MAkikiNig sa Kanyang Laang BiyaYA…

Narito na ang paunang handog TUGMA sa buwan ng Pebrero, ating tunghayan,

tip – huminga ng malalim, mahaba-haba ito, katumbas ng 3 tula ni Cup.

“ang pag-ibig ay taimtim na ipinagdarasal, sa Kanyang laang biyaya ako magpaparaya"

“ang pag-ibig ay taimtim na ipinagdarasal, sa Kanyang laang biyaya ako lamang magpaparaya”

Sa aking pagtulog,Tuwina’y pinagdarasal ka.
At Sa biglaang paggising, Parati ay naiisip ka.

Alam kong kailanman,
hindi mo ito mararamdaman.
Pero ninanais ko lamang,
na itoy iyong malaman.

Mahal na mahal kita,
sa kadahilanang hindi ko alam.
Ako tulo’y nagtataka,
kung bakit nga ba ganyan.

Isang beses hiniling,
Sa ating Panginoong Kadakilaan.
Na hindi muling titibok ang pusong aking tangan,
Sa isang taong ni hindi naman,
Sa akin ay Kanyang inilaan.

Nangako sa Pinagpala,
Na sa Kanya lamang laan na biyaya.
Muli ito’y pipintig,
At malayang iibig.

Ngunit dumating ang pagkakataon,
Na unti unti kong nararamdaman.

Ako’y natakot, nagtatanong,
Totoo nga ba ito o isang kalokohan?

Di rin nagtagal mas lalong lumalim,
Mas naging maigting,
At di ko na kayang tiisin.

Kaya nga’t nagawa ding sambitin,
Pauna sa mga tugma
Hanggang sayo na rin.

Malungkot dahil iisa lang ang aking hiling,
‘Wag na sanang tumibok ang puso
Sa ‘di naman para sakin..

Pero bakit ganito ang mga pangyayari?
Tumitibok ng totoo,
Ngunit siya nama’y ‘di para sakin.

Muli akong humiling,
Na maari ba akong tulungan,
Bigyang liwanag ang nararamdaman.

Ngunit tila ang tadhana
Ako’y pinaglalaruan,
‘Bat ba andyan ka, sa ‘king tinutunguhan?

Nakakainis, nakakabagabag, nakakaiyak,
At puso’y nais na lamang pumanawa!

Pagmamahal ng iba,
‘Di ko kayang sagutin..
Pagkat puso koy tila,
Nakakulong sa iyo giliw..

Ano nga bang magagawa,
Kung ika’y tila pinaglalaruan ng tadhana,
Mas nanaisin mo na lang lumayo,
At tuluyang nang maglaho…

Nakakabaliw …Nakaka-aliw!

…isang Binibini

Para sa mga ka-blogs  na-nakiki-usyoso, alam nyo bang ang mga tugma sa itaas ay hindi pala intended para maging isang tula. Totoo, isa itong essay, napagkamalan ko lamang pala iyan na tula, aysus, ilang oras ko kaya dini-cipher yan at hinati-hati para maging isang lubos na tula, hahaha. Sorry naman. At hindi naman ako nabigo, tignan ‘nyo ang ganda rin ng kinalabasan, diba?

narito naman ang pahimig sa tampok na tula ngayon, isang OPM classic rin,

BATO SA BUHANGIN – CINDERELLA

ang kumpletong mga liriko ng himig natin, narito – lyricsmode.com

kredito: ang musika (cinderella), ang video uploader (Sarah Jane Duenas) at sa lyrics provider (lyricsmode.com).

Salamat sa Patuloy na Pagbisita at Pakikinig mga ka-blogs.

p.s. 1 Oh, walang kinalaman ang himig sa mga nadarama ng mga tampok ngayon ha.

p.s. 2 dito nagmula ang handog tugma na ire, REVIEW!

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Image | This entry was posted in poem, tula and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

4 Responses to MAkikiNig sa Kanyang Laang BiyaYA…

  1. “Malungkot dahil iisa lang ang aking hiling,
    ‘Wag na sanang tumibok ang puso
    Sa ‘di naman para sakin..”

    BOOM!!! Sapul ako cup! Lol

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s