ngunit sa pag-agos ng luha…

ngunit sa pag-agos ng luha
malamang aking hinuha
lumbay ay di basta-basta mawawala
pagkat ang damdamin ay ‘di handang magpalaya…

sa simula,
pagtagpuin puso’t isipan
at ng iyong masumpungan
sagot sa iyong mga katanungan
pati iyong pag-aalinlangan
ay pihadong matutugunan….

—-isang pag-aalay sa isang kathang walang pamagat,  na aking binibinyagan ng titulong, “Pag-aalinlangan”…..

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

40 Responses to ngunit sa pag-agos ng luha…

  1. chilledhoney says:

    Luha ay minasang maihahalintulad sa lava,
    Maiimpit ngunit sa sobrang init ay kakawala,

    Di na mapipigilan, may laya ang pag-agos,
    Mula sa kailaliman ng bulkang nagpupuyos.

    Bakas ay nakakapaso, lalapnos
    Mag-iiwan ng alaalang nakakalunos

    Isang biglang bugso, isang biglang buhos,
    Isang pagpakita ng pasensyang naubos…

    Huhupa ang delubyo, mananahimik pagkatapos,
    Mag-iisip, mag ninilay, oras uubos…

    Ano na nga ba ang tanikalang nasunog?
    Kapayapaan ba’y nanahan, pagkatao ba’y nahubog?

    • ang luhang nag aastang lava ay pakawalan
      baka maging magma (molten rocks)
      mas magbibigay peligro…

      hmmm, saan ba nagmula,
      ang mga End-of-Days na mga kataga?
      nagmistulang katapusan na ng mundo, dumidilim ang kaulapan
      ang hangin tila nagiging buhangin.

      nais paunlakan ang muling pagsikat
      ng isang paru-parong sikat.
      bumisita’t lumipad
      sa harding namumukadkad

      ang kadiliman, palitan ng kaliwanagan
      ang lungkot, palitan ng tuwang sandakot
      ang mala End-of-Days
      palitan ng “the start of the new beginning”.

      Harinawa maghari ang mga Hari ng kasiyahan.

      • chilledhoney says:

        hihihi…

        Palagay ko ang paruparo, sa sobrang lagalag ay napunta sa jurassic park…
        Sa kakalingon, kakalipad, ang mga nakakabangga ay nag-dudulot ng spark…

        Tila isang munting apoy na nakikita kapag nakuskos ng palito sa bahay ng posporo
        Sa isang banayad na pagsayad, aba ay sindi agad, aking katoto!

        Huwag mag alala, natuto na ng husto, paruparo ay napagod ring manggulo,
        Hahayaan na lamang mamahinga sa maganda at makulay na hardin nito…

        Doon, may saya, umaagos ang mga kaisipang makakapagligaya,
        Lalo na at nagbalik ang hardinerong sa mga halaman ay nagpunla….

    • iwasang maligaw sa isang “jurassic park” ha,
      batid kong diyan ay madaming manlalamang,
      iyong kaligtasay akin laging hinahangad
      pagkat sa iyong kaloobay
      busilak ang tunay na namamahay.

      • chilledhoney says:

        Hmmmm…

        Palagay ko ako ay di na muling maliligaw,
        Pagkat gabay ay muling natatanaw…

        Salamat sa paghangad ng aking kaligtasan,
        Salamat din sa busilak na paglalarawan…

        Paru-paro ay lilipad, dala ang habilin,
        Upang hindi talunin ng masamang hangin…

        ^_^

  2. “pagkat ang damdamin ay ayaw magpalaya…” – jailer ang dyaskeng damdamin, hihi…😉

    pag-aalinlanga’y pinawi ng damdaming nakatagpo
    ng katapat sa pangungulila, at pagkasiphayo
    pag-aalinlangan din ang iniwan, sa paglalayo
    pagmamahalang nauwi sa wala, dahil palalo.

    hello, cupnoodles!😉

    • sigh, nagsimula sa alinlangan
      at nagtapos din sa alinlangan.

      dahil diyan ako’y napa-isip!

      hmm, isang payo (bigyan ng unawa ha)

      ating ikonsidera ang nangyari sa kalagitnaan,
      anu nga ba ito, isa bang kasiyahan,
      o wari isa ring alinlangan?

      kung gagawan nating ng equation, eto ang kakalabasan:

      x + y = Z, where X=alinlangan & Z=alinlangan, question what is Y?

      ayan ang iyong gawaing bahay, isang pagninilay.

      • hello, Cup… tanging ikaw ang makasasagot sa kung anuman ang nangyari sa kalagitnaan sapagkat iyan ay iyong karanasan. kung nanaisin, maari mong ibahagi sa amin. kung di naman, kami’y tatahimik na lamang at makokontento sa panghuhula privately, haha, joke…pambihira, Algebra ka rin!😉

    • wala lang naisip ko lang, ang problema pala sa pag-ibig, parang isang problema rin sa algebra, kapag nagkamali ka ng solusyon mali na rin kakalabasan. sigh, baka ma zero sa pagsusulit ni kupido. hmmmm. (napatawa ako sa simple equation, hahahahah). wari ko ang mga manunulat galit sa matematika, maliban kay “themathteacheralsoreads) na dati’y sa akin nakikibasa, kelan kaya siya magbabalik?

      • ahaha, oo, parang algebraic equation ang suliraning pag-ibig. at dahil karamihan sa manunulat ay mahina o walang tiyaga sa Math, entonces, kadalasa’y masaklap ang kinahihinatnan sa pag-ibig. di naman sa zero ang score – tipong 3 or 5, out of 20, haha…si math titser ay nag-break yata sandali tapos, meron sya ngayong bago, additional site, as in…bait nga, dumalaw na sa may amin, ayon…😉

    • hahaha sa aking pananahimik kayo’y manghuhula, ayun, pasok pa rin sa disiplinang “probability”, tila ata ang mga bagay-bagay ay sinasaklawan talaga ng siyensya at matematika, kung gayun sa ating parte palaganapin natin ang literatura, Arya para sa ating pagpapalganap. ahihihihih, hello.

  3. CrazyFrog says:

    Hindi magagamot ng luha ang lahat… Dumaloy o bumulwak man, di maglalahong parang bula ang ano mang nararamdaman.

    damdamin… parang kumunoy… Kung minsan magpumiglas o kumalma man…kung hahayaan at hindi makakahanap ng paraan, patuloy ang paglubog at lalamunin ng buhay…

    Shalom Cup!

    • ang lagay na iyong binanggit,
      hindi ito dapat pinapabayaan.
      at maging dapat ay hanapan ng paraan.

      ang tanong, ikaw ba’y nakahanap ng ng paraan?
      wari ko Oo, pagkat ikay nagbalik sa aking tambayan.

      at muling nag blog hopping, para lang bar hopping. ribik, ribik ribik, ayan na naman ang foreigner na palaka, wari ko ika’y hinahabol-habol, pagkat lagi yan rumiribik pag ikay nariyan.

      Todas! (many thanks) hihihih. (coined ko yan ha, paumanhin nakalimutan ko muli ang katumbas ng maraming salamat sa salitang banyaga)

  4. Anumang pagaalinlangan na nagkakubli sa iyong nagsusumidhing damdamin ay mapapagaan ng mga luhang humahalik sa ating mga pisngi…

  5. theworshipwarriorbride says:

    Luha…kapag ‘di nailabas masakit na naiipon sa dibdib
    kapag hikbi ay tinatagong pilit
    paghinga’ naninikip
    lalamunan ay masakit

    pero ano pa nga ba ang mainam gawin kundi hayaan nalang ito’y dumaloy
    dahil kapanatagan ay mararanasan
    sa kaalamang bawat luhang sa mata’y pumapatak ay Kaniyang nabibilang at pinahahalagahan…

    • ika ng isang kanta, “boys dont cry” daw, isa atang pagsikil sa kalayaan kung ang lalaki ay di papayagang umiyak, hahaha, di ko naman sinasabing ako’y nasisikil ha, pagka’t ako may di nangingiming lumuha, lalo pag ako’y lubos na nagdaramdam. isang relief para sa akin ang pagluha, iyong tipong may tulo sipon pa at manaka-nakang pasinghot-singhot hahah. sarap nakakabawas ng bagahe ng kalooban, may matira man at least nabawasan.

      salamat sa iyo, worshipwarrior, ang ganda ng iniwan mong puna ha, nasisigurong galing sa iyong kaibuturan, salamats.

      • theworshipwarriorbride says:

        magandang araw kuya🙂

        relief…hehehe…oo nga…minsan ko na itong nasabi sa hardin ni ate,
        “masarap kumain pagkatapos umiyak kasi nakakagutom,” hehehe

        • oo nga, nabasa ko yan dati eh, ako pagtapos umiyak tila wala pang gana kumain, gayun… nais lang humiga sa kama at yakapin ang unan at pumikit-pikit, tapos matulog.

          • theworshipwarriorbride says:

            hahaha…emo moment naman pala kuya…anyway, ano man ang mga gusto nating gawin matapos lumuha salamat sa LORD kasi naimbento niya ang pag-iyak…kung hindi siguro maraming mamamatay sa sama ng loob hehehe🙂

    • hmmmm, maraming salamat talaga kay LORD, “harveh toda” = maraming salamat.

      ayun matapos lumuha
      ang sunod ay magpunas ng mukha
      pagsinga rin siguro
      at magpahinga…

      pede rin ang iyong gawi
      kumain pagkatapos,
      kasi sabi mo nakakagutom umiyak.. hihih.

      anu’t-ano pa man, maigi pa rin –
      ang magnilay,
      pagkat sa paglipas ng luha
      andyan ang bagong pag-asa
      nag-aabang upang sa iyo ay magpasiya…

      o diba, kaiga-igaya.
      salamat sa iyong muling pagbabalik. hello.

      • theworshipwarriorbride says:

        huwow! kabilis sumagot ni kuya!

        Pag-luha…isa rin sa mga bagay na paborito kong gawin
        ngunit isang paborito na hindi ko hinihiling gawin ng madalas
        hihihi

        matapos kasing lumuha papangit at gaganda ka

        papangit dahil mugto ang mata
        kamatis sa pula ang ilong
        panyo pati ay puro sipon

        gaganda kasi smile ba ulit
        naipahinga ang damdaming minsang binaha ng pagdadalamhati
        at nalamang hindi nagtatapos sa pag-iyak ang lahat
        laging may pag-asa pa pala
        bukod pa doon naranasan ang pagyakap ng Isang ‘di nakikita pero laging kasama

        “The LORD is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.”
        -Psalm 34:18

    • worship, ang dami mong alam na verses sa bible, nakaka-bighani ka, at lubhang nakaka-hipo (touched) sa aking pakiramdam. hmmm, sana’y araw-araw ay mabahagian mo kami ng makapangyarihan mong mga verses, dapat ko talagang maglaan ng oras din sa pagbabasa sa Holy Bible.. Pls Lord, give me guidance para magawa ang iyong mga aral, kahit paunti-unti laang muna, pls….

      nais kong mahawa sa iyo worship.

      • theworshipwarriorbride says:

        aking ikagagalak na bahagian ka ng Word of God everyday kuya🙂
        sige-sige makaaasa ka…sa site ko marami nun ehehehe…bibigyan din kita ng links ng mga daily devotionals (mga 5 minute devotion hehehe)

        yehey! God bless kuya. enjoy your day🙂

  6. Manul-nulat ng Bayan says:

    ????pag-aalinlangan????

    salamat sa tula,,,,

  7. mirrorprincess says:

    Kita mo nga naman. Sa gitna ng makulimlim na panahon eh napadpad ako sa tulang tungkol sa luha.

    “sa simula, pagtagpuin puso’t isipan at ng iyong masumpungan sagot sa iyong mga katanungan”
    Tama naman talaga. Kapag kasi puso lang madalas bias, kung ano lang nararamdaman yun lang kahit minsan ‘di praktikal o kaya naman ‘di makatarungan. Kapag naman isip lang lagi naman magdadahilan, hahanap at hahanap lang ng isasagot sa tanong madalas nega pa. Kaya para balance dapat mag-usap ang puso at isip. (ano daw?!)😉

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s