Isang Bagsakan Award (One HiT Award)

Aking ihahanay ang mga naging parangal mula sa mga astig na mga bloggers (mga ini-idolong manunulat). Ako’y sa inyo muli nagbibigay pasasalamat.

  1. Liebster Award (mula kay Prinsesa Musang)
  2. Versatile blogger Award (ChilledHoney,  Tambay na si MyrWorship Warrior Bride aka Tinay, at Dwight DL)

LIEBSTER AWARD

Quote – This is given to bloggers by bloggers as way of acknowledging each other. Sort of like a pat on the back to say “you’re doing a great job.” It’s also for blogs with 200 or less followers, so it’s one way of spreading the word about the smaller blogs and get them more readers and followers.

If you receive this award, you are expected to post 11 random facts about yourself in answer to 11 questions from the person who nominated you. Then you come up with your own 11 questions and pass the award to 11 other small bloggers and make sure you tell them that they’ve been nominated! Also, you’re not allowed to nominate the blog(s) who nominated you.    – Unquote ke PM (tamad si Cup)

Ang mga latag ni P. Musang

  • spag o carbonara – ang totoo di ako mahilig sa “pasta” kaso kailangan pumili, SPAG na lang ‘yung medyo matamis ha.
  • ipad o laptop – hmmmm, hirap naman, laptop na lang mas powerful kasi (ang laptop pag may snatcher pede mo ipukpok bago mo ibigay, hehehe).
  • math o english – mas masarap ata ang mag-isip kaya Math ako (may english naman sa math eh, pero sa english walang math).
  • reading or writing – reading, mas madali kasing magbasa kahit saang lugar, e ang pagsusulat bawal sa ibang lugar sa papel lang pede (vandalism / post no bill)
  • TV o video games – video games, lalo pag game of strategy.
  • sports or music – hmmmm, music, gusto ko kasi mag soundtrip ng tatlong araw ‘yung tuloy tuloy, walang patid, sigh.
  • cat or dog – dog, dati kasing may asthma baka bumalik pag may pusa, tsaka pakiramdam ko mabaho ang pusa (bakit? kasi pinanghihilamos ang laway), hahahahahahah.
  • USA or UK – USA, ally mula pa noong unang panahon.
  • shoes o slipper – sa labas sapatos, pero sa loob ng bahay slippers, sapatos pa rin ako (yung rubber shoes na masarap sa paa ha p.s size 8).
  • apple o orange – orange, mayaman sa vitamin c.
  • cookies o brownies – brownies, basta di masyado matamis, ‘yung medyo mapait ang lasa.

At ang mga natatanging Cup Awardee sa kategoryang LIEBSTER blog AWARD –

  1. chilledhoney
  2. 3rdheight
  3. great fire hanz
  4. crazy frog
  5. Myr
  6. Kaloy
  7. theworshipwarriorbride
  8. binky
  9. saliw
  10. olops
  11. jmkhapra

Mga Takdang Aralin bilang liebster awardee (kailangang sagutin ito ha)

sa iyong katha

  1. ano ang iyong favorite (isa lang ha)?
  2. ano ang most commented?
  3. ano ang most liked (ng follower)?
  4. ano ang most visited?
  5. sino ang pinakamadalas mag-comment?
  6. anong araw ka nakakuha ng pinakamataas na bisita? at ilan (kung di nahihiya)?
  7. sino ang kauna-unahan mong follower sa wordpress?

personalan

  1. ilan ang sapatos mo?
  2. ilan ang tsinelas mo?
  3. ilan ang pantalon mo?
  4. ilan ang bag mo?

babala bawal mag laktaw (skip) ng tanong ha, mawawala ang Award……

VERSATILE BLOGGER AWARD

Muli ang pasasalamat sa nagbigay parangal, sa isang Paru-parong marikit na si ChilledHoney, sa isang Tambay na Gwaping na si Myr at sa  isang Bb si Tinay bilang Worship Warrior Bride.

Chilled, ika nga ng karamihan ay, “huli man daw at magaling ay naihahabol pa din”, kaya ito inihahabol ko.

Myr, salamat sa patuloy na pagsubaybay at sa walang sawang pag-iiwan ng mga malulupit na bakas, “bakas na kaylanman mananatili sa paglipas ng mga bukas”.

Tinay, salamat sa mga Bible quotes, kaiba ang dulot nito sa aking kalooban. Parati nagpapa-alala. Hangad ko rin na marami ka pang ma-inspire.

Dwight DL, salamat sa mga tulang may malayang taludturan (free verses) na aking hirap na gawain, kaya ako’y nakikibasa na lang. Ang mga tula mo ring tila isang diary ay kasiya-siya, at idagdag pa ang ilang sulatin na may mga mapangahas na mga salita (na akma at dapat naman talagang gamitin sa paksa).

At ang Cup Nominees para sa kategoryang The VerSaTile BloGGer AwARd

  • jm khapra – para sa pagpapalawak ng imahinasyon di-lamang sa kwento lalo pa’t mahigit sa mga kaiga-igayang pagguhit (paintings)
  • theworshipwarriorbride – para sa mga pagkaing kaisipan at mga bible verses na di ko inaakalang nag eexist pala. hey.
  • crazyfrog – para sa kakaibang estilo ng mga katha, na kung minsan ay para kang isinasama sa para-gliding (sarap lumipad – totoong lipad ha, hindi yung lipad sa kawalan). ribik, ribik, ribik.
  • Manulnulat ng Bayan (si Manong) – para sa mga bakas na laging naghahatid ng pagkalasing, at sa pahapyaw na mga payo (wari nakakubli kagya’t tumatalas ang isipan)
  • Joan Miranda – sa pagkakahanap ng “kaliwa ng tsinelas, ang kapares”, bisitahin ang napakaganda ring tula. pretty yan sa red dress avatar….🙂
  • zezil – sa pagiging virtual morning coffee buddy (ok lang ba sa iyo?), at sa pagsipa-sipa sa ere kasabay ang “hiyaaaaaaaaaaah”, naka skorts yan (the lucky skorts na may eksena rin sa bus ride), hehe.
  • Kaloy – ang blogger na maraming girlfriends (pakilala mo naman ako kahit sa isa lang), pretty din sister nyan, bisitahin nyo para makita nyo….
  • bhee – para sa pagsasabog ng ngiti at ligaya araw-araw sa mga pahina ng panulat, kulay dilaw na ngiti (na inaakalang hindi dilaw). pag kayo nalumbay dalawin ang paskil ni bhee….
  • Pots – para sa inaasahan kong “Lapad” sa darating na pasko, hehe, hindi malapad na balakang ha (pero pede din pala). Isa ring virus carrier ng kasiyahan. Takas din yan sa nakaraan (bilanggo wari), peace Engr (pala).
  • karenicanix – eto at marami din atang secret notes (nagtapat eh, hahaha, naku nabuking pa), pretty din yan.
  • yanaamari – astig na poet din ito, young pa pero galing ng mga kataga, abangan natin pag nag edad na ito. dahan dahan sa pagkain ha. (di ko makalimutan ang tula para muta) hahaha.
  • mmc (merrystrawberry) – wagi ang mga kwentong nakakapagpatayo ng balahibo (ang doppler o double ganger entry) kung minsan may illustration pa ng bahay wari isang “fire drill plan”.😛
  • renxkyoko – ang bisita na laging may dalang translator (bf si google). isang essayist & photo blogger.
  • Lambing – pangalan pa lang malambing na oh. dala niya ang sandamakmak na lambing sa bawat panulat. ako man ay nalambing nyan.
  • themathteacheralsoreads – ang pinaka huli sa awardee, para sa inyong kaalaman ang Guro ang aking kauna-unahang follower dito.

Sa wakas nakumpleto ang awardee, pinawisan kili-kili ko.

At ang Takdang Aralin bilang isang nominado sa versatile blogger Award:

1. magbigay pasalamat sa naglaan ng Parangal

2. i-link ang nagbigay parangal sa iyong paskil

3. pumili ng mga 15 muling mga nominado

4. maglahad ng 7 bagay na patungkol sa iyo.

Pahabol na 7 bagay patungkol sa akin:

  • simple
  • bolero (daw)
  • pala-isip
  • sanay sa puyatan
  • astig din
  • tahimik na nakikibaka
  • mahilig manlibre, hehe.

O sa mga awardee ito’y katuwaan ha, hindi talaga obligado ang mag reply agad, kahit sobrang tagal pede. Basta’t pag inyong naramdaman na ito na, ito na ang panahon para magbigay parangal, huwag pigilan ang sarili ha. Maraming liligaya sa inyong pagtugon.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in idolo and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

50 Responses to Isang Bagsakan Award (One HiT Award)

  1. PM says:

    para kang artista ang dami mong award!😀

  2. Joan Miranda says:

    Salamat sa nominasyon, pagkatapos kong masagutan ang aking mga asignatura sa aking paaralan, mga tanong mo’y aking sasagutan. Salamat din sa pagbuhay sa akingugat sa pagsulat sa sarili nating wika. Mga tula ko’y pulos ingles, minsan panga’y pranses di dahil ako’y tumatalikod, ngunit nais lamang na sa aking mga akda’y mas maraming makabasa.🙂
    Pero ng blog mo ay makita, bigla kong naaala dapat nga rin pala, aking hasain ang mga salita ko, di lang sa kanlurang lengwahe kundi pati na rin sa atin…:)

    • salamat mas tumataba ang puso ko… salamat sa pag-iiwan ng bakas. paalala; ang pag-aaral din ng ibang wika ay lubos na magbibigay sa iyo ng advantage / edge sa iba, kaya’t magpatuloy lamang, basta’t huwag lamang isasantabi ang ating sariling wika.

  3. congrats sa iyong 2 bagong awards!

  4. Salamat salamat! Ako’y nagulat at napangiti mo. Salamat sa pag appreciate ng aking mga gawain. Kung gusto mo pang mag pamahagi ng Isa pang award ay yung Very Inspiring Blogger award ay nagawad din sa iyo.🙂 aking Lang na draft na. Yung logo ay nasa ibaba mg aking page. Salamat muli.

  5. KALOY says:

    Maraming salamat Kap!🙂

  6. uy, salamat, Cup… nakabasa rin ako ng mahaba-habang post dito, hehe.😉

  7. karenicanix says:

    Natawa ako at kinabahan.. Dahil sa pangaral na salita! hehhehe.😀 Minsan kasi sakit ko maging honest! LOL😛 Salamat, Cup!

  8. binky says:

    yo! salamat po… kiss?? sagutin ko sa tamang panahon, medyo nanganganay pa ako sa pagsusulat.. pati paglalagay ng link.. pag may oras magpapaturo ako sa iyo ng mga links.. mabusisi din pala ang paggawa ng ganito.. babalikan ko to, pramis! salamat ulit..

  9. Labis kong ikinatuwa ang iyong itunuran sa itaas. Kung alam mo lang hanggat dto sa abot abot ngiti ako, karapat rapat ka lang na ihanay sa listahan ng mga pantas na manunulat sa makabagong panahon. Nais ko rin ibalik ang pasasalamat at sa walang sawang pagsuporta. Ipagpatuloy natin ang nakagawian. Paglawakin ang kaalaman at ibahagi ang mga nakaimbak na karunungunan😉

  10. CrazyFrog says:

    Saling pusa uli ^_^
    Salamat Friend na Cup! Ngiting ngiti at nakakahibang ito hihi
    ____
    mahilig ka pala na manlibre! Hmmmmm kailan kaya manlilibre?🙂

    Salamat uli ^_^

  11. Leeyo says:

    kung mahilig kang manlibre, mahilig akong magpalibreeee!! libre naman jan😛

  12. renxkyoko says:

    Thank you, thank you. I’m truly honored coming from you. I will acknowlledge it soon , once I’m done with my travel stuff, ha ha ha.

    Here’s to us………. CHEERS !

  13. Eugena Siren says:

    Hello Web Admin, I noticed that your On-Page SEO is is missing a few factors, for one you do not use all three H tags in your post, also I notice that you are not using bold or italics properly in your SEO optimization. On-Page SEO means more now than ever since the new Google update: Panda. No longer are backlinks and simply pinging or sending out a RSS feed the key to getting Google PageRank or Alexa Rankings, You now NEED On-Page SEO. So what is good On-Page SEO?First your keyword must appear in the title.Then it must appear in the URL.You have to optimize your keyword and make sure that it has a nice keyword density of 3-5% in your article with relevant LSI (Latent Semantic Indexing). Then you should spread all H1,H2,H3 tags in your article.Your Keyword should appear in your first paragraph and in the last sentence of the page. You should have relevant usage of Bold and italics of your keyword.There should be one internal link to a page on your blog and you should have one image with an alt tag that has your keyword….wait there’s even more Now what if i told you there was a simple WordPress plugin that does all the On-Page SEO, and automatically for you? That’s right AUTOMATICALLY, just watch this 4minute video for more information at. Seo Plugin

  14. Just wanted to say you have a great site and thanks for posting!…

  15. theworshipwarriorbride says:

    Kuya noodles thank you ulit…Ang dami ko nang sasagutin hahaha kaya gagawin ko na, hindi na pala kita pwede inominate…🙂

    Thank you ulit🙂

  16. Pingback: Got Another Award ^_^ Happy Much! « Worship Warrior Bride

  17. 182official says:

    wow , mayroon rin palang mga awards🙂 sana balang araw magkaroon rin po ako niyan sir ! tiwala lang .🙂

  18. Manul-nulat ng Bayan says:

    daming award kaibigan….congrats…pasensya na at ngayon lang uli nakadalaw. nagpagaling pa kasi

  19. Pingback: Liebster Blog Award… | binkycm's corner

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s