Pagsuko at Pagtatangka (The Surrender)

“Panginoon Kayo napo ang bahala sa natitirang sandali nitong aking buhay…”

“Habang humihinga, habang umiikot ang mundo, ang buhay kailangang magpatuloy, hindi maaring ipinid, at hindi maaring ihinto…”

Nais ko sana munang humimlay,

Pansamantalang iwan muna itong aking buhay.

Pagal na ako sa pagsasalabay,

At lalong pagod na sa aking paakbay-akbay.

Hanggang dito na lang ba ang aking buong husay?

‘Di ba mananatili na panghabang-buhay?

Hanggang dito na lamang ba ang kayang ibigay?

Taas na ang mga kamay,

Laban sa mga hamon sa buhay.

Pagsuko ay nais ialay,

Sa Poong Maykapal na laging nakabantay.

Panginoon Kayo na po ang bahala sa natitirang sandali nitong aking buhay…

“Habang humihinga, habang umiikot ang mundo, ang buhay kailangang magpatuloy, hindi maaring ipinid, at hindi maaring ihinto…”

binago upang ilagay ang larawan noong marso 25, 2014.

kredito: ang larawan ay hindi pag-aari ni Cup, kredito para sa yclick.org

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Image | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip, poem, tula and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

32 Responses to Pagsuko at Pagtatangka (The Surrender)

  1. “Habang humihinga, habang umiikot ang mundo, ang buhay kailangang magpatuloy, hindi maaring ipinid, at hindi maaring ihinto…”

    true,don’t give up🙂

  2. chilledhoney says:

    yako na!
    uwian na!
    suko na!
    ayawan na talaga!

    buhay hinamon,
    ayaw huminahon,
    ayaw umayos,
    laging may unos

    ayaw nang sumulong,
    kaluluwa umuurong,
    nagpagulong-gulong
    bigat lalong pumatong…

    di makatakas,
    di makaalpas,
    di makatalikod,
    di makapanukod…

    subukang huminga,
    uusbong ang pag-asa,
    subukang lumabas,
    ngingiti ang bukas…

    di didilat, pipikit muli,
    di gagalaw, mananatili,
    di iimik, tatahimik lamang,
    di lalaban, ipasa-Diyos na lang.

    ( o kaya mas maganda, umakyat sa ituktok ng bundok at sumigaw , ilabas ang baga…nagawa ko na)

  3. KALOY says:

    Minsan kelangan natin sumuko, at magpatuloy. .🙂

  4. kayedee says:

    sabi nga. wala ibibigay sau si lord na hnd mo kaya🙂

  5. naman! ang buhay ay hindi hihinto sa isang malaking event sa iyong buhay que maganda ito o pangit. Mabuhay!

  6. theworshipwarriorbride says:

    Letting go and letting GOD.
    Sometimes we win by surrender…

  7. potsquared says:

    aja.. ~habang may buhay… habang may buhay.. hangga’t ang dugo ko ay dumadaloy.. sa ‘yo lamang iaalay!!!

  8. Manul-nulat ng Bayan says:

    mga salitang tila pamamaalam
    ay di mangyayari kung walang pinagmulan
    kung mapalad ka nang ikaw ay isilang
    mapalad rin naman ang may kamatayan!

    • Salamat Manong sa iyong makatotohanang mga pahayag. Magiging mapalad ang pag-sa- kabilang buhay kung ito’y mangyayari sa “natural” na pamamaraan, hindi sa “pagkitil ng sariling buhay”.

      Aaminin ko Manong na ako’y uhaw sa iyong mga bakas, walang halong biro, daig ang hiwaga ng aking mga kataga ang dala-dala ng iyong mga ma-iikli ngunit mabibigat at nakapagpapamulat na mga pahayag.

  9. batopik says:

    aww. gusto ko it, ang pagsuko.. hihihi.

    • Salamat batopik, gusto ko rin iyan… Para sa iyong kaalaman nai-draft ko yan habang ako’y nakatayo at walang magawa kundi mag-isip sa isang “metro rail transit” station (nag-aabang), mabuti sa tulong ng cellphone ay di nawalang parang bula ang mga ideya at damdaming napapaloob sa kathang ito.

      Sa totoo lamang mabigat para sa akin ang kahulugan ng kathang ito, malalim pa sa mga katagang nakalatag. Ninais ko pa ngang ito’y huwag maipaskil. Kung maaalala mo ang napa-balitang isang babaeng tumalon sa LRT train at kinitil ang sariling buhay. Marahil kasabay noon nang ito’y ma-i-draft (pero ako’y nasa mrt), kaya’t lubha ang aking pagkatakot ng araw na iyon ng aking malaman. Pagtataka rin ang iniwan sa akin dahil ang pangyayaring iyon ay isang “co-incidence” sa pagkakalikha ng kathang ito. Sa madaling salita ang kathang ito ay para sa mga nagnanais na kitlin ang sariling buhay. Di ko man hangad na ialay sa kanila, ngunit, di maikaka-ila sa isang banda nito’y naging gayon ang layon. Nawa’y magbigay kaliwanagan sa bawat taong makakabasa.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s