KapaRes Na TsiNeLas (the other slipper)

“Ang konsensya kung minsan isinasantabi binabalewala, wari sa desisyon pikit mata at mistulang tulala, masunod lamang ang gawi, tama man o mali-mali.”

 –

Ang kapares ng tsinelas

Andyan ba,

Bakit di makita

Saan nga ba napunta

Hanap-hanap kanina pa.

 –

Iiwan mo ba,

Ang isang kapares

Sa iyong paa

 –

O maglalakad na lamang

Nang walang saplot kahit ni isa?

 –

“Ang konsensya kung minsan isinasantabi binabalewala, wari sa desisyon pikit mata at mistulang tulala, masunod lamang ang gawi, tama man o mali-mali.”

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, poem, tula and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

24 Responses to KapaRes Na TsiNeLas (the other slipper)

  1. chilledhoney says:

    Isa lang ang tanong ko…
    Pasasaan kung walang konsyensya?

  2. sa aking pananaw lamang, depende marahil, kung sa positibong paraan maigi at kainaman, ngunit kung sa puntong negatibo iyan ay di ko kayang sagutan. nasa sarili pa rin, at tanging sa sariling paniniwala ang sagot.

    gandang kahapunan muli.

    • chilledhoney says:

      Kungsabagay…. isang sigh at kaway mula sa pariu-parong pakpak ay hebigat… (pakpak lang ha? nakangiti naman sa paglipad lipad ^_^ )

      Sa isang pares na nawala, talampakan ay sumakit,
      “Aray! Aray!” paglakad at pagtakbo, iyan ang sambit…
      Kumbakit kasi, kapareha ay biglang nawala,
      Sa aking pagtalilis, ito ba’y may nakakuha?

      Madali nang madali, ayun nadapa, di nag-iingat,
      Kalyong kumakapal, nadagdagan tuloy ng sugat…
      Si Pedro, pati si Maria, uli-uli, takbo bilis bilis!,
      HIngal, singhap, tulo laway, pati na rin pawis!

      Talampakang sumasakit, dumi ay kumakapit,
      Hanapin ang tsinelas, maghugas bago idikit,
      Kuskusin ang putik, sabunan ng paulit-ulit,
      Upang sa muling paglakad, pwede nang kumandirit!

      Ang Kunsyensya, Bowowow!🙂

  3. KALOY says:

    Minsan aminin man natin o hindi, nababalewala natin si konsensya. Kasi hindi naman totoong lagi siyang nagpapaalala gaya ni Bitoy sa commercial ng Joy.

  4. CrazyFrog says:

    Ang kapares ng tsenelas nawawala, may natira pa naman na konsensya sa pagkatao.
    Ang kapares na nawawala ang pasaway at di nasunod sa gusto ng konsensya.. Pasaway!
    Hinahanap kuno ang kapares, tingin dito at doon, kunyari puspusan ang paghagilap…
    Gang sa magtatakbo, mabilis kahit ang isang talampakan walang sapin…
    Natalisod… Napaika… Nadapa…
    At sa paglingon-likod, nakita ang kapares nasabit sa paa, saka pa lamang nalaman kung bakit nangudngod!
    (padaan po saglit)

  5. Manul-nulat ng Bayan says:

    Sundin ang ginawa ni Rizal,,,,,

  6. rommel says:

    Maka Rizal ang pagsusulat mo.

  7. PM says:

    problema tong malaki kung havs… tsk.

  8. renxkyoko says:

    That’s true. How come we always lose the other half of our slippers/ maybe under the bed? Not there. Weird. Eh, I’m being literal. Is there another meaning to this ? lol

    • ang sa akin lagi itinatakas ng makulit na tuta ang kapares ng slipper ko, hahaha.

      other meaning behind this is that, sometimes we tend to disregard what will be the consequences of our decision, we’re sometimes caught unaware, and later on upon knowing, the choice would be to correct or just to let things happen as it is.

      pagbibigay diin (emphasis) sa linyang:

      “O maglalakad na lamang, Nang walang saplot kahit ni isa? (Or you just gonna walk barefooted alone?)”

      there’s an option to look for the other half or just to walk barefooted… malinaw ba? hehe

  9. DonQC06 says:

    Ika nga ng iba…. “nasa huli ang pagsisisi”

  10. batopik says:

    Bagay dito ang Ampatuan post mo. Hakhak.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s