Patungkol sa Blog

Ang mga nasusulat sa blog na ito bunga lamang ng malikot na pag-iisip ng may-akda sa mga panahong siya’y walang magawa kundi mag-isip isip.

Ito ay kombinasyon ng mga karanasan at obserbasyon na maihahalintulad sa ating pang-araw araw na gawi, kaugalian, tradisyon at paniniwala.

Sadyang naging mapangahas ang may-akda sa pagpili ng mga salita buhat marahil sa bugso na dulot ng nag-aalab na saloobin.

—-noong 12 Mayo, 2012

Ang lahat ng katha ay may baong damdaming nagmula sa kaibuturan ng puso ng may akda. Kagyat hindi mawawala ang pagmamahal sa Diyos, sa kanyang kapwa, sa mga paniniwala, mga anyong  kapaligiran at mga bagay-bagay. Ang pagmamahal na maaring tumagos sa puso’t damdamin ng sinumang makakabasa.

Kasama sa mga napapaloob dito ay mga ideyang pinaglaanan ng oras at panahon, kaalinsabay ang damdaming tunay, palaban, at makabayan.

 

86 Responses to Patungkol sa Blog

  1. Nakakatuwa ang iyong paraan ng pagsulat at pagpili ng iyong mga salita. Naalala ko ang aking kabataan. Hihi! ;P

    Salamat sa pag-sunod sa Seekers Portal!🙂 God bless you more!

  2. juyjuy says:

    Napakamakata mo naman pala! Ang lalim ng iyong mga salita.🙂

  3. gelaikuting says:

    Hi, I love your blog! Ayan follower mo na ako. Mabuhay ang Pilipinas🙂

  4. pacsmachine says:

    salamat sa pagbisita sa blog ko🙂

    natuwa rin akong maghalungkat ng mga luma mong post🙂

  5. kimgurl says:

    kamusta🙂
    nakakatuwa at nakita mo ang blog ko.
    salamat. napangiti mo ako.

    • talaga lang ha napangiti kita ah, bat kaya nakasimangot ang avatar mo, hihi.. sana mabisi-bisita mo ang tambayan ko, at ng makahigop ka ng mainit na cup noodles baka sakaling mag smile avatar mo, hihi.. nangungulit lang po.

  6. Nortehanon says:

    Masarap sana ang cup noodles..kaya lang bawal sa akin kasi sabi ng doktor ay trigger ito ng migraine ko😦

    • hahaha, ganun ba kaibigan, kahit isang higop lang sa iyo’y makakasama ba? hayaan at ang sa aking pala-palagay, may kasamang pagmamahal ang aking cupnoodles, na sa paniniwala nating lahat ay isang mabisang gamot sa kahit anumang uri ng pagdaramdam. mabuhay ka kaibigan…

  7. bunga ng malikot na pag-iisip, likha ng balintataw.. hehe.. akala ko sa horror to eh.. hehe..
    salamat sa pagdaan sa aking tahanan. nagagalak ako makakilala ng bagong kaibigang may kabuluhan ang pagsusulat.

    ayoko din ng cupnoodes, cancerous daw yun eh.. hehe.. pero like na like ko yung payless o lucky me beef noodles sa tin… speaking of that, naubusan na pala kami, kelangan ng mamili sa pinoy store🙂

  8. chilledhoney says:

    ang iyong mga katha ay tunay nga sumasalamin ng iyong damdamin…

    kung merong “action speaks louder than words” sa physical na mundo,

    dito sa mundo ng panulat, eto lang ang masasabi ko sa mga akda mo:

    “thoughts from within can hit you like a guided missile,
    you cannot run, you cannot hide…once locked in”….

    thoughts and ideas blended with emotions are very very hard to resist…

    people need to agree on something, people are hopeless romantic,

    people need to identify themselves through some of your pages….

    Psychoemotional needs are always there, Your writing address these needs…..

    That’s the reason why… you have a lot of hits! Congrats for being one of WP’s top bloggers!

    Idolo ka Maestro!

    • sa isang paru-parong marikit, maraming salamat sa iyong mabulaklak ng papuri. sa iyong paglipad-lipad tila nag-iiwan ng mababangong bulaklak na sandamakmak. ang akin ngayo’y tambayan ay pawang naging hardin, umasa’t wag madala, mga bulaklak rito’y laging didiligan at pagyayamanin.

      gracias senyorita…

  9. chilledhoney says:

    Pagdidilig at papapayaman sa mga mabulaklak na halaman ay aking aasahan…upang ang paglipad lipad ay may kabuluhan….

    Syanga pala, ang matinik na bulaklak sa aking hardin, mangyaring pakilampasan …:)

    xie xie laoshi!

  10. Kaibigan, mula sa dalisayatkapuripuri, makata ka friend! pambihirang makata! kabog si jang geum sa mga sinasabi nya kapag may natitikman syang bagong recipe! pak!

  11. J. Kulisap says:

    Makikitampisaw nga dito. Masarap magsulat nang nanggaling sa puso. Minsan kasi nagpapalabas ang puso ng mabuti at masamang ideya. Palagay ko lang

    • salamat kulisap sa pagtatampisaw, hahaha.
      mas masarap ito kung iyong nanamnamin,
      mga katha na parang bagong hain
      tumagal man, mainit-init pa rin
      bunga ng mga sari-sari saloobin.. bow.

      maaring tikman, at lalong di bawal ang magtampisaw.

  12. apollo says:

    salamat sa pagbisita. tulad mo (siguro), paborito ko ang cup noodles. sarap eh!🙂

    • salamat apollo (name ni johnlloyd sa movie with toni “my amnesia girl”), sa iyong pagbisita sa aking tambayan, natitiyak kong di lang cupnoodles ang magugustuhan pati na rin pihado ang mga kathang inihain kong ng mainit-init pa. mga kathang bugso ng damdamin. aabangan ko ang muli mong pagbisita sa aking tambayan.

  13. kayedee says:

    isa kang makata… katanungan, saan nanggaling ang iyong pangalan? at isa k bang kuya o ate?😀

    • HAHAH, lalaki ako. lalaking-lalaki. kaw batgirl ha. ang aking pangalan ay bunga ng pag-iisip sa oras na walang magawa.

      • kayedee says:

        ah oic. mabuti ng malinaw😀 baka matawag ktang ate e hehehe..
        ” ang aking pangalan ay bunga ng pag-iisip sa oras na walang magawa.” ? ano bang noodles ang worth25 pesos?

    • ang ngalan ay napukaw (na-inspire) dahil sa isang kaibigang nagtitinda ng mahal na cupnoodles, hahaha. ngunit ‘di rin nya batid na ako’y gumawa ng blogname na mula sa presyo ng kanyang cupnoodles. hindi rin pati nila kilala na may isa silang ka-opisina na mayrong blogsite na 25pesocupnoodles, tanging mga mambabasa lamang ang nakakaalam ng site na ito.

  14. chilledhoney says:

    Tulad ng aking pangako…para sa iyo…

    The most useful asset of a person is not a head full of knowledge but a heart full of love, with an ear open to listen and a hand willing to help….

    LIVE with no excuses…
    LOVE with no regrets…
    and TRUST with no DOUBTS…

    Maisabuhay nawa, gaano man kahirap… ^_^

    • chilledhoney says:

      Mabuhay nag di laging nangangatwiran kung nagkakamali, harapin kung ano man ang nasa harapan…

      Magmahal nang hindi ito pinagsisisihan…buo ang puso at isipan..

      Magtiwala nang hindi nagdududa…ang duda ay…masakit sa bangs!

      ^_^

  15. Napaka-mahal nga ng 25pesos para sa isang cup ng noodles. Sana lang ay kasing-sarap s’ya ng kanyang presyo. Hindi man ako pinagpala na maging makata kagaya mo, naaaliw ako sa iyong mga katha.

    • sa iyo ResidentPatriot, maraming salamat sa iyong papuri, ikinagagalak ko ito ng lubusan, lalo pa’t ang iyong pagbisita sa aking tambayan. tagal ko ata hinintay ang iyong bakas, at natuwa ako na ika’y nakapag-iwan dito. salamat muli.

      ang noodles na tinda ay locally made dito sa ating bansa, sadyang minahalan lang niya dahil daw sa handling fee. hahaha

  16. karenicanix says:

    Hi! Ang lalim mo mag Tagalog. haha.🙂 Sa totoo lang, hindi ko maintindihan yun ibang mga salita na ginagamit mo. hehe.🙂 I guess I am not fluent anymore sa Tagalog.. or everyday Tagalog lang ang alam ko at hindi professional na Tagalog! (if there is such!😀 hehe) Kudos! Continue writing!😉

  17. ljsdeleon says:

    Maraming salamat sa follow! Keep your posts coming. :p

  18. Bigsmen says:

    napakamakata mo naman kaibigan.. subalt datapwat ang yong pangalan ay cup noodles?

    • salamat at iyong napuna, ang pagiging makata ay bunsod ng pagtatagpo ng puso’t isipan sa oras na ako’y walang magawa kundi ang mag-isip-isip at tumula. yun tipong kumakain mag-isa tapos biglang may ideya, dalang panulat hugutin bigla, kasama ang resibong inihanda para sa ganitong pagkakataaon.

  19. Napakanatural ng mga posts po ninyo.🙂 Salamat din sa pagbisita sa mumunti kong blog.🙂

    • salamat sa pagtikim sa aking sopas, hahaha, libre yan para sa mga tagasubaybay… ang mumunti mong blog ay kahalintulad ng iyong mumunting gravatar na tila nagkukubli sa isang “pink” na selepono, haya, at ika’y muling babalik ha, marami-rami na rin ang aking bago at nais rin kitang mapahanay sa aking natatanging tagasubaybay. gandang araw.

  20. Pingback: Quotable Quotes ng Madaldal na Bolpen :) « Chilledhoney's Blog

  21. chilledhoney says:

    Wow, narito pala ang parangal🙂

    Maraming salamat. Isang karangalan na mapabilang sa “astig at malulupit na manunulat at tagasubaybay”…

    Its required me now to strictly follow the formula you gave, just to maintain my worthiness of the recognition.

  22. jamjumai says:

    Mainam na paraan ng pagsulat. Isa kang makata kaibigan! Mabuhay ka! Salamat sa pagsunod sa mahiwagangisip.🙂

  23. mrbeancent says:

    Maraming Salamat Sir sa pag like ng mga post ko sa aking blog. Naapreciate ko yun. Cool ng blog mo. Astig! Muli, Salamat!🙂

  24. mrbeancent says:

    Magalang ba? Haha salamat kung ganun.

  25. mirrorprincess says:

    Akala ko noong una sobrang nakaka-nosebleed na ang English, mas malala pa din pala sa purong tagalog. Mas sumasakit ang ulo ko kapag nasosobrahan ng talinghaga at pagiging makata…

    Ang ganda ng blog mo boss!😉

  26. binky says:

    ano ba ang tagalog ng cup noodles?

  27. mag iwan ng bakas ha….na mananatili sa paglipas ng bukas
    -napansin ko lang, totoong ang dapat sabihin ay ung kayang panindigan… sa paglipas ng bukas.

    Salamat sa mga puna sa aking pagsusulat. Hindi ko aalamin kung ano ang kasarian mo.. hindi ko alam kung bakit pero gusto kitang makilala sa pamamagitan ng iyong mga likha at hindi ako magtatanong na “hi, asl pls.”
    nakakatuwa lang kasi may mga blogs pa palang ganito. Naalala ko ung circa 2004-2008 ko sa multiply.com. Akala ko kasi ung mga blogs ngayon tungkol na lang sa mga usong damit at sapatos. Maiging nakita ko ang blog mo. Nakakagalak.

    • hahahah, mainam at pinili mong huwag munang alamin ang mga bagay-bagay sa akin. kakaiba ka ata, hmmm. ngunit ako’y nagpapasalamat din sa paglalagay mo ng pintig ng iyong tinta dito sa aking “about” page. maraming salamat, sa iyong mga panulat ako rin ay nagagalak, ako’y asahang magbabalik sa takdang oras.

      smile…

  28. batopik says:

    Ikaw ba may-ari ng walangmagawa.con? Tignan ang tagline (sa ibaba ng header o pamagat ng iyong blog)

  29. yashikibuta says:

    ang mahal naman ng cup noodles mo kuya… sabagay, pag bumili ako dito sa Canada ng Lucky Me Supreme sa halagang $2, e mas mahal pa sa P25 cup noodles mo🙂
    Nga pala, love your blog🙂

  30. rey & lyn says:

    Napakaganda ng blog na ito. Nawa’y maipagpatuloy mo ito sa loob ng mahabang panahon! Mas maraming lakas (More power)! Hehehe.

  31. john tugano says:

    sana sa iyong mga iyong mga panulat, naway mapasaya mo ako=)

  32. You have a very interesting blog and topic..I enjoy my visit🙂

    At maraming salamat at naging suki din kita😆 Much appreciated.
    And as a token of my gratitude please accept my gift for you here:http://allaboutlemon.com/le-cadeau/ simply because YOU ARE LOVED!

    Enjoy and have fun blogging!

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s