MasaRap Nga Ba Ang HuLi? ( the last bite )

Dahil masarap daw ang laging huli, atin itong pansinin:

sa cake, masarap ang last bite,

sa ice cream, masarap ang last scoop,

sa coke/pepsi, ang huling lagok,

sa iced tea, huling higop,

sa chocolate, huling lasa

sa yosi , kahit di ako nag yoyosi, huling hithit,

sa beer o serbesa , huling tagay…

sa chat, huling mensahe

sa paalam huling kaway…

parang masarap nga ang laging huli!

kasi sa huli natin, baka iyon ang maging simula

malamang magbigay daan sa bagong panimula…

p.s. Eh ang huling saya at ligaya, masarap din kaya?

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, poem, tula and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

52 Responses to MasaRap Nga Ba Ang HuLi? ( the last bite )

  1. aysabaw says:

    mukhang hindi masarap ang huling saya at ligaya -__-

  2. renxkyoko says:

    Sa bahay namin, pag huli ka na, wala ka nang makain. Wala ng adobo. Wala nang meat sa nilaga, he he he. Ayoko huli.

  3. potsquared says:

    huli ka balbon!!! sabi nga ng mga matatanda… huling-huli na, itinatanggi pa.. sandali.. ibang huli itong sinasabi ko… huli na naman ako sa balita.. huhuhu… pero masarap pa rin ang simula.. para masarap din ang huli… yihee!

  4. karenicanix says:

    Huli man, naihahabol din🙂 hehehe. amishoo, Cup! ☺

  5. batopik says:

    kung yung huling walang hanggan, okay lang. pero yung huling wala na, haha patay ka na nun. Joke lang.

  6. masarap ang una hanggang huling saya at ligaya😀

  7. tomaritz says:

    parang mas gusto ko ng una pero iba ang naiisip ko hehehe

  8. mrbeancent says:

    Hindi lahat nang huli ay masaya. Pero sa pagkain, ganoon na talaga ang mindset ko. Hahaha.

  9. hello, Cup… may kapatid akong parating saving the best for last ang drama sa pagkain… ang siste, naagawan lang sya madalas ng mga kapatid na mabilis makaubos. i guess, that ain’t fun. ^^

    philosophically (may gano’n?), masarap lang ‘yon siguro (?) pag alam mong may kasunod pa… bale, nag-a-apply sya sa activities or experiences na ginagawa o ini-enjoy regularly, sa tingin ko. pero pag sa mga bagay na hindi inuulit o wala nang kasunod, mahirap ang maging nasa huli. unless siguro ang nilalang ay si Odysseus (ang reward ng journey ay nasa paglalakbay mismo, ek-ek)… happy weekend, kapatid… 😉

    • naku Saliw, kadalasan may “trade-off” ang pagiging saving the best for last mode, ganyang ganyang ako, maraming napapa-alpas, sigh… kung minsan nagdudulot ng lungkot hahahaha.

      • haha, alam din pala ng mamang may trade off, shaks na ‘yan. gano’n nga… foregoing consumption daw, sabi sa economics. the best raw iyon pag conscious ang tao about the bigger gain sa bandang huli. pero pag nagdi-delayed gratification nang di alam kung para saan, hayon, masaklap ang kinahihinatnan. ewan ko ba, nangyayari rin ata sa akin ang gano’n, hahaha… hello, Cup…😉

  10. Bhee says:

    …ngunit kadalasan patungkol sa mga seryosong bagay sa buhay mahirap ang mahuli. Mahirap ang palaging huli. Sa pagka-huli’y baka hindi na maabutan o mabawi pa ang pinakananais-nais. Nakakalungkot isipin kung magkaganoon.

  11. hindi ko masabi na masasayahan ako na alam ko huli na ito. pero siguro mas maa-appreciate ko yun kasi at least sa huli nakatikim ako nun.

    mabuhay!

  12. Leeyo says:

    kung ang huling ligaya ay siyang tunay na wala nang tutumbasan pa.🙂 masasabi ko’ng OO.🙂

  13. CrazyFrog says:

    Nasanay na ytang huli. Nagpaghuhulihan…🙂 tingin tuloy wala nman pinagkaiba…😉

  14. 182official says:

    HINDI MASARAP ANG LAST BITE ! aba , nakakabitin rin yun .😀

  15. Manul-nulat ng Bayan says:

    lahat ng saya at ligaya, maging huli man o una ay masarap…….pagkat ito ang damdamin ng pusong nagtagumpay …..

  16. Moks, kaya lang masarap ang huli dahil alam mong last bite, last taste, last chuva. At dahil last nga siya at paubos na, alam mong wala ka ng mimiryendahin pagkatapos ng tinatawag mong “last”. Pero kung tutuusin, pareho lang ng lasa gaya sa first taste, first bite, first chuva. Ninanamnam mo lang at binibigyan ng pansin ang “last” kasi nga “last” na. Gets?

  17. Pingback: UnanG TiKim ( first churva ) | 25pesocupnoodles

  18. Hindi din masarap ang huli kung minsan. Yun kasi yung halu-manis na! (yung nasa bingit na ng pagkapanis at nahahaluan na ng ibang lasa.) Hahahaha! XP

  19. mmc.XD says:

    Naalala ko nung college ako, huling bite na ng burger eh, at feel na feel ko na super masasatisfied ako kapag naubos ko na yun. Then, bigla sya sinubo ng classmate ko. The F! Mangiyak ngiyak ako nun! Gusto ko sya awayin but then I can’t be mad over that last bite of burger! Ugh!

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s