without us knowing… (tama ba?)

Minsan kasi nakakapagsalita tayo ng mga bagay na para sa atin lamang, at pag narinig ng iba, nasasaktan sila. Ngunit wala naman tayong intensyon dun, sinasabi lang natin para gumaan kalooban natin, without us knowing na may iba na pala na naasasaktan.”

 

bawal magmura ha!

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , . Bookmark the permalink.

32 Responses to without us knowing… (tama ba?)

  1. Kaya minsan mas mainam na siguro na tayo lang makakaalam sa mga sinasambit natin. Maging maingat at mapili sa mga binibitawang sa salita upang sa huli ay wala tayong natatapakang damdamin ng iba..;-)

    • tama Myr, palagiang pag-iingat sa bawat sasambitin, dahil ang kadalasan ay madaling ma-mis-interpret ang minsang pahayag na wala naman talagang intensyong masama. lalo pa’t ang nakatanggap ay sobrang maramdamin. Salamat muli sa iyong pakikipag- Apyr sa aking tambayan. hikhikhik

  2. Manul-nulat ng Bayan says:

    talaga namang totoong nangyayari ito, at ang malungkot ay magugulat ka na lang na may kaaway ka na pala,,,

  3. mmc.XD says:

    Yun minsan ang mahirap timbangin, ang nararamdaman mo at ang nararamdaman ng iba.. May pagkakataong wala ka naman talagang masamang nais na ipakahulugan, pero sensitibo naman ang pananaw ng iba.. Napapatunayan na respeto at bukas na pagiisip ng bawat isa ang kailangan🙂

  4. chilledhoney says:

    Kung kaya’t ang bawat katagang binibitawan ay pinag-iisipan upang di makasakit. Sigh, minsan lamang nauuna ang bugso ng damdamin sa lohika ng isip. Paumanhin.

  5. nasapol ako rito a. kaso nagawa ako na yan at naipadama sa akin. pero kapag paulit-ulit na ginagawa kailangan ng kalusin di ba?!

    kaya be careful pala sa mga salitang inilalabas sa bibig.

  6. theworshipwarriorbride says:

    hihihi…kung bakit ba naman kasi minsan mas mabilis ang bibig kesa sa isip.
    Ingat lang talaga para ‘di magkagera nang ‘di mo namamalayan.
    May mga tao pa naman na makitid ang isip, masyadong sensitive (daw)🙂

    • Sadya daw kasi atang matalim ang dila, ang bawat binibitawan ay di na maaring mabawi basta-basta, lalo’t ito’y nagdulot na sa iba ng pagkahiwa, ang pede na lang ay ang paghilom.

      • theworshipwarriorbride says:

        oo nga eh.. kaya dapat lagin mapili at maingat sa mga salitang bibitiwan
        “When words are many, sin is not absent, but he who holds his tongue is wise.”
        – Proverbs 10:19

        dahil kung hindi…
        “Likewise the tongue is a small part of the body, but it makes great boasts. Consider what a great forest is set on fire by a small spark. The tongue also is a fire, a world of evil among the parts of the body. It corrupts the whole person, sets the whole course of his life on fire, and is itself set on fire by hell.”
        -James 3:5-6

        kaya we really have to tame our tongue😉

        • ang sarap naman ng iyong pamuna. lasang-lasa ng aking tongue habang binibigkas. salamat marami.

          • theworshipwarriorbride says:

            hehe…God’s word kasi is as sweet as honey kaya ganyan🙂

            Isang magandang umaga at araw na puno ng pag-asa para sa’yo kuya🙂

            sa araw na ito…”Let your conversation be always full of grace, seasoned with salt, so that you may know how to answer everyone.”–Colossians 4:6

    • chilledhoney says:

      You are truly a prayer warrior🙂

      Verses are truly enlightening🙂

      Nakibasa at nakidasal na rin ang bolpen na madaldal… (hmmm i have to tame my tongue…^_^)

  7. Hoshi says:

    naku hindi na naman um-appear ang isang comment ko. pa-check na lang po sa email.

  8. naku hindi na naman um-appear ang isang comment ko. pa-check na lang po sa email.

  9. renxkyoko says:

    I’ve been told Filipinos are very sensitive , and have a hard time accepting criticisms, and straighforwardness.

  10. PM says:

    dati may ginawa akong catharsis posts, yung mga bagay na gusto kong sabihin pero hindi ko naman masabi talaga kasi nga masasaktan yung iba. hay nako, mahirap talaga. pero minsan naman nagiging okay lang din kahit wala akong sinabi, pero medyo mas matagal.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s