“Tanging hininga lamang …

“Tanging hininga lamang ang makapipigil sa akin sa responsableng pagtipa, sa oras na ako’y malagutan ng hininga, kasabay ang paglaho ng aking mga ideya.”

‘benchingko

Ang pagsasabatas ng Cyber Crime Prevention Act ay hindi naman nangangahulugan ng pagkitil sa ating karapatang makapagsulat ng malaya sa cyberspace, may mga parte lamang ito na nagpapa-alala sa atin ukol sa responsableng pamamahayag.

Mas malawak pa ang saklaw nito kung ito’y hihimayin, kumpara sa mga iilang pananaw ng mga taong taliwas sa hangarin ng batas na ito.

Hindi ko man sinasabing ako’y lubusang sumasang-ayon sa kabuuan ng batas na ito, pagkat may mga parte na nagbibigay din sa akin ng agam-agam bilang isa sa mga milyong-milyong Filipinong “internet user o subscriber”.

Kagaya ng tinatawag na “mistaken identity”, sa aking pananaw ito’y hindi malabong mangyari sa Cybersecurity na kanilang tinatawag. Kung sa tunay na buhay ang mistaken identity ay nangyayari, aba’y di lalo pa’t sa “online activities” na wala ka man lang kahit anong identity (maliban na lamang kung may court order na, para panghimasukan ang iyong pribadong pagkakakilanlan).

At sa isang banda pa, ito’y maari rin pagmulan ng isa pa muling uri ng pang-aabuso sa karapatang pantao kung ito’y gagamitin sa panlilinlang ng mga taong ganid sa kapangyarihan. Dito’y pihadong walang laban ang sinuman, walang kamuwang-muwang sa pag-aakalang ligtas ang sarili sa banta ng Cybercrime. Ito’y hindi natin maikaka-ila na maaaring mangyari, pagkat alam nating sa Cyber Crime Law ay malinaw ang proteksiyon para sa sinasabing “biktima” NG CYBER CRIME, ngunit nakatuon din ito sa PAGPAPALAKAS ng PROTEKSIYON para sa mga KILOS ng TAGAPAGPATUPAD NG BATAS.

Sa panahon ngayon, di maikaka-ila na kinakailangan na rin talaga natin ng Batas na kagaya nito, upang maprotektahan din ang ating sarili laban sa mga Cyber Offender at sa Cyber Crime. Di na talaga mapipigilan ang pagpapatupad ng batas na ito kaya’t kinakailangan na lamang nito ang masusi at tamang pagbabantay mula sa mamamayan upang ito’y hindi maabuso ng mga may kapangyarihan at ng mga tapagpatupad.

Para sa kumpletong titik ng Cyber Crime Prevention Act, iminumungkahi ni Cup na bisitahin ang site ni TADONGGENOIUS KUNO.

Mahahalagang kuro-kuro mula kay,

1.  Legal Notes.

2. donkyukastilyo.

3. aurorametropolis.

4. binkycm.

5. rizzamaruja.

6. naiccavite.

7. mahiwagangisip.

8. karenicanix.

9. mrbeancentdblogger.

10. maykasamakangdimonakikita.

11. sankagesteno.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

29 Responses to “Tanging hininga lamang …

  1. I’m sharing this.🙂 I like that this is impartial, well thought out not a generalization but presenting truthfully the merits and demerits of this law. We should not always oppose something without fully understanding what the issue is about and jumping on the bandwagon right away. It is better to always keep a cool head.

    • salamat JoF, sa iyong pag-iiwan ng diin. ikinagagalak ko muli ang makita ang iyong bakas dito. marami akong nalaktawan sa iyong mga paskil, hmmm. nais ko muli iyong bisitahin, naway mapaglabanan si talukap sa pag pikit mamayang gabi. gandang umaga sa Pinas.

  2. potsquared says:

    magaling ang pagbibigay ng punto.. diretso at malinaw.. ayos!!

  3. Tama ang punto mo dito. Gaya ng iyong napuna, hindi naman masama ang layunin ng bagong batas na ito subalit may mga probisyon nga itong malabo at kwestyonable. Sa katunayan nga, kung babasahin ng paspasan ito, kapansin-pansing minadali ang ilang probisyon na maging ang mga mambabatas na pumirma dito ay aminadong may “reservations” sa mga nabanggit na probisyon.

    • marahil ay ninais nilang habulin ang kainitan ng mga nakaraang pangyayari kung kaya’t ito’y nagresulta sa ganito, di ba? totoong ang mga bagay na ito ay sa tingin ko hindi dapat na minamadali bagkus ay dapat na pagtuunan ng pansin at pag-aaral.

      salamat sa iyong pagbibigay diin ha, magbibigay ng linaw di lamang sa akin maging mandin sa lahat ng mga makakabasa, Pro man or Anti. salamat michelle.

  4. binky says:

    Natukoy naman ang mga issue sa batas na ito, at inamin naman ng may sala diumano na sya ang may akda para maisingit ang Libel… 😉

    • hehehe, kung ikaw talaga ang author, alam na alam mo ang iyong pagkakamali. minsan na rin naranasan ang magbalangkas ng ilang mga “alituntunin na dapat sundin” sa nasasakupan, kung kayat medyo batid ko ang kanilang pakiramdam. lalo’t pat ang mga tahasang pagtutol o di kaya ang pag sang-ayon ng mga nakakabasa.

      • binky says:

        oo naman.. may tatalo pa ba sa masamang intensyon? kung ikaw ang author at alam mo na pwede mong pigilin ang anumang pagtutol bat hindi mo gagawin?🙂

        • totoo iyan na ang pasimuno ay nag-iiwan talaga ng mga “gray areas”. kumbaga silent ang author diyan, pero gaya ng sinabi ko, ako man ay ganyan ang estilo dati, inherent iyan sa pag-gagawa ng mga panukala… kung minsan nagiging iwas talaga, kaya hinahayaang maging “gray” ang mga “gray areas”, hahahahaha. natatawa ako kasi naalala ko ang mga nakaraang pinagdaanan. hahaha.

  5. karenicanix says:

    pa-share po Cup ah!🙂 Thanks!

  6. abuenaobra says:

    sang-ayon ako sa parteng maaring gamitin ito ng mga taong ganid sa kapangyarihan. kaya nga ito’y aking mariin na tinututulan. kung hindi ka sumasangayon sa ginagawa ng kinauukulan, isinulat mo ito sa iyong blog halimbawa at hindi nila ito nagustuhan, maaari ka nilang kasuhan ng libel ng ganun-ganun na lamang. malaki ang maiaambag ng batas sa freedom of speech dahil sa section tungkol sa libel. mag-aalinlangan ang mga tao na ipahayag ang kanilang tunay na nararamdaman dahil sa takot sa sanction. kumbaga ba, mananahimik na lang ako kaysa may mali pa akong masabi.

    • sadya atang inilinya rito ang kasong libelo para maging responsable rin tayong mga internet user sa pag-aakusa o pagbibigay pahayag sa ibang mga tao. mapapansin din naman natin na naging walang habas ang mga pagbabatikos at pagsisirang puri sa ilan mga personalidad na naging tampulan sa mga networking sites, kahit mismong mga taong wala naman kamuwang muwang at walang mga kasalanan.

      at higit pa naniniwala rin akong, kung totoo at ang aking ipapahayag ay may basehan at pawang mga katotohanan, di ako mag-ngingiming gamitin ang internet bilang midya upang maipahatid ang aking saloobin, ngunit titiyakin kong ito’y pawang katotohanan upang maipagtanggol ko rin ang aking sarili, sakaling ako’y tapatan ng “libel suit”, hinde ba?

      ika ko nga, “Tanging hininga lamang ang makapipigil sa akin sa responsableng pagtipa, sa oras na ako’y malagutan ng hininga, kasabay ang paglaho ng aking mga ideya.”

      walang sinuman ang makakapigil, bagkus ay ang ating Maylikha na siyang may kabuuang karapatan sa ating buhay.

      maraming salamat sa iyon mga bakas, ito’y nagdulot sa akin ng mga bagong kaisipan at paniniwala na lalong nagpapatibay sa aking disposisyon. salamat abuenaobra.

      hanggang sa muling pagbabalik at pagbabalitaktakan.

  7. Sa tingin kailangan muling pagaralan at busisiing mabuti ang batas na ito. Masyadong komplikado at kelangan ng payak na detalye.Sa ngayon, hati talaga ang opinyon ng mga pilipino kaya sana irebisa na kung saan mas kapaki pakinabang sa karamihan.😉

    • Tama Myr, ang masusing pag-aaral at pagkakaroon sana ng “simulation” para naman mailatag ito ng naaayon sa tunay na buhay at kalagayan ng mga mamamayan. Pero ika nga, “mas magiging makabuluhan ang isang bagay kung ito’y aani ng hindi lamang papuri kundi mandin ang mga pagtutol, mas makakahango ng mabubuting pagbabago (o rebisa) kumbaga”.

      Salamat Myr sa iyong biglaang bisita.

  8. batopik says:

    tunay yan. kelangan ng revisions kasi masyadong malabo ang irr ng cyber crime law. saka duda ako sa implementations nito. marami nga tayong mga batas na naisasabatas (?) ngunit mahina tayo sa pagpapatupad. tsk tsk.

    ayos yang tanging hininga lamang ang makapipigil sa akin.. hakhak. apir!

  9. tomaritz says:

    Sa wakas ay nakabasa rin ako ng opinyon ukol sa batas na ito na masusing tinimbang muna ang magkabilang panig… marami ang bumabatikos na base lang sa mga naririnig at nababasa sa iba. Hindi muna nag-abalang basahin ang batas o tingnang mabuti ang kahulugan ng libel hehe. Totoong hindi perpekto ang batas na ito ngunit aminin naman natin na kailangan natin ng batas laban sa mga cybercrimes na laganap na sa mga panahong ito. Hindi ako sang-ayon sa ibang mga probisyon ng batas ngunit sa tingin ko’y OA na ang reaksyon ng iba. Peace!

    • hello, maigi rin ano dahil may mga OA reactions (redundant na ata), at least makikita natin ang mga loopholes at mga possibilities na maaring mangyari sa lubusang implementasyon nito. at dito magmumula ang mga bagong ideya para ito’y punan at gawing mas kapakipakinabang. salamats tomaritz.

  10. bagotilyo says:

    Tama nga naman . Think before you click.

    For me the law still needs revision🙂

  11. gold account says:

    Nanawagan din ang naturang grupo sa mamamayan na manatiling mapagmatiyag sa mga bantang pagsikil sa karapatang makapagpahayag ng sambayanan.

  12. Manul-nulat ng Bayan says:

    nag-ugat na’t nag-ugat pa at ngayon ay nabuhay
    ang pamamahayag na tulong sa buhay
    ang nais ng iba ay putulin na’t mamatay
    o kaylaking katangahan
    tangang mamamayan!

    kalayaan
    kalayaan
    nasaan ka na naman?
    binigay ka na noon ng dayuhan,,,,
    ngayo’y ninanakaw ka naman ng sariling kababayan….

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s