PagTataKsiL (betrayal)

“nasisikil, habang sinasakal, lalong nag-uumalpas”

Nais kong ihayag sa iyo na hindi ko nagugustuhan ang kasalukuyang kalakaran. Pakiramdam ko’y ‘di nagkakaroon ng katuparan ang mga pangakong iniwan. At lalong ‘di nagtatagpo ang kasunduang pinag-usapan. Inilatag ang mga alok at ito naman ay pina-unlakan. Sa pag-aakalang hindi man lahat, bagkus ay ang ilan ay matugunan. Ngunit anong ginagawa mo, sinisira mo ang pangako? Lumihis sa patakaran upang ikaw ay mapagtuunan, bakit mo ito sinasayang? Kaya mo pa bang tapatan ang lahat ng pinanghahawakan? Kaya mo pa bang tuparin ang mga napagkasunduan? Pakiusap ‘wag mong abusuhin ang sinuman, at lalo pa ang anuman. Tandaan mong ang pagpapasensya ay may hangganan, kagaya ng pagsasagad mo sa iyong kagustuhan.

“nasisikil, habang sinasakal, lalong nag-uumalpas”

cup

ps ang himig para sa paskil na ito ay ihahabol na lamang.

o eto na ang pahabol na himig (paumanhin lumipas ang 2 araw bago naisama). at dahil nais ni cup makinig sa umiiyak na gitara narito ang tampok na himig sa #1.

himig 1 – astig bagay sa pakiramdam
himig 2 – isa sa mga paborito ni cup ang mga alternative/punk/rock genre na tinutugtog sa saliw ng piano, violin, ciello, o bass ciello.
himig 2a – ang orihinal na bersyon ng himig 2
himig 3 – mainam na maging zombie😛
himig 4 – para sa inaalayan ng mga tugma, “kapag andyan ka na, lahat ng nasa paligid mo ito ang nararamdaman, pramis”

muli ang kredito ng mga himig ay para sa mga malulupit na artists, uploader, at mga tagapakinig.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay and tagged , , . Bookmark the permalink.

6 Responses to PagTataKsiL (betrayal)

  1. binky says:

    related pala ito sa post ko na betrayal.. aba iisa ang bugso ng damdamin sa kasalukuyan situwasyon.. nakakalungkot.. 😦

  2. Batopik says:

    Ang tugma mo ba ay para sa mga politikong trapo at makakapal ang balat? Kung gayon nga, sana matablan nito. Hak! Mahusay! Pero kung para sa mga politiko ito, hindi bagay ang mga himig handog.. Memorize ko yang mga kanta ng linkin park jam tayo minsan hahaha! Pati rin yung kay adele. Pinakinggan ko lahat. Ayos!

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s