“Sa musika, kailangan la…

“Sa musika, kailangan lahat ay magsasaya, kaya’t bigyan ng kalayaan ang iba, hindi lamang ang sa iyo ang laging nauuna. Kung minsan ang sa iba ay masama sa iyong pandinig, at ang sa iyo ay siya namang masama rin sa iba. Kung kayat bigayan lang, lahat tayo ay may sariling panlasa sa bawat melodiya. Pasalamat at kung makatagpo ng parehas na panlasa, sabay makikinig anuman ang dikta. Tandaan na kung gaano ka nalulugod sa isang melodiya isipin mong ganun din ang iba sa pagkalugod sa kanyang melodiya, kayat igalang ang pakikinig din ng iba gaya ng paggalang sa iyo. Hayaan at mapapansin mo na lamang na sa inyong pakikinig, may pagkakataong magtatagpo rin ang inyong pandinig at panlasa sa iisang melodiya.”

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

31 Responses to “Sa musika, kailangan la…

  1. batopik says:

    Hulaanko, para ito sa mga taong malalakas magpatugtog sa jip, bus, o kahit saan? Hakhak. Biro lang.

  2. binkycm says:

    honga naman! Tama..🙂

  3. chilledhoney says:

    hmmmm, sa pakikinig ng music, kailangan ung swak sa taste… kasi depende sa mood ang pagtanggap… minsan, kung may kasamang nakikinig, parehong sumasabay sa pag-awit (videoke lang ) or sabay na umiindak ( trip lang bakit ba?)…. ibig sabihin, un ang awiting nakabuhay ng dugo at ng interes ng moment na iyon. Pero kung ang isa ay napapakanta, napapaindak at yung isa naman ay napapaiyak, di mapakali, gustong ilipat, tiyak, di nya “feel” ung melodya o yung mensahe sa oras na iyon…. o ayaw lang talaga, di swak sa panlasa…Parang pag nag tango ka at nag cha cha ang isa, aba eh katuwa ang sayaw, parang ducks na nag aaway hihihi….o manok na nagsasabong (ay ano ba?) hahahaha

    • ang tanong handa bang magparaya ang isa? o mananatiling firm sa napiling melodiya at hahayaan ang bangayan upang masunod ang nais?

      • chilledhoney says:

        Kung sa tingin mo ay walang pag-asang ma-appreciate ung music na choice mo, even sa paglipas ng panahon, then let the person have his/ her choice.

        If you think the music can be appreciated later, in its totality – melody, words and lyrics, and message – it pays to be patient… just play it for sometime, within the period that the other one still shows a little interest in the music. Malay mo, music can change minds…music can motivate (or demotivate)…

        If the other person shows NO interest at all, then maybe its not the music anymore, one of the elements, like the message or the melody, that is not already acceptable.

        Then its time to bluntly tell the person, “buy your own IPOD and download your own tunes….I DON’T WANT TO SHARE ANYTHING WITH U ANYMORE IF U DON’T WANT TO APPRECIATE THE BEAUTY OF WHAT I CAN SHARE”….

    • pero kidding aside, we have our own taste of music & melody talaga, maswerte lang ang mga kasama ko at nakakasabay ako sa kani-kanilang genre, iba’t-ibang personality iba’t-ibang gusto rin. ang siste ako nag-eenjoy sa tunes nila kung sino pa man sila, o di ba ang ganda, hahaha. Malas lang nila pag ako naman ang pumili, may panahon na hindi nila naarok at nagugustuhan, iyon naman ang panahon na dapat sila naman ang magbigay at magparaya.

      • chilledhoney says:

        Kaya nga di ba?

        May mga taong gifted with the capability to appreciate every note, every tune, every genre….

        There are people whose interest is different… whose inclination is not art nor music…even the most beautiful melody serves as nuisance to their hearing….

        So we say that its a matter of asking,

        Which part of your brain is dominant?

        The left or the right?

        Then you will decide….

        Shall I still share the beauty I hear?

        Or shall I just keep the music to myself and let my heart, mind and soul sway to its desire?…

        (Kung ayaw makishare sa music na nais mo, subukang imbitahan muli, kung ayaw pa rin, siguro just let the person be, nakakapagod din na you are offering something wholeheartedly and the person keeps on refusing…yaan mo na, di talaga ma appreciate pag laging naririnig, pag nawala saka lang narerealize na “ay oo nga maganda pala”, gugustuhin nang magka copy pero restricted copy na, d na pedi…

        Minsan pag na realize nya yung kagandahan, huli na… nawala na ang offer mo… na i offer na sa iba…)

    • naku, feeling ko mayron kang gustong bigyan ng pagdidiin ha. di maikaka-ila. musika nga ba? ahummmm.

    • “Kung ayaw makishare sa music na nais mo, subukang imbitahan muli, kung ayaw pa rin, siguro just let the person be, nakakapagod din na you are offering something wholeheartedly and the person keeps on refusing…”

      Sa pagpapatugtog, di na kailangan mag-imbita, just let them listen kung magustuhan nila, at kung hindi naman, edi let them wait ’til their interest or kind of music they wanted to hear be played. Tandaan ang tagapakinig ay manatiling tagapakinig, maliban na lamang kung siya ay magdesisyong humawak ng ika mo nga “ipod” at mag-“download” ng sariling mga “tunes”.

  4. NIce..respeto lang sa isat isa talaga ang kelangan. Kung ano man ang gusto mo, at ano man ang gusto niya dapat igalang hindi dapat sinasapawan.

  5. theworshipwarriorbride says:

    hahaha…naiisip ko tuloy yung mga jeep na wagas sa lakas ang tugtog…
    “patok” ang tawag nila dun…
    masakit sa ulo at dibdib lalo na sobrang ingay ng music…

  6. CrazyFrog says:

    Kung di mo gusto ang musikang naririnig pwedeng tumaas ang kilay o kumunot ang noo, pero pakinggan na rin. Kung minsan hindi maganda sa pandinig ang naririnig ngunit kung pagtutuunan ng pansin, makikita rin ang magandang parte ng musikang ito( meron nga lang talagang di ko ma-gets at di ko ma-appreciate kahit ano pang gawin ko hehhe. )
    Bigayan lang, nagkataon na iba’t iba ang dating ng nota sa bawat tenga ng tao😉

    Madamot na siguro ako at lagi nakasalpak ang headset sa tenga ko.. Hindi naman sa ayoko i-share, baka di lang nila gusto ang laman ng playlist ko ^_^
    …musta n cup?

    • Hahaha, isang magandang solusyon yan paggamit ng “headset”, lalo’t pat ear muffles, maririnig mo talaga ang pinong-pinong tunog ng bawat melodiya. Diyan ko masyadong nagugustuhan (appreciate) ang sarap ng bawat musika, lalong nagpapalinaw sa tining nito. Ang kagandahan nito (ear muffles), kulob ang tunog, ultimo tikatik ng bawat instrumento sa tugtog iyong mararamdaman talaga, tandaan – mararamdaman talaga, hindi lang madidinig. Inga’t-ingat lang din dahil ang matagalan at malakas na “volume” sa paggamit nito ay nagdudulot ng paghina ng pandinig, kaya’t dapat din maging balanse pa din. Salamat froggy sa iyong pag-hop-hop-hop sa aking musika. Ribik, ribik, ribik. Harveh toda.

  7. Manul-nulat ng Bayan says:

    ang musikang ninanais ko’y maaaring naisin mo
    at ang ayaw ko’y baka ayawan mo
    subalit may panahong iba-ba tayo
    ng takbo ng isip at pintig ng puso.

    ang melodiyang maganda
    maaaring pangit sa iba
    at ang pangit sa kanya
    sa iyo pala’y maganda.

    ang buhay sa mundo ay musika
    kung saan ang lahat ay nagkakaisa
    isa,dalawa, o ng lahat na,
    na mga tinig sa mundong iisa

    • Manong, ang paghahambing mo sa buhay bilang isang musika ay kaiga-igaya. Nangangahulugan lamang na ang buhay ng tao ay natural na may pagkaka-iba-iba ngunit may panahon naman na ang lahat ay may pagkakataong magkaisa, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi at paniniwala. Salamat Manong sa iyong magandang paghahambing, congratulations din sa iyong pagiging versatile blogger.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s