Mas masakit nga bang maki…

Mas masakit nga bang makipagtalo (argue) kapag tahimik? Para nga bang silent killer, paunti-unti at malalim sumugat? (paki-tama kung mali ha)

tanong sa isang kaibigan

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, quotable quotes and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

59 Responses to Mas masakit nga bang maki…

  1. binky says:

    True, never argue pag tumahimik na sya.. Siguro planning for revenge na un..

  2. chilledhoney says:

    Silence is telling you something is wrong…yun lang…ang labo at ang linaw…

    hindi lagi paghihiganti, maaring pagbibigay puwang sa pang unawa at pag-alis ng galit na kumakain sa kaluluwa dahil sa mga taong walang magawa kundi manira o sa mga taong nanggugulo para makakuha ng simpatiya…

  3. KALOY says:

    based sa experience mas mabigat kapag nanahimik na ung tao.. Pramis peksman.

  4. Bhee says:

    Mas masakit. ‘Di hamak na mas masakit kaysa nagsisigawan. Ang pananahimik ay mabisang pampakulo ng dugo ng kaaway.

  5. Leeyo says:

    depende.

    kung ang makakaaway ko ay yung pang-asar lang talaga sa buhay ko, mas mainam na makibaka nang tahimik. hayaan niyang paniwalaan ang paniniwala niya, at bayaan ko na yung akin.

    pero kung malapit na kaibigan, oo. isang malaking oo. dahil hindi mo alam kung anong ipupuntos niya o pinupuntos niya sayo. oo, dahil, para sa akin, mas mainam kung alam ko ang mali, hindi yung nanghuhula ako, madalas malalaman ko pa sa kung sinong ponsyo pilato na hindi naman dapat kasali sa isang argumento…

    at madalas, masasaktan ako ng una, pero sa ikalawa at lumaon–kung magpatuloy man ang aming mga kapalaluan—o pagmamamataas—oo yung tinatawag nilang pride, malamang sa malamang, mula sa pagiging magkaibigan ay magiging magkakilala na lang kami. per hangga’t maari ay iniiwasan ko yun…

    base yun sa experience.

    • Ay oo nga, napansin ko rin nga na, sa malapit na tao sa buhay, pinipilit nating maisa-ayos ang lahat lahat “by all means”, ano?, kahit pa minsan ay nagpapakababa na tayo, pero “worth” trying naman talaga, bagkus kung sa isang taong di natin pinahahalagahan ng lubusan, ay wari ipagsasa-walang-bahala na lamang talaga (dead-mahan kumbaga).

      gandang umaga pandaber, nakita ko ang pinamainit mong paskil ah, sobrang init talaga, nakakapaso po. hello Pandaber.

  6. mrbeancent says:

    Ganyan ako makipagtalo. Silent lang. DI naman masama yun? Depende parin sa tao.

  7. kayedee says:

    naman!! mas delikado, mas totoo ang galit kung gnun.. kakatakot :-l

  8. realdale says:

    Mas masakit yun! di mo tantyado ang takbo ng utak niya o kung anong nararamdaman niya. Mahihirapan ka ng pag approach. Baka kung anong gawin sayo sa susunod.

    pero depende pa rin. May mga maiingay din naman at bayolente at the same time. Yun mas nakakatakot.

    • ganda pagbati Realdale sa iyong pagkakatuklas at pag-iiwan ng bakas sa aking tambayan, at salamat din, dahil sa iyong pagkakatuklas ay natuklasan ko rin ang iyong blog.

      Mahirap talaga maghaka-haka sa isipan ng iba, kaya hanggat maari ay maiwasan ang hindi pagkakaunawaan (gat kakayanin), ngunit kung sa puntong nariyan talaga, wala tayong magagawa kundi siguro ang humingi na lamang ng paumanhin, dahil sa paraang ito, tiyak naman siguro na mababawasan kahit kaunti ang galit o ang naka-ambang galit ng ka-argumento.

      gandang umaga. salamat sa pag-follow.

  9. potsquared says:

    parang mahirap makipag argue.. kesyo tahimik o madaldal… mas gusto ko na palamig muna, saka mag-usap ng mahinahon.. kasi hindi rational ang pag-iisip kapag parehong wala sa huwisyo..

    • napag-isip-isip ko Pot, base sa payo ng mga kaibigan nating blogger, ibat-iba ang maaring paraan, depende rin talaga sa sitwasyon at personalidad ng isang tao…hmmm, ano’t-ano pa man, maari rin talaga makabuti ang paghingi ng paumanhin sa ka-argumento at least makabawas man lang ng tensyon, at hayaan na muna ang pananahimik.

      sisid na lang muna sa isang maliit na salbabida. hehe.

  10. oo ganyan ako e. mas natatakot sila pag tahimik na ako kaysa nagsasalita. pero ang totoo, nanahimik ako kasi baka pag nagsalita ako ano po ang masabi ko. yang mga mapipilit, yun ang biktima. hehehe

    • malakas din pala ang iyong tinatagong pasensya. bihira ang may ganyang personalidad, ayon sa aking paniniwala, ang taong tahimik daw kapag napuno ay parang bulkang sumasabog, misanan lang daw magbitaw ng salita, ngunit ito’y nag-iiwan ng marka depende kung ligaya o lungkot ang waring idudulot. kumbaga “extremist”, hehe, ayon lang yan sa aking pananaw ha. gandang weekend bunsong Hoshi.

  11. CrazyFrog says:

    Kung minsan kung malapit sa’yo ‘yong tao. At alam nya nananahimik ka at pilit syang inuunawa, at pinipigilan mo rin sa kabilang banda ng galit mo at baka may masabi kang mas magpapalala ng sitwasyon……. Maari pa ring maging dahilan ng lalong pag-init ng ulo ng kaharap mo. ( pag-aakalang masyado kang mabait, kahit pa alam mong may pagkakamali din sya, pinagpapasensyahan mo) hehehhe tama lang malaman nya sarili nyang mali at makonsensya sya kung minsan…
    (killing someone with kindness ang drama ^_^)

  12. Manul-nulat ng Bayan says:

    ang pinakamahalaga ay nasa tamang panig ka
    at kung makipag-argue sa tahimik, ayos lang
    tiyakin mo lang na may palano ka na bago ka makipagtalo(hehe)
    baka maunahan ka!

  13. kimpoy says:

    padaan.
    ayoko ng nananahimik. as much as possible gusto ko walang blind spot, tipong gamay mo takbo ng isip niya, pero kung yun yung paraan ng pagsasabi niya na may problema, sanayan lang siguro😀 haha anong sabi ko?

    • Salamat sa iyong biglaang pagdaan. Nakita ko muli ang laso mong itim. Tama ka sanayan lamang, pagkat ibat ibang personalidad at pagkatao, iba’t iba rin ang pagharap o ang pag resolba sa isang suliranin. May mga taong nanatiling matahimik at nagtitimpi, mayron namang biglang silakbo pero mabilis din humupa ang nag-ngangalit na damdamin. Basta’t ang mahalaga, anuman ang maging paraan, ang pagkakaroon ng tiwala ay magreresulta upang maisa-ayos ang di pagkaka-unawaan. Ika nga ng nakararami, “ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat”. hello kimpoy.

  14. batopik says:

    hindi naman actually nanahimik yun, inaccept lang niya yung pagkakamali ng asawa niya. kasi mahal niya, kasi di maglalaon mawawalan rin ng saysay yung pinagaawayan nila. kumbaga lunukan lang ng pride. hakhak.

    • salamat at nakuha ko rin ang nais mo, maka ilang beses ko talaga binaybay ang iyong pahayag, hehehe. ito nga ba ay pagbibigay daan o pagpapakumbaba.

      • batopik says:

        binasa ko yung comments nila. tapos pagdating sa comment ko boom out of this world. hahaha! di ko alam kung ano bang pinagsasasabi ko, iba ako ng intindi hakhak. diba pag mahal mo ang isang tao, lahat ng kamalian niya matatanggap mo at pipilitin mo pa ring intindihin kung sino man siya… ah hindi ko na rin maintindihan mga sinasabi ko. hakhak.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s