PaLilipaRin Sa HangiN

tip #1 – Kung ika’y nagmamadali ‘wag muna itong basahin, i-Like na lamang muna at i-bookmark. Mas madarama kasi ito kung babasahin ang bawat Parapo at pagkatapos ay papakinggan ang Saliw sa ibaba ng bawat pahayag.

tip #2 – Huwag na huwag kakalimutang panoorin ang MUSIKA sa pinaka-dulo ng post na ito. (sa pinaka-ibaba, hehehe)

“Hahayaang lumipad sa hangin ang melodiya ng aking mga himig, pasasaan ba’t ito rin ay maihahatid mula sa aking “Pusong Nagsusumamo”, patungo sa iyong Pusong Nangibang Puso…

Ilang araw pa ba ang palilipasin,
Ilang araw pa ba ang dapat bunuin,
Ilang himig pa ba ang dapat ihain,
Upang ako’y iyo muling mapansin…”

“Di magtatapos sa ikapitong araw ng pahimig-himig ang pagmamahal ko sa iyo.
Tanging panahon lamang ang makapagdidikta.
Sa ngayon:
Hindi ang aking isipan,
Hindi maging ang aking puso,
Tanging panahon lamang, tanging panahon…”

“Itutuloy ang pakikidigma,
‘di Ka man kapiling,
magiging kasama pa rin ang lahat ng iyong iniwang ala-ala.

Ala-ala ng mga ngiti,
maging ang bawat pighati.

Ito’y mananahang GAPOS sa aking puso,
kasabay ng pagtakbo ng panahon,
di ko alam kung hanggang kelan,
basta siguradong ito’y sasabay,
sa paglipas ng mahabang panahon.”

cup

kredito:
para sa artists at uploader:
blowing in the wind by paul, peter & mary via RoadVideo404 youtube channel
only time by Enya via ade wow youtube channel
bilanggo by rizal underground via j mors youtube channel
AHSL: sa mga tagapakinig at tagasubaybay sa tambayan ni Cup

p.s. AHSL = At Higit Sa Lahat
p.s.s. kung ‘di mo nadama ang kanta, ulitin mo ito at muling namnamin at damhin.

para sa mga hindi pa kilala si Cup narito SIYA (wala itong photo pero subuking i-click)

 

SA NGAYON TATANGKAIN O DI-KAYA, PANSAMANTALA MUNANG IPIPINID ANG PAHIMIG-HIMIG NG ‘SANG PUSONG BINABALOT NG KALUNGKUTAN AT LABIS-LABIS NA LUMBAY (OA).

AKIN MUNANG IPIPINID UPANG MAKAPAGBIGAY DAAN SA ILANG MGA BAGONG TULA NI CUP…

malakas ang pakiramdam kong inilundag mo agad dito ang pagbabasa, sa MUSIKANG handog ni Cup, hehehe….wari ko atat ka rin eh, ano.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Video | This entry was posted in DaAnin ang Pag-iBiG sa Pahimig-HimiG, hango sa buhay, poem, quotable quotes, talataan, tula and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

16 Responses to PaLilipaRin Sa HangiN

  1. Hindi ko alam kung bakit, pero ako ay napangiti sa huling awitin (na hindi ko naman isisiwalat dito para hindi naman maging spoiler.😀 ) Ngayon ko lang naisip na may makabuluhan nga pala naman yung lyrics. I never paid attention to the song before. LOL.

    At ang pinakatumatak sa aking linya ay ang : “And I’m in pieces, baby fix me.. ” (//_+)

  2. Hoy Mokong, hindi ako naiiyak. Natatawa ako. As a matter of fact nahulog ako sa upuan dahil kay Bieber. Sarap mong kaltukan. WAG KA NGA DYANG MAG-EMO.😀

  3. CrazyFrog says:

    ‘no nangyari? ….😦

  4. hello, Cup. gusto ko ang bilanggo. ang pathetic lang, ahihi.😉

  5. Pingback: HumiLing Sa IsanG BuLaLaKaW (wish upon a shooting star) | 25pesocupnoodles

  6. batopik says:

    Aba! Kung si ate sasaliwngawit may “Hindi na Maputik ang Daan sa Amin” series, ikaw naman “Daanin ang Pag-ibig sa Pahimig-himig”. Ay grabeng pag-ibig ‘yan, sinimulan noong dikada nubinta at hanggang ngayon tanging panahon lang ang makapagdidikta. Hakhak!

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s