iwan…

“ang walang katapusang pagpupunyagi
ang walang hangganang paghahangad

pasasaan ba ang lahat ng mga ito?

ang mga bagay-bagay dito sa mundo,
ay mananatiling iwan,
iwan sa oras na tayo, sa mundo’y lumisan….”

benchingko

Napukaw sa linaw na ideya ng isang paru-paro…

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
This entry was posted in hango sa buhay, quotable quotes and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

23 Responses to iwan…

  1. renxkyoko says:

    Does that mean, one cannot bring one’s wealth to one’s grave?

  2. binky says:

    Hubad na dumating hubad din na aalis…. Nice!

  3. hello, Cup… still and all, karamihan sa mga tao – tayo – ay naghahangad at nagpupunyagi. why do you think is that? ahaha… 😉

    • maaring sa dikta ng kapaligirang nakapalibot sa bawat tao, kung anu man iyon tanging sarili lamang ang nakakaalam. ang sa akin ay akin pa ring patuloy na tinutuklas, hangad na lubos ay maliwanagan. Tanging hangad sa Maylikha. salamat San… nabasa ko ang huli mong katha, ang tula na mabigat ang paksa at tila may malalim na kahulugan, mainam at napakagaling.

      • ah, oo, may kanya-kanyang motivations ang tao sa lipunang ginagalawan. sabi ng iba, mas relaxed daw ang pag-iral pag sa “natural” na state lang niya ang tao. subalit, ang pagkabuhay ay ginagawa at nangyayari sa “social” context, sa isang lipunang may time-bound standards, accepted conventions and mores ng mga bagay at pamumuhay.

        kung kaya, may isang bandang “artificial” ang pamumuhay at pagpupunyagi ng mga tao sa loob nito, dikta ng panahong parating nagbabago ang pamantayan ng kung alin ang mahalaga at hindi. may panahong mahalaga ang yaman (wealth), may panahong mahalaga ang kalagayan (status) at may panahong ang popularidad ang may premium.

        ahaha, medyo political talaga ang previous post, kapatid. medyo mabigat…😉 happy weekend!

  4. yes puwedeng mangarap at wag mawalan ng pag-asa

    pero yes din na pangit na maging greedy and maging ambisyosa

  5. Siguro this is the purpose for lliving to get what we want and aim what we need..but still lahat ng mga yan ay mga pawang pansamantala na maiiwan din sa mundong ibabaw kapag ang lahat ay lumisan..

  6. batopik says:

    Totoo, pero kung lahat ng bagay ay may layon sa kanilang pagkalikha, siguro nasa tao/ atin na yon para gamitin ito nang mabuti at iimprove itong earth para sa susunod na henerasyon. Kung ang isipnatin end of the world orcertain deathnatin, ang selfish naman siguro natin kung ganon. Ang galing lang ng mga scientist no. I thank you! Bow! Hakhak.

    • naku kung scientist ang pag-uusapan, nakakabilib talaga, akalain mong sa pagiging malikot nilang pag-iisip at kuryusidad, nakakagawa sila ng mga bagay o tuklas ba talaga namang nakakatulong at nagpapagaan sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. ako nag-iisip pa din ako ng maaari kong maibahagi na makakapagpagaan sa ating pang-araw-araw na pakikibaka.🙂

      • batopik says:

        pero ang mysterious ng buhay ‘no? pero gaya nga ng sabi mo, para saan pa lahat ng mga ito, e mamamatay rin naman tayo. minsan nga nakakawalang gana na mabuhay. biro lang, minsan lang naman e. hakhak.

        • hmmmm, hala, at may nawawalan ng gana. makakabuti minsan ang pagkain ng tsokolate (dark) nagbibigay ng rush sa dugo at sa pag-iisip.

          naku napaka misteryoso talaga ng bagay-bagay, ultimo ang isang napakaliit na alikabok isipin mo ay nababalot ng misteryo, edi lalo pa ang mga gahiganteng gusali naglipana sa lungsod. di ba. sarap magnilay-nilay ano, nakakapagod nga lang kung minsan.

          • batopik says:

            parang di naman nakakapagbigay ng rush sa dugo yung chocolate na dark pa hakhak.plema hatid sakin nun e. hakhak. ang baboy!

            oo nga.. pag nasobrahan nakakabaliw feeling mo minsan gusto mo na maging detective saka pag lalo mong hinahanap ang dahilan ng isang bagay, bumabalik ka sa idea na mawawala din naman lahat. hahaha. kaya nakakaloko talaga.

        • shucks, kung kakain kasi ng dark choco wag lamon, hehe, para makaiwas sa tonsilitis at isa pa, subuking i-share ke cup para dalawa tayo ma-plema (gulp, gulk).

          at kagaya ng tsokolate o kung anu pa man, lahat talaga ng bagay at gawi kapag sobra ay lubhang nakakasama. kaya ikaw dyan ha, hinay-hinay sa pag-iisip at pagtratrabaho ha, alalahanin mo wala ka sa lupang tinubuan at lalo pa sa iyong mga pinaka-mamahal (sa iyong pamilya). kaway-kaway.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s