Tula para sa Pag-Oovertime

Paumanhin ang tula para sa Pag-OOVERTIME ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa,🙂

 

 

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip, poem, talataan and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

40 Responses to Tula para sa Pag-Oovertime

  1. theworshipwarriorbride says:

    isang magandang katha ang sa akin ay unang bumungad
    ni-like ko dahil sadyang nakaktuwa
    ngunit teka lang….
    bakit at kaninong si kuya noodles ay nagpapaalam?

    • favorite ko ang “no overtime policy” ha, ngunit ang pamama-alam ay iniiwasan. pero ang pamama-alam sa opisina upang iwasan ang OT ay talagang kasiya-siya, pamama-alam sa iyong mga ka-opisina, samahan pa ng linyang ganito,

      “gustuhin ko man, ngunit kailangan lumisan, pagkat naniniwalang may oras para sa bawat pagkakataon, ang mga bagay-bagay ay hindi dapat minamadali.”

      dapat gawing productive ang 8hrs na laan sa pagtratrabaho para maiwasan ang pag- o-overtime. salamat sa pagbisita. (mukhang di ata nasagot ang tanong mo ah, tama ba?)

      • theworshipwarriorbride says:

        hahaha…naligaw ang sagot sa tanong ko…pero ayos lang yan hindi na mag-uusisa kung ‘di pwede saka na lang hehehe…

        hello naman sa’yo kuya noodles🙂

    • salamat sa iyong di masyadong pag-uusisa, darating ang oras at iyo ring malalaman, wari ko (may alam ka), hehe.

      ako namay patuloy na naghahangad ng kaligayahan para sa lahat sa atin dito. paunti-unti at naniniwalang maisasa-ayos rin ang lahat-lahat. hello din sa iyo at kamusta na rin. congratulations nga pala sa inyong pagkikita-kita. sana ako’y nai-kamusta ni paru-parong marikit sa iyo ha. ako’y biglang napangiti.

      • theworshipwarriorbride says:

        hahaha…yes kuya naikumusta ka ni ate🙂

        sayang ‘di ka kasama ‘di sana nalibre mo din kami hehehe.

        Ang hangad mong kaligayahan para sa lahat sa magkakaron din ng katuparan
        hintay-hintay lang ngiti ay iyo muling masisilayan
        minsan kelangan lang talaga ng “No overtime policy” para sa ikabubuti ng lahat🙂

  2. Lambing says:

    nakakalungkot naman..
    bakit kasi kailangan magpaalam kung doon naman masaya

    • ikaw naman, kelangan pa ba ng pamama-alam para ika’y bumisita sa aking tambayan, eh panu yan kung biglang di magbalik edi naiwan na ang iyong kapuna-punang puna. ang tagal nga pala ng “dwardo” mong paskil, hehehe. siguro bantay sarado ka na rin? tama ba?

  3. CrazyFrog says:

    ” Ngunit kailangan talagang pumili…”
    .. Good luck na lang kung ano man ang iyong napili…🙂

  4. yihiii, ayiii! may isang gustong suminta, antay-antay ka lang, maya-maya’y nariyan na, ahaha. hello, Cup!😉

    • hmmm, mukhang tila gang ngayon wala dine, ganirey ba talaga mag-antay? pansin mo, tila may kulang ano. salamat at di ka rin nakalimot dumaan dito, dala mo ata ang ilang “cups” ng ngiti gaya ng dala ni Manong Manul. sa palagay mo?

      • iyang paglisan ay laging masakit – sa lilisanin at sa lilisan. ang kaibahan, ang lilisan ay posible pang may ibang marating. ang lilisanin ay tila takdang maghintay lamang sa bagong darating…^^

        iba ang takda sa mithi – aray ko.🙂 ay, gay-on nga yata. kamo nga ay pag minsan, walang magagawa kundi ngumiti maski ang nasasaloob ay gustong ngumiwi, ahaha. ^^

        ahaha, ay ngingiti na laang. tag-ulan ngayon at makulimlim ang paligid. tanging ang mga ngiti ang magdadala ng lugod sa araw at katauhan. good morning, Cup!😉

    • sa aking pag-oobserba, bakit kaya kapag umu-ulan ang kataga ay, “ayan na ang ulan, may dala-dala na namang pighati” o kaya ay may nagsasabing, “nakakalungkot talaga pag naualan, kelan kaya siya titila”, madalas kong marinig yan eh. bakit kaya, nung bata kasi ako, inaabangan pa namin ang buhos ng ulan, sarap kaya maligo sa ilalim ng ulan, doon sa aming probinsaya kasama mga barkada.

      • ah, ang ulan yata kasi, sakit, pagkagutom (limited ang pagtatrabaho) at sakuna (kung minsan) ang kasunod. kaya sa common wisdom, pighati ang connotation nito…

        pero may isa pa, ang wisdom na ang ulan ay nangangahulugan ng cleansing. kaya may kasabihan ding ipaanod sa ulan ang mga dalahin, ahaha.

        anla pa, siyempre, pag bata ang ulan ay carefree na panliligo sa labas at pagtatampisaw kasama ng mga kapatid, pinsan at kalaro. wala pa namang alalahanin pag bata…^^

        btw, last year, sa lumang site, may naisulat akong mahabang essay ukol sa rainy season. ang pamagat nito ay Pangako ng Tag-ulan… magandang umaga, Cup, kahit bumabagyo!😉

        • hahaha, black saturday na, bagyo pa, 2 tuloy jacket ko sa office, isang naka-abang at isang naka suot. black parehas, hahaha. kelan kaya pedeng basahin ang iyong essay sa ulan. nais ko tuloy magtampisaw pahapyaw ng isang tula para sa tag-ulan.

    • nalala ko ang kanta ng “Apo Hiking Society” – pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay, hahaha, hindi lang pala pighati ang dulot ng ulan, ito rin pala ay paborito ng magsing-irong hahaha. at ang binanggit mong cleansing, ay isang karagdagang kaalaman at ideya para sa akin, salamats saliw.

  5. Manul-nulat ng Bayan says:

    para ba kay dolphy??? hehehe,,,pwede,,,,

    • saklaw natin ang mga desisyon sa ating buhay, kaya’t:

      “Bigyan laya ang puso’t damdamin, ilahad ang mga saloobin, isakatuparan ang mga naisin.”

      — ang iyong hiling ljsdeleon, “sana nga.” maikli diretso ngunit makahulugan, salamat sa muling pagbisita. mama-alam ngunit sana’y muling magbabalik.

  6. chilledhoney says:

    “Batid na magdudulot ng pighati,
    Pagkat iba ang takda laban sa mithi.

    Kay bilis naman ng bawat sandali,
    Sa isang iglap ngiti ay waring mapapawi.

    Sana’y magkaroon muli kahit kaunting ligaya.”

    AMEN. (photo captured, as it is)…

  7. mmc.XD says:

    Ang bawat paalam, sa kahit ano pa mang paraan at dahilan, ay mahirap. Hindi ba.
    Kailangang tanggapin na, minsan, kahit gaano tayo napapaligaya ng isang bagay, kailangan natin itong bitawan. May mga bagay na itinakda ng tadhana, Oo nga. Pero ang mga bagay na ito, tayo rin ang lumikha.

    Sa kabilang banda, minsan ang pamaalam ay may katumbas din na “hello”, maaring bagong pagkakataon, maaari ring “hello muli” sa bagay na binitawan.

    Sa lahat ng ito, ang Maykapal lang ang makakapitan🙂

    Namamasyal lamang ^^

    • hmmm sa iyong pamamasyal,
      ay tila nagdulot ng dagdag kaliwanagan
      at aking nawariwaan ika mo nga, “takda ng tadhana
      kung minsay tayo nga rin ang gumagawa” (executioner kumbaga)
      iyan nga ay may katotohanang tunay.

      hmmm, napag isip isip ko nga na kung minsan ay sa atin din nagmumula ang itinatakda ng tadhana. atin itong sinisimulan at idinidikta, at sa kahulihan kung magdulot ng kasawian atin naman itong isisisi sa tadhana, wari paglilinis sa sarili.

      at ang iyong dalang “hello”, at “hello muli” ay tunay na nagpapahiwatig ng bagong pagsalubong sa isang pagkakataon. nagpapahiwatig na tayo’y muling babangon sa pagkakabaon, (ngunit hindi babangon para mandurog ha, hehe), babangon para damhin at muling magsimula sa naka-akmang pag-asa.

  8. gelaikuting says:

    nakakalungkot… naway tama ang iyong napili🙂

    • ayun bumisita sa pag-gagala, nalulungkot din pala ang isangkuting, salamat po sa iyong pagbisita, tila isang meow sa isang maulan at malamig na panahon. ng makaraan may isang kuting sa tapat ng pintuan namin, tila nagnanais magpa-ampon, hmmm, iyon nga lang di maari, kasi dahil may bagong alagang tuta dito ngayon sa bahay. hello, gelai kuting.

  9. aninipot says:

    ayoko ng good bye.

    hindi ako nagpapaalam madalas sinasabi ko hanggang sa muling pagkikita.

    Walang may alam anong meron ang bukas. Kahit sugatan kang umalis darating ang panahon na mahihilom ang sugat at babalik kang buo.

    May nagsabi sakin dati na bakit kase minamadali. Walang mabilis na paghilom. Hintay ng tamang panahon.

    • Hello Ani, ang iyong baong “hanggang sa muling pagkikita”, ay tila isang napakagandang pamalit sa katagang “paalam”.

      at ang paghilom, antay lang sa tamang panahon, tama dahil lahat ng bagay ay may tamang pagkakataon, ang sa iba’y sa isang iglap na parang isang “tik” lang, ngunit ang sa ilan ay tila naugatan na at di pa nahihilom, sigh, wari nakaukit na sa katauhan. Kung ako man dun na sa isang “tik” walang sugat magaan ang bagahe, tama ba?

      salamat sa iyong pagdating.

  10. renxkyoko says:

    * sigh * I just try to read out loud….. but I won’t stop learning.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s