Ang tula para sa Wall Clock

Paumanhin ang tula para sa Wall Clock ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa,🙂

 

 

tik-tak-tik-tak-tik-tak-tik-tak

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in kathang-isip, poem, tula and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

60 Responses to Ang tula para sa Wall Clock

  1. chilledhoney says:

    (ikaw ay puno ng sorpresa! kaya pala may katahimikan, ang oras ay pinagdiskitahan…ako lamang ay maglalakbay, mag-iisip ng tugon na may magandang banyuhay… akma sa ganda ng tula, swak sa hagod ng mga parirala…^_^)

  2. doroastig says:

    You can translate this post to any of the sixteen different languages. Just click here

  3. chilledhoney says:

    “Ang oras ay walang katapusan, parang tubig sa batis, tuloy-tuloy walang hangganan.”

    Oras ay tunay na walang katapusan, parang tubig sa batis, tuloy-tuloy, walang hangganan…
    Tayong lahat, darating at lilisan; ORAS mananatili, sa mundo ay nananahan….

    Tulad ng hangin, ito ay di nahahawakan; tulad ng ulan, pagbagsak, di mapigilan…
    Tulad ng araw, nakangiting sumisilay; tulad ng buwan, payapang humihimlay…

    Heto tayo at nagninilay, oras na lumipas, atin bang pinahalagahan?
    …simula nang tayo ay isinilang, hanggang paghatid sa huling hantungan?

    Tayo ba ay naging kapaki-pakinabang, sa pakikibaka, ginamit ang kakayahan?
    Sa lakbay ng buhay, tayo ba ay nag-iwan ng magandang bakas sa ating nakaraan?

    Oras ay minsang hinahabol, minsan din namang pinalilipas lamang…
    Orasang tinitingnan, pag tik tak ay pinakikinggan, kamay ay minamasdan…

    Sa bawat paglipas ng segundo, alam mong di na ito maibabalik,
    Kung kaya’t sa mga mahal sa buhay, ihayag na ang lahat ng pagkasabik ….

    Hindi natin alam ang hatid ng kinabukasan, ngunit nakita na ang aral ng nakaraan…
    Kung kaya’t sa paglipas ng panahon, pagharap sa kasalukuyan ay ating pagbutihan…

    Gawin ang lahat ng nais, sa ikakaligaya at ikapapalagay ng kalooban,
    Ibahagi ang sarili… ilahad ang mithiin… ihayag ang tunay na nararamdaman.

    Huwag hayaang ORAS ay masayang, hindi mo nagamit nang ito ay ipinahiram…
    Laking panghihinayang sa mga pinakawalan, tiyak ikaw ay magiging malamlam..

    Oras ay nariyan lamang… sumasabay sa dapithapon at sa bukang liwayway…
    Yakapin ito ng mahinusay, hiram nating buhay ay gawing makulay…. ^_^

    “We shall never pass this way again,
    If there are good deeds we can show,
    If there are good things we can do,
    Let us do it now,
    For we shall never pass this way again” (Anonymous)

  4. ano at ika’y nakikipagtuos sa oras, kapatid? sinusukat ang oras – iyan ba’y pabalik o pasulong? teka, saan nga pala ang iyong reference point, kung di mo mamasamain?😉 hello, noodles!

  5. Manul-nulat ng Bayan says:

    magkaugnay nga ang kaisipang ating inihain, natutuwa ako na nabasa ko itong iyong obra,,,

  6. chilledhoney says:

    I thank God I am breathing….

  7. Tik Tak Tik Tak…

    sa bawat tunog ng orasan
    sa bawat hiningang pinakakawalan
    sa ikot ng mundo sa bawat segundong bilang
    mga pangyayari at kaganapan sa ating buhay
    iyan ang hiwaga na sa ati’y bigay

    di man alam ang umpisa’t katapusan
    alalahaning sa patuloy na pag ikot nito
    katumbas ay buhay na bigay ng Maykapal
    na dapat palawigin at gawing kapakipakinabang
    upang buhay na hiram ay maging makabuluhan🙂

    Kung kailan hihinto, huwag mo ng antayin
    sapagkat ang pagdating ng panahong yaon
    hindi mo din masasaksihan
    kapag oras mo ang tumigil yun ay nangangahulugan
    hindi ka na humihinga,
    at malamang sa huling hantungan na ang punta hehe…

    baw…🙂

    • hmmm, maraming salamat sa paglalaan ng kahit pansumandaling segundo o minuto mo.

      alam kong sa iyong pagtipa,
      oras mo ay ini-alay,
      upang ika’y makapagbigay,
      ng isang puna na ubod ng husay.

      hmmmm, maglaan ka ng oras sa iyong manliligaw ha, para ito’y iyong makilalang lubusan.🙂

  8. Pingback: ika-21 siglo (21st century clock) | 25pesocupnoodles

  9. Pingback: Reality Check « Miranda's Inkblot

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s