“ang pagkakakilala sa isang…

“ang pagkakakilala sa isang tao ay di magagawa sa isang iglap lamang
ito’y hinuhubog kasabay ng takbo ng orasan
at kaakibat ng mga tuwa at ng kalungkutan
sa paglipas ng panahon ito’y lubos na mapapatunayan
ng di kailangang ipagsapilitan.

marami ang mapagpanggap
kaya’t ibayong ingat
ang payong nais ipamulat….”

isang pagbabalik tuwa at ligaya para sa isang “paru-parong marikit”

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, quotable quotes, Uncategorized and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

28 Responses to “ang pagkakakilala sa isang…

  1. chilledhoney says:

    Isang pasasalamat sa paalaala…

    Ang aking paalala sa iyo ay huwag ring kakalimutan upang di muling magkaroron ng hampas ng habagat sa iyong kinaroroonan o dikaya’y ikaw ay muling mayanig ng isang dumadagundong na lindol…(yay!)

    At sa muling paglipad ng paruparo… ang iyon paalala ay ibabalot ko at dadalhin saan man humapon…🙂

    Salamat matinik na manunulat!

  2. Manul-nulat ng Bayan says:

    baka kayanin sa dalawang iglap…

  3. madalas ang pagiging malapit sa loob ng mahabang panahon ang talagang nagpapatibay ng samahan at pagkakaintindihan, panahon din ang tunay na makapagpapatunay at makapagbabago sa iyong saloobin sa isang tao. puwedeng-puwedeng mabago ang iyong first impression. ang dating magkakaaway ay puwedeng maging mag-best friend at ang ang dating di nagpapansin ay puwedeng magkatuluyan sa hinaharap.

    • Wari minsang sumasalungat sa katagang, “first impression last”, siya nga, isang pagtatanto. Kaiba rin kasi ang epekto pag ang isang tao ay napagtuunan mo na rin ng pansin ng hihigit sa isang iglap lamang, andun nabubuo ang tunay na pagsasamahan, at kung minsa’y nauuwi nga sa sinasabi nating pagkakamabutihan (kung sa pagitan ng magkaibang kasarian). Ang payo ko nga sa aking nakababatang kapatid na kung iibig sa isang tao, palagiing maglaan ng oras at panahon para lubusang makilala ang iniirog, sa ganung paraan magkakaroon sila ng pagkakataong magkakilanlan sa pag-uugali, lalo pa sa mga paniniwala at prinsipyo. gandang gabi na bunsong Hoshi.

  4. tanong ko lang, kanino ito sinasabi? sa sarili, sa iba? sa ating lahat? ^^ yes, it does take time and often, we forget. akala natin, kilala na pero di pa pala… and we hurt others as we are hurt as well. ang saklap lang. it’s one of the hard lessons -in life and in blogging na rin, siguro…

    may tula ako dating parang ganyan. Akala Natin ang pamagat. sana, i can show you… hello, Cup.🙂

    • kamusta Saliw sa iyong muling pagbabalik at pag-iiwan ng bakas, tagal ka din inantay ng aking mga hain.

      ang mga pahayag ay isang prinsipyo sa buhay na nais ihandog sa ating lahat, lalo pat sa mga kaibigan nating sabihin na lang nating madaling magtiwala sa kapwa. iyan ay isang mahalagang paalala kung paano makitungo sa iba, maging ito’y personal, sa hanap-buhay, sa lablayp, atbp. gandang hapon na patungo na sa gabi.

    • ang tula ay hindi mo ba puwedeng ipa-silip?

      • a, oo sana. but then, nasa DPSA ‘yon na suspended pa rin till now… pag inun-suspend na ni ginoong wordpress. nakailang sulat na ako asking what should i do para ma-restore, deadma ang technical people, yon… :c

        • sana pala’y nakapag tago ka ng soft copy file sa word document or pede rin excel file. hehe. natutuwa ako’t minsan ang paniniwala ay nagtatagpo sa paniniwala ng iba, parang isang affirmation o pagbibigay diin. pero di naman nalulungkot kung may mga taliwas dito, bagkus ay nagmumulat pa sa pagninilay at pagmumuni-muni. bihira nga lamang ang nagtatangkang pumuna sa ilan sa aking mga handog. ibabalik ko na lamang ang pagbati sa iyong tanghali patungong kahapunan, wag lang sanang patungo sa antukan, hahaha.

          • a, yes, yes. i guess so…:) pag may time ka, read Mga Tahi at Paso na lang. that post was originally published in DPSA. yon lang, 5km ang haba, hihi. caution – tigti-3 kms din ang comments, as in… ^^ have a good day, Cup.😉

    • Sa aking pagkaka-alam nabasa ko na iyang katha mo, karamihan, di lang ako nagparamdam, kung may napansin kang tig-iisahing silip (view) sa iyong mga katha, malamang ako iyon. Kaka-aliw naman kasi maglibot minsan ng walang anumang paramdam o bakas. Yun tipong parang wala lang pero meron pala. Ayun ganoon lamang.

      Kagaya ng nabanggit ko sa iyo binibigkas ko ang iyong mga katha.

      • ahaha, salamat sa pagiging stalker sa loob ng site ko. ikaw ba ‘yong nakaka-praning na nagbubuklat doon? kainaman… mas preferred ko pag may trace na iniiwan, ahaha. ^^

        ikaw na ang mahilig sa sabayang-bigkas, hihi. may ganyan kami no’ng high school… salamat sa pagtangkilik. subok ka minsang gumawa ng mahaba-habang akda, Cup..
        happy weekend sa ‘yo…🙂

    • maraming salamat din, aking susubukan lumikha ng medyo mahaba-haba sulatin, salamat sa panghihikayat at minsang pagbibigay inspirasyon.

  5. CrazyFrog says:

    Maraming makakagaanan ng loob at pagkakatiwalaan…
    Hindi nga makikilala agad ang mga ito…
    — tama, mag-ingat. Maaring maloko at masaktan😦

  6. silver price says:

    Pero nang malaman kong may sariling gym pala ang company ko, medyo nawala ang pagkaantok ko sa salitang gym. Haha. Sayang naman kako. Libre na nga, eh di dapat pakinabangan. Nagsimula akong mag-gym two weeks ago. Nang yayain ako ng girl workmates kong mag-gym, hindi na ko pumalag. Dalawa hanggang tatlong beses ako mag-gym sa isang linggo. Bagama’t nandun pa rin ang pagka-bored ko sa pag-ggym, natutuwa na lang ako sa mga obserbasyon ko habang nag-eexercise.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s