PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT?

“Ang iyong tulog na damdamin ay aking susupilin at aking gigisingin.”

Nais kong magpaskil,
Kahit ito’y ‘di umukilkil,
Basta’t ito’y siguradong kikitil,
Sa kaisipan mong tila nakahimpil.

Nais kong magpaskil,
Ng mga katagang-‘di mabigkas kahit ng dilang matabil,
Pagkat ito’y magsisilbing angil,
Kahalintulad ng sumusugat na pangil.

Nais kong magpaskil,
‘Yung tipong magiging mapanupil,
Sa mga gawaing suwail,
Na sa lipunan ay pilit at nais maitakwil.

Nais kong magpaskil,
Ng katagang magdudulot ng PISIL,
Sa tibok ng iyong Puso’t damdaming,
Sa aking halik ay nais magpa-siil.

Nais ko lamang magpaskil.

“Ang iyong tulog na damdamin ay aking susupilin at aking gigisingin.”

-bow-

sa madaling salita, ninanais lamang ni Cup ang magpaskil (mag-blog) ng siguradong:

– mapanupil (may galit at probokatibo)
– panggising (maaring makapagbago)
– MAPANUYO (cheezy kumbaga)
– tumatagos at tumatatak (sa puso’t isipan)

ang tanong, PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? – kundiman ang mahalaga ako’y nakapagpaskil…🙂

isang lahok sa kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in idolo, poem, tula and tagged , , , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

31 Responses to PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT?

  1. Puwedeng-Puwede ito sa contest dahil sinagot nang totoo, masining at makabuluhan ang aking tanong.

    mabuhay!

  2. gud lak sa kontest at happy anniversary sa iyong blog…

  3. Pingback: Blogging is persuading « kwento't paniniwala ni hitokiriHOSHI

  4. Ang husay nito, Cup! All the best to you and your entry!😉

  5. hey, isa kang oppressor, kapatid… manunupil talaga? at maniniil? kainaman na, hihi… napaka-berserk ng iyong mga layunin, lol.😉 good luck sa entry mo. warm regards!🙂

  6. J. Kulisap says:

    Salitang matabil
    Tahimik at talamak na naniniil
    🙂

  7. potsquared says:

    Aagawan mo pa ako sa pa laser ng kili kili ah.. Pero pag nanalomka, akin na lang yung cd ni anne curtis ha.. Thanks cup! Mwah!

    • naku papa P, dahil ako’y isa mong “tagahanga”, wag mag-alala ilalaan ko ito para sa iyo. hehe. at sumi-sikreto ka ng halik dyan ah, lagot ka kay, _ a nyan, mamya magselos. kiss sabay hug na lang ulit para di obvious, hehe.

      p.s. nais ko lamang magpasikil, (ay magpaskil pala, hihi, lol)

  8. MGVDR says:

    Ang galing mong lumikha ng tula sa sarili nating wika!🙂

  9. Pingback: LumiLoK ( c.a.r.v.e.) | 25pesocupnoodles

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s