TuLa Para sa Isang Pumalaot na MamamaLakaya…

At ngayon ipinapaskil ang ikalawang handog TUGMA.

tip – ‘wag kakalimutan ang PS sa pinaka-baba ha.

Mamamalakaya

“Sa isang paglalayag, kung tangan na kaalaman ay salat sa linaw, ang isang tao’y maaring maligaw.”

Kung iyong nais,
Ito’y matutupad.
Magtatagpuan ang hirang,
Na matagal nang nag-aabang.

Ngunit ang PUSO,
Ay hindi laruan.
Lahat ng nadarama,
Ay ‘syang tunay.

Nangungulila sa mga yakap,
Sa mga halik,
Sa paglalambing,
At pagmamahal.

Hindi naman sadya,
Na ipagpatuloy pa ang lahat.
Sadyang hindi lang kaya,
Ang magsabi ng PAALAM.

Patawad mula sa dilag,
Kung ikaw ay hirap na.
Patawad ang kanyang sambit,
At isang dampi sa IYONG labi.

Bb. JKDP

Mga ka-blogs, bilang karagdagang detalye, ang TULA sa itaas ay naipadala kay Cup mula sa isang Binibini.

narito ang isang OPM classic song, kapanahunan pa ata ng ating mga Magulang, hehe, paumanhin naman:

ANG PAG-IBIG MO  – CINDERELLA

May lyrics din para sa inyo, narito oh, pinoyopmlyrics.com

kredito: ang musika (cinderella), ang larawan ng mangingisda (larawang_di_kumukupas.com), ang video uploader (crossover70s) at sa lyrics provider (pinoyopmlyrics.com)

Salamat sa Patuloy na Pagbisita at Pakikinig mga ka-blogs.

p.s. 1 Oh, walang kinalaman ang himig sa mga nadarama ng mga tampok ngayon ha.

p.s. 2 Maaring ang mga susunod na mga inihandog na tugma para kay Cup ay sa susunod na katapusan ng buwan, sa katapusan ng Marso, abangan kung nagustuhan.

p.s. 3 Narito nagmula ang ating handog tugma ngayon, REVIEW!.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Image | This entry was posted in hango sa buhay, poem, tula and tagged , , , . Bookmark the permalink.

49 Responses to TuLa Para sa Isang Pumalaot na MamamaLakaya…

  1. Ang sarap basahin ng blog mo, para akong bumabalik sa Filipino classes ko. It’s a compliment. Nakakare-fresh lang bumalik sa basic, pagkatapos ng lahat ng Taglish, salitang beki, salitang kanto at iba pa. Maraming salamat po!

  2. tetrara says:

    Mamamalakaya… Ahh may ganun palang salita.😀

  3. karenicanix says:

    Familiar ang tula… pero binura sa original na comment… tsk.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s