Mahirap talagang malaman…

“Mahirap talaga malaman ang intensyon sa iyo ng bawat tao, kung minsan sa iyong paghahanap ng kasagutan, di mo inaakala at namamalayang nahuhulog na pala ang iyong kalooban.”

benchingko

At sa huli’y babalik sa katanungang, “Ano ba talaga ang intensyon nito, ano ba ang misyon nito sa aking buhay?”

O ang dapat ba’y, “Ano ba ang misyon ko sa taong ito?” (maari ito)

Ikaw ba naitanong mo na ba sa sarili mo kung ano ang misyon mo sa bawat taong iyong nakakasalamuha?

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, quotable quotes and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

51 Responses to Mahirap talagang malaman…

  1. theworshipwarriorbride says:

    ang misyon ay ibigay sa’yo yung librong pending dito hahaha🙂

    Hello kuya Noodles!

  2. abuenaobra says:

    Hindi ako nagtatanong, pero alam kong natututo tayo sa isa’t isa.

    • wow galing naman, mayron ka bang sekretong estilo kagyat maaga mo napapagtanto ang kahalagahan ng bawat nakakasalamuha, mayron kasing panahon na kayhirap talagang mabanaag, o di kaya’y nagmimistula lamang bulag o nagbubulag bulagan?

      • abuenaobra says:

        wala naman. hehe. ang sarap lang matuto mula sa iba’t ibang tao. at palagi yung paalala sa pagpapakumbaba. na lahat tayo ay hindi perpekto, na matututo tayo sa pakikisalamuha. ganun. mula nang natutunan ko iyon, mas madali na akong makibagay at makaintindi ng mga tao.

  3. Siguro para sa akin, sino man yung mga taong nakakasalamuha mo alam kong may magiging papel ka sa kanya at mayroon din siyang gagampanang script sa buhay mo..;-)

  4. renxkyoko says:

    What’s nakisalamuha ?
    Accept them as they are, until their company becomes toxic. Follow your instinct and common sense.

  5. renxkyoko says:

    OMG…. I didn’t know you’re a guy. Hahahaha ! How many times have I called you Ate ? from now on, I’ll call you Kuya! * flabbergasted *

      • batopik says:

        ang hirap naman pala magpaliwanag. hakhak.
        ibig kong sabihin, ano, ah..
        Ipagdasal mo sa Diyos–ang wisdom, discernment, and perspective mo sa mga bagay-bagay. Huwag magpadalus-dalos sa pagdedesisyon, kumbaga magbuild up muna ng matibay na pundasyon, tulad ng pagkakaibigan, etc. Minsan kasi yung mga senaryo na “paghahanap ng kasagutan, di mo inaakala at namamalayang nahuhulog na pala ang iyong kalooban”, minsan parang rush of blood to the head lang (parang ganun) ang nararamdaman mo. Yung misyon mo sa isang tao, hindi naman yan masyadong mahalagang malaman mo kung ano yung eksaktong misyon mo kasi minsan mas maganda yung mga spontaneous acts, na saka mo lang mareraelize yung misyon mo sa isang tao nang matapos mo na ang misyon mo.. Parang ganun.

        Minsan naitatanong ko sa sarili ko yang misyon ko sa ibang tao, pero sa paghahanap ko ng kasagutan, sarili ko ang nahahanap ko at mas naiintindihan ko yung ugali ng mga taong yun pati na rin yung demon sa loob ko. Ayun. Go with the flow lang. Saka ipagpray mo yang confusion (or whatever) mo sa mga bagay-bagay.. Isang araw marerealize mo na lang sa mga pangyayari na ah ganun pala, kaya ko pala siya nakilala….

        (napahaba pasensya na. hakhak)

        • Salamat sa iyo Batopik, sa iyong mala- “maala-ala mo kaya’ng” bakas, hehe. Nagagalak akong isa sa iyong mungkahi ang pagdarasal, ito rin kasi ang isa kong sandata na tangan sa pang-araw-araw na hamon ng buhay. Dito ako kumukuha ng lakas at ng talino, napakagaan sa kalooban kasi sa tuwing nakakapaglaan ng oras sa pagdarasal. Ang pinagmumulan ng “peace of mind”.

  6. chilledhoney says:

    To contribute in making the other person’s life better and not to destroy that person’s life…

  7. CrazyFrog says:

    Anong misyon ko sa kanila? Siguro ang magpasaway at guluhin ang mundo nila ^_^

    laila tov cup!
    (boker tov pala para sa’yo :))

  8. bagotilyo says:

    minsan .. pero kadalasan nagbabago ang misyon ko sa ibang tao. ang labo ko no? hahaha

  9. potsquared says:

    misyon ko atang makapag bigay ng ngiti sa mga taong nakakasalamuha ko… yun ang sinasabi nila sa akin.. pero seryoso naman ako.. pramis.. mamatay man si batman…

    • Ang totoo, natutuwa nga rin ako sa iyo, hahaha. Kasarap ata ng pakiramdam kung ang ilan sa iyong misyon sa buhay ay iyo na ngang natagpuan.

      Sa hitsura pakiramdam ko Kuya kita, pero sa edad kaya ano kaya ang masasabi? hahaha. Sana “mas” ang edad mo sa akin, hehehehehe.

      • potsquared says:

        bakit “mas”.. hindi ba pwedeng “equal” na lang para mas masaya.. ehehehehe.. minsan kasi naiilang ako kapag natatawag na kuya, kasi mas asal bata pa ako sa mga tumatawag sa akin ng kuya.. di ba kuya cup?

  10. 182official says:

    tama , mahirap talagang basahin ang nilalaman ng utak ng bawat taong nakapaligid sayo , gawin mo nalang , tratuhin sila pare-parehas gaya ng kung ano man ang dapat😀

  11. AngelCry says:

    Lahat ng makikilala o masasalubong natin sa buhay na ito will play their part. Some makes us smile and others might be annoying. But one way or the other, they all touches our lives.🙂

  12. binky says:

    mang asar, mang inis at mambwisit..🙂 hehehe pagkatapos, magpatawa, magpaiyak at maging kaibigan.. hi mamang pansit!

    • gusto ko ang parte na “magpatawa, magpaiyak at maging kaibigan”, at lalo din ang pagtawag mo sa akin ng mamang pansit, pakiwari ko intsek ako , hahahah, e ikaw itong singkit at naniningkit ang mata sa iyong “gravatar”. hahahaha. teka mabisita ng muli ang iyong mga larawan “photos”.

  13. hehehe natamaan ata ako rito. minsan kasi nami-misinterpet ko yung iba then minsan parang nakakapagbigay din ako ng wrong signal.

    human nature!

  14. cheesecake says:

    mahirap ang misyon ng tao. mas madali misyon ng germs.

  15. Yan ang lagi kong tanong kapag may bago akong nakakasalamuha. alam kong may matutunan ako sa lahat ng mga taong makikilala ko, depende na lang ang dating sa akin.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s