WorDs In PoEM (KataGa sa BawAt TuLa)

“isang pagtatangka, sa hiram na salitang banyaga”

Words behind every poem,                     Kataga sa likod ng tula,

Are like ants in motion.                           ay ang paglalakbay ng langgam.

Marching-in                                               Nakapila sa kahabaan

In a synchronized manner                       naka-ayos, sunod-sunuran

Bridging gap                                               dugtong-dugtong madalas

As they travel thru their path                 sa pagtahak sa bawat mga bakas

Communicating thru sensors                  Sa kanilang pakiramdaman

Sending joy or threats                              dala-dala’y tuwa o banta

Send out safety beeps                               paanyaya sa kaligtasan

But at times beep to warn                        kung minsan nama’y babala

Leave trails behind                                    Nakapag-iiwan ng tatak ng bakas

Seemingly markless, endless                   walang puwang, walang katapusan

Unseen by our naked eyes                        andyan ngunit di makikita

Words speak freely, as ants do…             Malayang nakapagpapahayag…

“isang pagtatangka, ayos ba?”

 

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in idolo, kathang-isip, poem, tula and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

36 Responses to WorDs In PoEM (KataGa sa BawAt TuLa)

  1. chilledhoney says:

    Pambihira! todo effort ito wari ko lang… walang column capability ang WP pad hahahaha

    Napakagaling klap klap klap!!!

    Saludo…

    At maraming salamat sa pag-aalay sa dalawang anghel… Lubos na sila ay mapapaligaya!

    • hmmmm, nais din silang mamulat sa isang parte ng mundo na ang mga salita ay matalinghaga. salamat sa tulong din. ang remake nito ay akin ding ipapaskil pagdating ng tamang panahon.

    • chilledhoney says:

      Sa pag – agos ng mga kataga………..As the words freely flows,
      Napakapayak man o matalinhaga,……….Simple or full of mystery,
      Naroroon ang taglay na layunin,………………Words bear the message,
      Naroroon, taglay na damdamin…………………….Words bear the emotions…

      Tila langgam na nagmamartsa,……Like a company of ants, marching in,
      Talupad at balangay nasa linya,……..Battalion or company in formation,
      Nais na kaisipan inihahanay,……………Desires the thoughts to be aligned,
      Upang mga titik magkaroon ng saysay……Every letter, true value it will bear…

      Hinalaw sa tuwa, maging sa luha,…..Inked with joy or inked with tears,
      Buhay inilalarawan ng mga talata,………Life is described by every phrase,
      Hinahayaang isipan ay nakatulala,……………Let your thoughts wonder and wander,
      Nag-iisip, naninimdim, inuunawa…………………..Thinking, pondering, understanding…..

      (wagas!!!!!, kakapagod pala ang ganire!!!! tinangka na rin, nagandahan sa ideya…gaya-gaya, puto-maya, ^_^)

      • chilledhoney says:

        hala, ikaw na ang mag hiwahiwalay…. nagkagulo na ang porma ^_^…pambihira!

      • ay siya aabutin ako ng siyam-siyam nyan, salamat naman ulit sa isang tulang tila pagtatangka rin. at nagdala ka pa talaga ng isang puto kasama ng ibong maya-maya hahaha.

        • chilledhoney says:

          isang pagtatangkang kailangang inuman ng pain reliever at ng anti-hemorrhage…🙂

          o sya, hayaan nang ganyan ang ayos nyan, mukha mang magulo, magulo talaga iyan…:)

          nagutom kasi kaya may putong dala, ipipirito din sana ang maya kaya lang kumawala, sigh… iniisip ko pa naman ang lasa ng adobong maya….:(

      • chilledhoney says:

        Ay inayos din pala!!!!

        Salamat🙂

        Ayan di na magulo…at naiintindihan na…

        Pinagtyagaan din pala🙂 Kakatuwa naman🙂

        kala ko totoo yung complain hihihi

        Dahil jan, lilibre kita ng meryenda… ipadala ko ba via email or via fedex?

        Hmmm ano gusto mong food? Filipino? Japanese? Chinese? Korean? American? o “Tursian” (turo turo sa daan)?

  2. karenicanix says:

    ganda! mas naintindihan ko yun english!😀

  3. CrazyFrog says:

    Nagulat ako naka column.. (tulad ni ate honey). Ang tsaga mo magspace o mag-tab siguro dito…🙂
    Poem… Sino ba ang nakakaalam ng tunay na mensahe nito.. Tanging ang sumulat ang pwedeng makapagbigay ng tunay nitong kahulugan..
    (wala na naman sa wisyong nagtatalon, tsk tsk. Nakapgcomment lang =) )

  4. theworshipwarriorbride says:

    hu-wow! para sa dalawang English Speaking na batang-batang bloggers😉

    Ayos ah! Magandang araw kuya Noodles

  5. kayedee says:

    unseen by our naked eyes..
    – hindi nakikita ng ating hubad na mata..😀

    • hahahah, nakabaro pala ang ating mga mata at minsan ay naghuhubad din? pina-isip mo naman talaga ako dyan ha, hahaha.

      wari ko kaya di nakikita kasi nakahubad, so ang nangyari nagtakip na lamang ng mata kasi nahihiya, kaya ayun di maka-aninag.

  6. thirdheight says:

    Wow! Thank you tito noodles,for dedicating this to me and my brother,I’m gonna post something today that is dedicated to you,hope you like it!:)

    • thank you din 3rd & hanz, anything coming from both of you will be treasured & appreciated. kaya aabangan ko ang inyong mga bagong piyesa (piece) ha.

      • OK! Tito cup me too! And I’m going to do the ”Ants Work Together” Xie Xie for dedicating the Poem to me Great fire And 3rdheight… From Doggy (Bougart) 🙂 hahahahaha.

      • chilledhoney says:

        hmmmmm…. hindi ako pinagamit ng laptop kagabi….:( 🙂

        Tapos na daw yung Ants work together, nabasa ko na rin hihihi…

        Just so happy and proud……🙂

        ANd thank you for appreciating, means a lot to them….

        • Excited din kasi talaga ako sa mga katha nila, natutuwa ako kasi naisip ko swerte nila, kasi bata pa lang namulat na sa blogging, di ba. Maagang mahahasa ang talents at skills nila sa writing.

          • chilledhoney says:

            Mabuti na lamang at kung ano ang aking hilig ay kanila ding hilig. Hindi ko sila inaanyayahan. Hinihintay kong magsabi sila na gusto rin nila. Tulad ng pag-awit. Lagi ko lamang pinatutugtog ang mga paborito kong awitin. Sinasabayan. Hanggang sa sila ay sumasabay na rin at kalaunan, may sariling panlasa na sa musika, iba sa aking panlasa.

            Ang pagsusulat ay aking ikinatuwa. Marahil, nakikita nilang masaya ako sa aking ginagawa. Nakikisingit, nakikibasa, hanggang sa dumating ang pagkakataong nagsabing sila man ay gustong mag WP. Para sa akin, iyon ay kasiyahan dahil maagang malilinang ang kanilang kakayahan.

            At ako ay nagpapasalamat dahil ang mga tagasubaybay nila ay tulad mong di basta basta manunulat. Nakakakuha sila ng magandang halimbawa sa istilo at paraang ng pamamahayag.

            Salamat🙂

          • sa wordpress name palang nila hanga na ako, tunay. ano kaya meaning behind their wordpress name. hahaha, pede siguro nila i-blog un.

          • chilledhoney says:

            Thirdheight dahil he wants to reach the highest peak daw…

            Heartfire dahil his heart is on fire on everything…

            I asked them hihihi

          • shaks, “di basta-basta”, salamat naman, pina-pula mo naman ang brown kong face. hahahaha.

          • chilledhoney says:

            hahahahah… blushing ba ang ibig mong sabihin? kakaibang description🙂

  7. hanep!…parang langgam ang pagkakasalin..pila -pila at organisado😉

  8. renxkyoko says:

    Woooo ! You translated that for me ? Thank yuuuuuuuu !

    You know what my problem is? I don’t even encounter the words that you use here in our everyday family conversation. I left the country when I was very young, so my vocabulary was quite limited. But we do speak tagalog at home/// And to think I consider myself fluent… NOT !. Even the slang words that most Filipino bloggers use are unfamiliar to me. o.Oa

    • isang kaiga-igayang (delightful) handog (gift), para minsan di mo na kailanganin (need) gumamit pa ng “google translator” para lang maintindihan ang mga lines, kung minsan kasi iba na ang meaning kapag nasalin (translated) gamit ang “google”. gandang umaga.

  9. olops001 says:

    Ang galing mo sir! check niyo rin po site ko hindi kita bibiguin.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s