SaLiw Na GaPos Ng TaniKaLa (The Chained Melody)

“Sa higpit ng bigkis, kahit sinuma’y nagnanais makaalis, ngunit kalaunan at kainaman, mas  nanaisin pa rito’y humigpit ng kapit, sakaling silbing dulot ay matuklasan, masumpungan at makasihan.”

.

Pakiramdam ako’y nakatali sa isang bigkis ng tanikala,

Tanikalang nagmula, sa akin mismong sariling mga panukala.

.

Ngayo’y nagpipilit at nagnanais nang kumawala

Sa kabila ng mga sariling,

dikta,

paalala

at mga babala.

Pilit kong kinakalas at pilit sa pagpupumiglas,

Nagbabaka-sakaling ako ay biglang makatakas,

Mga damdamin ay pilit at muling nag-aaklas,

Huwag naman sanang mag-iwan sa kaninuman,

Ng kahit na anu pa mang mga bakas.

.

Dapat nga bang magbalik pa,

Sa nakaraang pinagdaanan,

Upang tanikala’y mawala sa puso’t aking isipan…

.

– At sa kalauna’y (sigh)

.

Tanging dalangin at aking mithing hinihiling,

Yaring tanikala’y magsilbing,

Walang maliw at anumang pag-aalanganin…

.

.

“Sa higpit ng bigkis, kahit sinuma’y nagnanais makaalis, ngunit kalaunan at kainaman,mas  nanaisin pa rito’y humigpit ng kapit, sakaling silbing dulot ay matuklasan, masumpungan at makasihan.”

.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip, poem, tula and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

28 Responses to SaLiw Na GaPos Ng TaniKaLa (The Chained Melody)

  1. chilledhoney says:

    Isa munang🙂 Maestro… Akin muna itong nanamnamin, pambihira, parang balong malalim!

    • chilledhoney says:

      “Sa higpit ng bigkis, kahit sinuma’y nagnanais makaalis, ngunit kalaunan at kainaman,mas nanaisin pa rito’y humigpit ng kapit, sakaling silbing dulot ay matuklasan, masumpungan at makasihan.”

      “Pakiramdam ako’y nakatali sa isang bigkis ng tanikala,
      Tanikalang nagmula, sa akin mismong sariling mga panukala.”

      – Very simple yet soooo powerful and really catchy…

      Para lamang igisa sa sariling mantika…
      O di kaya, lumangoy sa sariling luha…
      Mga panukalang nagsilbing mga tanikala…
      Nagkabuhul-buhol, susi tila nawawala…

      Paminsan sa tigas ng nais at ugali,
      May nagagawa tayong di tama, tila mali,
      Di sinasadya, sadya lamang nahuhuli,
      Ng tadhanang dumarating na walang pasubali…

      Sa higpit ng bigkis na sa iyo ay nakatali,
      Nawa’y matanggap na ito’y mananatili,
      Ito ay naririyan, bunga nga marahil ng maling gawi,
      Di ba kasi, kasiyahan o pagsisisi’y laging nasa huli…

      Sa muli, di ko alam kung mensahe’y aking nakuha,
      Hindi man, isipin na lang na ako’y nanghuhula,
      Ngunit sa aking payak na pang-unawa,
      Aking napagtanto, di lamang mga mata ko ang nagtaglay ng luha…

      Hi maestro at KAMPAI (cheers!)…^_^

    • tignan mo sa titulo pa lang, may bitbit ng talinghaga. hmmm

  2. kayedee says:

    oo nga. wala akong ma icomment kc. balong malalim ika nga ni honey hehehe.. yakap nalang tayong tatlo oh hehehe.

  3. Manul-nulat ng Bayan says:

    ang tanikalang kalawanging sa’yo at sa’kin ay pumipigil
    ay tila parusa ng mundong mapang-alipin.
    ang tanikalang sugat ang dulot sa atin
    ay malalagot ng punglo ng pagkamaunawain…

    bagaman ang tanikalang sa una’y parusa
    nang malauna’y isang tulong pala.
    tulong sa pagbigkis,tulong sa pagkalinga
    at tulong sa pag-alam sa nakatagong hiwaga…..

  4. renxkyoko says:

    believe it or not, I had to use Google translate. T.T

  5. Bernardina says:

    nice information, many thanks to the author. it is incomprehensible to me now, but in general, the usefulness and significance is overwhelming. thanks again and good luck!http://www.maladiretasegmentada.com.br

  6. ayon…. may isang gustong maglagot ng tanikala ng nakalipas na kai-kailan lang. ay, sows…😉

    kapatid, di ba ga kailan lang ay binasa mo ang post kong Huwag mong isiping ganoon uli? ayon… ikaw na ang may nakaraan, kainaman… cheerio!😉

    • ay oo naman nabasa ko, hahaha, ayun wala akong magagawa kundi balikan at halungkatin muli ang iyong katha, hahaha… batid kong lahat naman tayo ay may nakaraan, mas marami nga lang ang para sa mga mas may edad na (lamang kumbaga), hmmm.

      ang iyong katha ah
      lalong sumarap sa pagkaka-imbak…
      parang sardinas na nakalagay sa garapon
      (ung nasa garapon ha, hindi ung nasa de-lata, mas masarap kasi ung naka-garapon, kalimitang makikita sa malls)

  7. hahaha- may mga pinagdadaanan…Anut anu pa man yan , kung sa tingin mo na iyan ang magpapaligaya sa iyo, nasa iyo ang suporta ko. Basta wag lang sana sa huli ay mga luha ang dumapo sa pisngi…

  8. CrazyFrog says:

    “Sa higpit ng bigkis, kahit sinuma’y nagnanais makaalis, ngunit kalaunan at kainaman,mas  nanaisin pa rito’y humigpit ng kapit, sakaling silbing dulot ay matuklasan, masumpungan at makasihan.”

    -ayaw na maampat ng nosebleed ko.. *_*
    Ang bigkis ng tanikalang sarili ang may gawa… paano nga ba dito makakawala… (קשה)
    Pagkabasa ko nito, napangiti ako ng ganito🙂, nakawala na pala ako… =)
    . Cup יום טוב

  9. aninipot says:

    Sa lalim minsan ng mga naisulat dito, pinagdududahan ko na sarili ko kung tama ba pagkaintindi ko. haha!

    ang alam ko parang may isang puso din sa kabilang daku na gustong makawala sa bigkis na tali.
    🙂

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s