HimaLa sa LiLoNg ng BuwaN

tip – ang tula ay muling inihahandog pagkat aksidenteng na-delete sa panahon habang nag-aayos ng blog si Cup.

“Pinagtagpo sa paraang ‘di inaasahan, pinagsuyo sa paraang ‘di pangkaraniwan…”

Kasama ang buwan
Halika’t tayoy magtawanan
Iiwas lang sa paglalambingan
Pagka’t tayoy may kanya-kanyang pusong tangan.

Sisilay sa gabing madilim
Maglalaan ng mga oras na palihim
Kasama ang damdaming kinikimkim
Na wari’y nagnanais na ito’y maipatikim.

“Pasasaan nga ba ang paroroonan?
Hanggang saan ba ang kasukdulan?

Mararating ba ang katapusan?
Aabot pa ba, sa walang hangganan?”

Paano na sa pagsasara ng dilim,
Kapag ang liwanag, ay bumungad na sa atin?
Mananatili pa rin ba ang bawat ngiti,
Na panandaliang nagpapalaya sa bawat hikbi?

Palagi na lamang bang nasa kubli,
O maaring bang ako’y humingi?
Ng isang Himala na mananatili,
Kahit na lamang sa ‘sang pansumandali…

Akin ngayo’y napagtanto na tayo’y tunay na pinagtagpo –

“Pinagtagpo sa paraang ‘di inaasahan, pinagsuyo sa paraang ‘di pangkaraniwan…”

ang handog na pahimig,

HIMALA – KZ Cover (RIVERMAYA)

mga kredito: ang himig para sa cover artist KZ Tandingan, ang orihinal na himig para RIVERMAYA, ang video para sa youtube uploader KZXfactorPH at ang mga tugma para sa puso’t isipan ni Cup.

p.s. 1 Ang mga nararamdaman ay sinsero at pawang katotohanan. Mabuhay ang naghahangad para sa future SC-CJ.

p.s. 2 Paumanhin ang orihinal na imahe na dapat kasama ng tula ay hinde na matagpuan ni Cup, ang imahe ng pagtatagpo ng Buwan at Araw.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Video | This entry was posted in DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG, hango sa buhay, idolo, poem, quotable quotes, talataan, tula and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s