbabago para sa ikabubuti…

    The uniqueness of every individual cant be questioned…must only be accepted… because God made us different from each order to maintain the balance in this world…

    We need to compliment each other to enhance the gifts and the blessings given to us,
    We also have to antagonize each other to wake us up when we are falling from the right track….

    Our individual existence gave this world the balance it needs in order not to fall off from its orbit…

  2. Pingback: “Balanse” « Chilledhoney's Blog

  3. CrazyFrog says:

    Hmmmm…
    Syang sya ba talaga yan? Hihi (pangsira lang ng moment hihi)

  4. J. Kulisap says:

    Tao si Cup parang si Kulisap. Gan-un

  5. Bhee says:

    Pwedeng umiyak? Natouch ako. Saka payakap na din. Kasalanan mo ‘to Cup eh. Bakit ganyan ka magsulat? With feelings. Huhuhu. Oi Cup pramis you’ll be a good writer. Not just good, but an effective one! Pa autograph ako pagmagka bungguang-siko tayo ah.🙂 Ok na ‘ko.🙂

  6. binky says:

    Minsan may mga pagkakataon na hindi nagtutugma ang mga pananaw, minsan may mga emosyong nakakapagpabago ng pananaw, lahat tayo may pinagdaanan at may pinagdadaanan. Iyon ang humuhugis sa ating kaisipan. Hindi masisi kung minsan magkapikunan, hindi din maiaalis na hindi mag-basagan ng trip. May mga panahong nais mapag-isa at mag isip, may mga panahong nais mangulit at may makasama.. Makulit ka alam mo ba un? Pero sige peace be with you! Sundan kita ulit!🙂

    • ay nag-iwan na ng ngiti sa labi. ;P

      Salamat sa muling pagbabalik at sa pagtanggap ng paumanhin din, talaga palang nag unfollow ka ha (echosera). Hahahaha, kamusta pala ang pagdalaw mo sa iyong minamahal ng makaraan lang, natuloy ba (diga’t nabanggit mo iyon)?

      etong tanong mong ito, “Makulit ka alam mo ba un?” may bahid ba ito ng galit o patawa lang at pagbibigay diin sa aking pagkakakilanlan?

      • binky says:

        Galit? Wala naman.. Di naman ako nagtatanim nun.. Ayoko pumangit, iiwas na lang, lalo nat alam ko na mukhang hindi magtatagpo mga pananaw.. Mabuti pang umiwas kesa tuluyang mabanas..
        Kasama ko nang umuwi.. Syempre, ayoko ng mapuyat ulit..nakakainit ng ulo! Hahahah.. Ayan alam mo na kung bakit mainit ulo ko at madali ako mapikon..🙂
        Kala mo naman nagbibiro ako sa sinabi ko? At saka ekspresyon ko talaga ung nyeta, di un mura, kastilang hilaw eh. Hahaha

    • naku di ko inakala na nagbibiro ka noon, kaya nga ako nakadama ng pagtatampo noon eh. pero ngayon wala naman na ha. di lang din talaga ako sanay nang may nagmumura lalo pat sa isang babae (na pretty din). ngunit sa kabila ng lahat nanatili na lang muna akong tahimik na tagasubaybay sa iyong mga ma-prinsipyong paskil.

  7. binky says:

    Di nga un mura.. Pareho lang din pag sumigaw ako ng ay pusa! pag nagulat🙂 pasensya na!

  8. Joan Miranda says:

    Nais kitang makilala, ginoo/ginang makata
    Nais kong malaman kung anung inspirasyon mo sa likod ng iyong mga matalinhagang salita…
    Maaari ka bang magpakilala pa?

  9. w3bservant says:

    salamat sa pagbabasa, pag-gusto (like) at pagtangkilik sa aking mga paskil sa Notes of an Imperfect Christian.
    naaaliw din ako sa mga paskil mo. para sa isang empleyado ng Sentrong Pagtawag (Call Center), ang pagbabasa sa mga paskil mo ay isang nakatutuwang pag-papahinga mula sa obligadong pagsunod sa Polisiya ng Ingles Lamang (EOP)

    • wow, naaliw po ako sa iniwan mong bakas… ang EOP ay dati ko na ring naranasan, matagal ng panahon ang nakalilipas, noong nasa sekondarya, haha. salamat naway di mo makalimutan ang diin at sarap ng ating Wika, ang ilan kasi ay tila nakakalimot, bunsod ng EOP, haha.

  10. Pingback: Isang Bagsakan Award (One HiT Award) | 25pesocupnoodles

  11. aysabaw says:

    salamat sa like at follow…naaliw naman ako sa blog mo
    hehe…nagtagpo ang cupnoodles at ang sabaw…..🙂

  12. yhen says:

    Nakaka inggit naman.. Buhay na buhay pa rin ang blogomosperyo!😀 Mapapadalas ata ang pagdalaw ko hehe😀

  13. Nice to meet you my cup-teyn! Tinanong mo ako bakit Lovely Biatch ang napili kong pangalan. Di ko sukat akalain na nasa iyo pala ang sagot: “Si Cup ay isang malambing at masungit na tao.” Period…MABUHAY ANG MASUSUNGIT!

    • ahahahaha, eh ang pagiging malambing wari isinantabi mo ah. salamat sa pagbibigay mo ng isang bagong bansag, pakiramdam ko, ako’y isang mandaragat na lulan ng isang malaking barko.

      siya nga pala, sa iyong panulat di banaag ang pagiging masungit. hehehe.

  14. Rhence says:

    Hello po. I nominated you for the Lovely Blog award. See it here. https://rhsapinoso.wordpress.com/2012/11/01/pasasalamat/
    Congratulations po!😉

  15. jakesprinter says:

    Your blog are great contribution for entire blogosphere Cup , Mabuhay ka🙂

  16. ““Birth = death: Death = rebirth”

    – Iyan ang pagiging balanse ng mundo, ng bawat tao, at ng bawat pangyayari.”

    Nevertheless, people still often see death as some sort of a punishment, sometimes even a measurement for justice, a horror case.

    All death is certain, and where there is life, there is death, and then the great unknown.

    Your blog posts are beautiful, Cup!

  17. karenicanix says:

    Ang dame fans.. Parang wala na ko ma-comment! Hahahaha!😛

  18. gengenp says:

    Pakiramdam ko magkatulad tayo sa halos lahat ng sentimyento. Sana nag-rereflect din ako sa mga sinusulat ko. hehe

    • hmmm, salamat sa iyong pagtunghay. ang tao ata talagay di nauubusan ng sentimyento, ang mangilan ay nagtatagpo ngunit meron pa rin talagang kakaiba (uniqueness kumbaga) ang ilan depende kung paano ito panghahawakan. kamusta muli ang pagdalaw-dalaw. smile.

  19. Thank you so much for following my blog! Come back to see it anytime😀

  20. habang binabasa ko ito, parang nakita ko na rin ang sarili ko… hehehe. totoo yun, hindi biro.😉

  21. Pingback: DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG | 25pesocupnoodles

  22. Pingback: DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG – day 2 | 25pesocupnoodles

  23. nabasa ko na ito dati, at hindi pala ako nakapag-iwan ng bakas. hahaha.
    kaya eto na ako ulit. at nakakatuwang binabasa ko ulit ito ngayon na lalaking Cup na ang nasa isip. Hihihihi. Peace! :p

  24. Pingback: DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG – day 3 | 25pesocupnoodles

  25. mrbeancent says:

    Pareho tayong sensitibo sa emosyon ng iba. Tulad mo rin ako pagdating sa pagsasarili ng mga problema at pasanin ng buhay. Ma-emosyon ako, baka iwasan mo ko. May pagka-emo mode ako palagi marahil kulang lang sa pansin (tulad mo). Gusto ko yung huling mga katagang nagpapaliwanag ng pagkabalanse ng mundo. Nice bio Cup. Ngayon ko lang nabasa ‘to. Hehehe =)

    • maraming salamat at iyo itong natagpuan. naku mr beancent wari di halata sa avatar mo ang pagiging sensitibo mo, naman. hehe. at isa pa, mukhang di naman nakaka-hawa kung ikaw man ay naging ma emosyon, iba kasi ang maalala ko kapag naging emo ka, di talaga bagay ke mr bean, hehe.

      ngunit aking uulitin, masarap naman minsan magpaka-emo, yun nga lang kelangan nasa tamang panahon at pagkakataon, di ba. namnamin paminsan, huwag lamang susobra, dahil lahat ng sobra ay tunay na nakakasama, sa sarili at lalo pa sa iba. ayos ba tayo dyan?

  26. Pingback: DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG – day 4 | 25pesocupnoodles

  27. Pingback: DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG – day 5 | 25pesocupnoodles

  28. Pingback: DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG – day 6 | 25pesocupnoodles

  29. Pingback: DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG – day 7 | 25pesocupnoodles

  30. Pingback: HumiLing Sa IsanG BuLaLaKaW (wish upon a shooting star) | 25pesocupnoodles

  31. Pingback: IsiGaw Mo ang IyonG BuLong (reveal your whisper) | 25pesocupnoodles

  32. -babetski- says:

    ahaha.. kaya pala napeke ako ikaw pala eh ~BENchingko~ olala..🙂

  33. cheesecake says:

    dahil sobra sobra na ang populasyon ng mundo kumpara sa nakalipas, yung ibang tao ngayon nagrebirth mula sa mga germs.

  34. Pingback: Sa PanAhoN Ng TaG-uLaN ( during rainy season ) – DAY 17 | 25pesocupnoodles

  35. Pingback: Ang LaMesanG Umi-iKa ( the rocking table) – DAY 18 | 25pesocupnoodles

  36. yashikibuta says:

    Kuya, paki tanggap nalang ang aking abang pasasalamat sa iyong pakikipag kaibigan.
    http://yashikibuta.wordpress.com/2013/06/23/thank-you-2/

  37. Pingback: ‘Di KaiLangAng MawALa – DAY 19 | 25pesocupnoodles

  38. geylii says:

    hiiii! I nominate you on versatile blogger awardhttp://geylii.wordpress.com/2013/10/21/versatile-blogger-award/

  39. ErlynMaeC says:

    Very well said. Reading your “Sino ba naman si Cup?” section makes me more interested. Thank you very much for following me back. More power!🙂

  40. Thanks for following my humble blog😉

  41. rmdonut says:

    PlotTwist: Gutom na pala si CUP. :))
    Haha Thanks for following back. ^_^

  42. Nadine says:

    Salamat sa pag like ng posts ko. Number one fan kita today.

    Patuloy lang ang pagsulat upang
    mailabas ang ugat ng
    karunungan, karanasan sa
    buhay at kaluluwa nang
    ating ating makamtan ang
    kataas taasang kaligayahan.

  43. Ganymede says:

    Salamt sa pag bisita, pag like at pag follow blog ko kahit bago lang …

  44. Joan Mae says:

    Magandang hapon kaibigan
    Pwede bang pagsaluhan
    Ang cup noodles mong ‘yan?

    Ako’y nagugutom at wala pang tanghalian
    Makihigop man lang sa cup na kanyang kinalalagyan
    🙂

  45. foobarph says:

    pst… patimpla nga po ng milo!

  46. psst…pasagot naman ng survey para sa thesis ng anak ko pleaseeeee
    papasa na rin sa mga katropa….salamat ng maraming maramiiiiiii
    ito po ang link http://goo.gl/forms/c7VIspGJd0
    ;D

  47. Hi Cup! 😬 Bat 25? Ang mahal naman… 😂✌🏻 Salamat sa pagbisita sa aking blog at pagbasa sa iba kong mga tula 😄 Hirap ako gumawa ng tagalog na tula kaya hanga ako sa talento mo 👌🏻👏🏻

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s