Tula para sa Kamatayan

Paumanhin ang tula para sa KAMATAYAN ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa,🙂

“bakit ke aga naman, tapos na ba ang halaga sa mundong ibabaw…”

 

 

Isang pagbati ni Cup, Supremo, Benchingko – ngayong Araw ng ating mga Ama.

 

binago upang ilagay ang larawan noong marso 25, 2014

kredito: ang larawan ay hindi pag-aari ni Cup, kredito para sa dailymail.co.uk

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Image | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, poem, tula and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

49 Responses to Tula para sa Kamatayan

  1. chilledhoney says:

    Dama ang lungkot at pighati sa kathang ngayon ay inilathala,
    Batid na walang isa mang salita ang maaring mapapawi ng lumbay na nadarama
    Ngunit ang aking dasal, kalooban ay maging payapa,
    Ang amang lumisan ay tunay nang maligaya
    Kapiling ng Ama sa Kanyang Banal na tahanang di abot ng ating mga mata…

    Kalamayin ang poot na nadarama na siya ay di nakasama sa kanyang pag-aagaw buhay,
    Maaring ang Ama sa langit na rin ang hindi sa iyo nagpapunta,
    Maaring alam ng Ama na mas higit ang sakit na nadarama na nandyan ka ngunit wala kang magawa… dahil ang nakatakda na ay nakatakda na…

    Nawa’y bigyan ka ng Panginoon ng kapayapaan sa iyong kalooban,
    …ng pagtanggap sa pangyayaring, tayo ay walang kontrol

    Nawa’y ang puso ay maging maligaya sa isiping ang iyong mahal na ama ay nagtatamasa na ng walang hanggang kaligayahan sa piling ng ating Tagapaglikha…

    Happy Father’s Day sa kanya at sa Amang nasa Langit… dahil talagang happy sila doon…

    (hugs, maestro, yun lang ang aking tanging maibibigay sa iyo…)

    • pasasalamat sa iyo paru-parong marikit.

      • chilledhoney says:

        Hmmm
        Hmmmm…

        Biglang napaisip…

        Bakit ba tayo narito sa mundong ibabaw…
        …dahil tayo ang Kanyang inatasang mangalaga sa Kanyang ibang likha?
        …dahil tayo ay Kanyang inatasang magmahalan at magparami ng naninirahan sa mundo?
        …dahil tayo ay Kanyang inatasang ngumiti sa bawat basbas at biyayang ipinagkakaloob Niya ?

        Kailan tayo lilisan?
        …walang nakakaalam…bawat isa ay may takdang oras ng paglisan…
        …walang nakakaalam… sa payapa ba o sa nakakatakot na paraan?
        …walang nakakaalam…katanunga’y “handa na ba akong lumisan”?

        Ano nga ba ang pakiramdam?
        …Ito ba ay isang paglayang walang panghihinayang?
        …ito ba ay may kasabikang sa langit na ay mananahan?
        …ito ba ay may pangambang magpaimbulog na lamang ang kaluluwa sa kawalan?

        Paano na ang maiiwan?
        …Ito lamang yata ang may tiyak na kasagutan…
        …sila ay sa simula malulungkot na ang minamahal ay kinuha na ng Maykapal…
        …sila ay magninilay sa mga sandaling pinagsamahan, sa mga halakhak na napakinggan,
        …sila ay babalik sa mga aral na natutunan, sa mga luhang pinagsaluhan
        …sila ay mananaghoy ng ilang panahon ngunit sa paglipas ng sakit na nadarama
        …alala ng namayapa sa puso ay dala…wala nang bigat…wala nang sakit…pagmamahal at pagkakapuri ang siyang namamayani…

        “Sa bawat kilos at galaw, sa bawat isip at nadarama… isapuso ang mga pangaral Niya..hindi natin alam kung ating oras ay darating na…”

      • napakaganda nito honey, maari mo rin ba itong i link sa aking isang katha, sa “huling hantungan (final destination)… ito’y aking ikagagalak. salamat paru-parong marikit. naway napawi ang iyong pagka-hmmmmmm..

    • chilledhoney says:

      Maraming salamat sa pagpupugay… ito ay lubos na ikinagagalak… nawa’y aral ay maunawaan…^_^

    • salamat, salamat, salamat, salamat…. many thanks. lalo sa iyong hug(s) na marami.

      • chilledhoney says:

        Aking karangalang i-link ang katha sa “final destination”, matinik na manunulat…ang hmmmm ay maraming kahulugan tulad nang inilahad mo sa aking pagpipilian…ikaw na ang mamili ng nais ipakahulugan na makakagaan sa iyong kalooban… ^_^

        hugggsss muli!!! (sana makatulong kahit kaunti…)

  2. CrazyFrog says:

    (napadaan ang hibang na palaka… Napatigil bigla… Damdamin ay napukaw nitong itong akda… Ang mababaw na luha, narito’t sisilay na…)

    Ang pagkawala ng mahal sa buhay nang walang paalam…
    Nagbibigay ng puwang sa katauhan…
    Maraming tanong ang namamahay…
    Nandoon ang bakit… Bakit.. bakit nangyari yun?
    Naroon din ang paano… Paano… Paano kung wala sa lugar na yun?
    Buhay pa kaya at kapaling sya?
    Walang kasagutan.
    Dahil Sya lang na nasa itaas ng nakakaalam,
    Sa mga pangyayaring di maiiwasan….
    ‘wag bigyan ng puwang ang poot na maaring maramdaman.
    Hindi nya ninais lumisan ng walang paalam,
    O di kaya’y maagang magpaalam.
    Kasama na sya ng Maykapal.
    Doon namamahay…
    Malayo man…
    Pakatandaan… Siya’y(ama) palagiang nakatanaw…

    Hindi sya nabigo nang minsan manahan sa lupang ibabaw…
    Di pinagsisihan ang maiksing pnahong ginugol noong nabubuhay…
    Nakasama nya ang mga minamahal( pamilya)…
    Naituro nya sa maikling panahon ang nais nyang inyong matutunan…
    Maaring di man nya tahasan na sa inyo’y tinuran…
    Dahil IKAWna lumaking may mabuting pagkatao/personalidad..
    Ay sapat nang buhay na katibayan na naging mabuti at huwaran.
    Hindi sya nabigo bilang ama…

    Hindi mapupunuan ang kawalang nadarama…
    Subalit ang nangyari ay nangyari na…
    Tanging mga alala ang nalalabi…
    Mga alaalang tanging kahit kaunti makakapuno sa dalamhati…

    Para sa sau cup… Happy father’s day ( naging ama ka sa sarili mong paraan) at gnun din sa butihin mong Ama… >:d:d< )

  3. aninipot says:

    minsan may mga pagkakataong parang walang silbi ang salita lalo na pag paglisan ng minamahal ang pinag-uusapan.

    Isang tapik lang sa balikat ang kaya ko.

    Maligayang araw ng ama para sa iyo!

  4. Anut ano pa man…happy fathers day pa rin sayo pre..cheer up!

  5. chilledhoney says:

    Tinig ng pagtangis tumagos sa aking puso, isipan at kaluluwa…

    Sadyang kirot ay nagdulot ng tuluyang pag-agos ng iyong luha…

    Sa aking matamang pakikinig, iyong pangungulila sa ama ay aking damang – dama…

    Ang iyong panaghoy, nauulinigan di lamang ng aking pandinig, kundi pati ng pusong lubhang nag-aalala…

    Batid na walang anumang salita ang makakaalis ng iyong hinagpis..

    Ngunit hayaan mong haplusin ko ang iyong damdamin, bigyan ng kaunting pahinga ang isipan,

    Pagmamahal ng amang pumanaw ay tunay na walang katumbas,

    Ngunit Ina na kanyang kabiyak ay nariyan pa at nagmamahal din ng wagas…

    Yumakap ng mahigpit, damhin pagmamahal na mainit at walang kupas…

    Sa isa’t isa madarama ang kapayapaan…

    Ikaw bilang kawangis ng iyong ama, produkto ng pagmamahalang walang hanggan…

    At siya bilang mahal na kabiyak ng amang kinasasabikan…silang pinag-isa ng pagkakataon at panahon…

    Tulad ninyo, ilaw ng tahanan ay aandap andap sa pighati…

    Nawa’y sa paglipas ng panahong si ama ay di na makasamang muli…

    Haliging nawala ay mapalitan ng singtibay na pangsuporta sa ina, kayo ng mga kapatid mong nagmamahal sa kanya…

    Ako ay naniniwalang iyon ang nais ng ama, mula sa langit tatanawin kanyang iniingatang pamilya….

    (Wala akong magawa kundi makinig… Makidama… Nawa’y mga kataga ay maging banayad na haplos sa iyong puso)

    • hmmm, napakaganda ng iyong paghahandog.

      maalis man ang lapat ng iyong tugma,
      maging bagsak ng bawat kataga,
      tanging mensahe ng iyong pagtula-tula
      ang mag-iiwan sa akin
      ng lubos na pagkamangha… hmmmm

      ang iyong pagtatangis
      nagdudulot ng pagka-alis
      ng tila kaloobang napapanis
      dulot ng paghihinagpis

      Salamat(s), Toda, Many thanks….

      Sa iyo RN marikit, paghanga ang bitiw
      ng aking labi na magiliw
      napaka-swerte na ako’y iyong mahandugan
      ng kathang nakapagpapagaan
      ng isang tila mabigat na kalooban….

    • chilledhoney says:

      maalis man ang bagsak ng mga kataga maging ng aking tugma…iisa lang ang hiling, pahiwatig ng pagdamay ay tanggapin… upang giliw at kulit ay muling manumbalik…. ^_^

  6. ako ba’y manhid o sadyang ipinagkait?
    pagmamahal ng ama, di ko mabatid
    pagkatapos na mabasa, malalim na buntunghininga
    bago maglagay ng puna
    ang tintang ginamit ng may akda, oo nga’t aking nabasa
    ngunit tila di madama.

    • sassy ang tagal ko na pong inaabangan na paunlakan mo ang aking mga pag-aanyaya, medyo nakakalungkot lang pagkat sa ganitong katha mo pa ako muling nabalikan, bago ang lahat ako’y nagpapasalamat sa paghandog mo ng iyong nararamdaman, akin itong iginagalang pagkat alam kong may kani-kaniya tayong takbo ng buhay at kalagayan sa ating sariling parisukat. tama ba?

      anu’t ano pa man nais ko sanang hilingin sa iyo (wala man akong karapatan) na sana’y makapaglaan ka ng kahit napakaliit na puwang sa iyong kalooban para sa iyong Ama… batid kong duon magsisimula ang lahat bago pa man mahuli ang lahat. isang paalalang nag-aalala.

  7. theworshipwarriorbride says:

    😦

    • ang iyong lungkot…. ano ang nais ipahiwatig?

      • theworshipwarriorbride says:

        bukod sa lungkot na dala ng iyong tula
        hindi kasi namin napagdiwang ang araw ng mga ama ng maligaya

        halata ang pait na nadarama ng bawat miyembro ng pamilya
        dahil sa sakit na dulot ng bagay na halos paulit-ulit na ginagawa nya

        sa kabila ng sakit nalulungkot ako sa katotohanang binati ko s’ya nga “happy father’s day” nang ako’y nakayuko
        dahil baka luha ng pagka-inis ay ‘di ko maitago

        batid kong dama niya ang laman ng aking puso
        pero totoo talagang hindi masasabing kami ay mahal niya
        kung nakikita naming nasasaktan na naman ang puso ni mama

        ako’y noon ay nagpatawad na
        harapan ko pang sinabi sa kanya
        kung kaya’t hindi ko matanggap na pangalawang pagkakataong sa kanya ay binigay ay parang binabalewala

        ha….hayyy…

        pero ganito ata talaga kapag warrior ka
        dapat maging matataga at buhay ay ipagpatuloy lang
        naniniwala pa rin akong dadarating ang panahon na magbabago talaga s’ya
        kasi tapat ang aking Diyos na pinaglilingkuran.

      • chilledhoney says:

        Pagpapaunlak sa kahilingan ni maestro na iyong damdamin ay kalamayin…

        Yaan mismo ang sinabi ko sa iyo sa hardin warrior….

        uulitin ko dito upang kung sakaling may makabasa… ang punto mo bilang anak ay maunawaan at ang punto ko bilang magulang ay mabigyang kahalagahan:

        “kahit anong mangyari papa nyo pa rin sya kaya ‘wag magtatanim sa kanya ng sama ng loob.”

        yan din ang aking wika sa aking dalawang supling… di ko ipinagkakait sa kanila ang kanilang karapatan at kaligayahan… hanggat maari, di humahadlang… ayoko lang silang nasasaktan sa likas na kapabayaang nararasanan, hindi mula sa akin…

        “‘wag kayong mag-alala hindi ako mag-aasawa ng iba dahil malay nyo dumating si papa nyo eh pano tayo mabubuo kung may asawa na ako.”

        Warrior, tulad ng iyong Ina, yan din ang aking paniniwala noong una… sagrado ang kasal… anuman ang mangyari, ito ay ipaglaban….

        Ngunit sa ilang beses na pagtatangkang ayusin, sa ilang beses na pagsusumamo, may pagkakataon pang nagmakaawa…..kung di na pinakikinggan at patuloy na nasasaktan… nariyan na ang kapasyahang mag “Let Go”…

        Pakawalan ang gustong kumawala… kesa nasasaksihan ng mga bata ang bigat ng pagsasama…kesa patuloy na namumuhi sa isat isa…

        Huwag kang mag-alala, ang kaso ko…may kunsultang propesyunal- abogado at counsellor…

        “Magsama sa hirap at sa ginhawa, sa kalungkutan at kasiyahan, sa sakit o sa kagalingan… Till Death Do us Part…” – totoo yan…pero yaan ay sinumpaang magkahawak ang kamay ng dalawang ikinakasal… DALAWA SILA SA SUMPANG IYAN…

        Ang tanong, NASAAN NA ANG ISA?

        Sa ibang kanlungan?

        Warrior… hinangaan ko ang iyong Ina at siya ay tunay na dakila… saludo ako sa paninindigan niya…hindi siya takot… malakas ang kanyang pananampalataya…

        Ngunit sadyang magkakaiba ang pananaw ng bawat isa…

        Ang akin, minsan lamang ako mabubuhay… sa loob ng 11 isang taon na ako ay kasal… dalawang taon lang ako naging maligaya at ang siyam ay impiyerno na…muntik nang ikasira ng ulo at muntik nang wakasan ang buhay…

        Sa natitirang taon ng aking buhay… bakit ko hahayaang manatili sa impiyerno kung pedi naman akong makaranas ng kaligayahan, sa tamang panahon at pagkakataon?

        Bukas ang puso at isipan…Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan…hindi na ako humihiling dahil hindi ko naman alam kung ano ang makabubuti sa akin, hinhayaan ko na lamang na ang Diyos ang magpasya…nagtitiwala ako sa Kanya….

        Ito nga ang nais kong itanong kanina sa iyo….”Hinangaan ninyo ang Ina ninyo sa pagpupumilit buuhin ang pamilya ninyo…ngunit tinanong ba ninyo kung siya ba ay MALIGAYA? ”

        Alam mo kung ano ang nakapagpalakas ng loob ko?

        Heto ang sabi ng anak ko…

        “Mama, kung mag-cry ka lang lagi, alis na lang po tayo..kami na lang makipag-meet sa kanya… wag kang sad mama..”

      • chilledhoney says:

        Binaggit yan ng bata habang ako ay lumuluhang nagdadasal at tinatanong sa Diyos kung ano ang aking gagawin… anghel na ipinadala upang ako ay magabayan… pasya ay hindi pinagsisisihan…magaan na rin ang lahat ng samahan… bilang magkakaibigan…

      • chilledhoney says:

        Ngiti na tayong lahat ha?… ayos lang yan… life na parang buhay…

        Meeting muna ako… Matinik na manunulat…Warrior…

        Balikan ko kayo mamaya🙂

    • worship ang mga pahayag ng isang paru-parong marikit (chilled) ay tila hindi ko kayang tumbasan, ang kanyang kataga ay base sa tunay na karanasan, karanasan ng isang babae, isang asawa, isang ina, isang nilalang, isang nagmamahal. kung minsa’y ako may nagtataka rin kung bakit sa kabila ng kapatawaran ay tila nagbabalik sa mga maling gawi, maging ako bilang lalaki ay di rin alam ang kasagutan. paumanhin sa iyo, pati kay marikit, pati sa lahat ng mga babae dyan, pagkat ako rin ay may panahong nagkakamali.

      • chilledhoney says:

        tao lamang….

        at lahat ay nagkakamali… ikaw…ako…lahat tayo…

        ang mahalaga… may pagsisisi at may kagustuhang baguhin ang maling gawi…

        tandaan lamang…

        babae ay kayang magpatawad ng paulit ulit, magmahal ng malalim… ngunit siya ay tao ring napapagod, sumusuko…

        at sa isang relasyon, babae ang nagdadala, kung siya na ang sumuko… wala na talaga….

      • theworshipwarriorbride says:

        hihihi…kuya noodles at ate honey
        maraming salamat sa inyong tinuran
        bukod sa pagiging makata ito ay makatotohanan
        hindi ako nagkamali sa mga blog na sinundan😉

        ok na ako salamat sa inyo
        nung sinulat ko ang tugon ko sa mga blog nyo
        unti-unting napawi ang saglit na pighati
        dahil ito’y naisiwalat hindi sa bayolente o lapastangang paraan
        ngunit sa panulat na nakikita ng mga kaibigang hindi pa nasisislayan

        sa totoo lang nung isinulat ko ang akdang “Kasinungalingan” http://theworshipwarriorbride.wordpress.com/2012/06/20/kasinungalingan-lies/
        (hmp di ako marunong maglagay ng link hahaha)
        sa umpisa ng aking pagtipa sa bawat letra
        pagkagalit ang aking nadarama
        pero nung ako’y nasa bandang gitna na
        naisip kong ang aking akda ay maaring para sa madla

        ok na ako
        super thank you sa inyo
        ok na ako
        bonggan blessings talaga kayo🙂

  8. theworshipwarriorbride says:

    Anong sabi ng mga blog sa loob ng isang blog?! hahaha

    Automatic palang naglilink kapag napost na yung comment harhar😉

  9. Manul-nulat ng Bayan says:

    ang paglisan ay di nangangahulugang pagkawala
    at ang pag-alis ay di dapat samahan ng paglimot…

    ang buhay ng tao ay di natin mahuhulo
    kung ang ating pang-unawa ay tanging makamundo.
    Bawat tangis mo ngayon ay di tangis na totoo
    bagkus ay tangis lang ng pagdaramdam ng puso.

    malalaman mo’t mauunawaan ang tunay na pananangis
    kung ang buhay mo’y di na maabot ng silahis.
    Mananangis ka nga ngunit agad ring maaalis
    pagkat may pag-asa na sa puso mo’y nakabigkis….

    • sa panahon na inaakala kong, ako’y napapanatag na
      mali pala, pagkat dama pa rin ang pagkabalisa
      lungkot na inaakalang nawala
      bumabalik-balik sa pagbalik ng mga alaala

      akalaiy sa pagtulog, paglubog ng araw
      at sa muling pagsikat, may bagong pananaw
      ngunit maling mali pagkat kaloobay minsay tunaw.

      Manong, salamat sa iyong mga palahaw
      ang iyong biglang paglitaw
      ay sadyang nakaka-uhaw.

      ihain ang isang tapayan, upang makapag-tagayan. salamat.

  10. ako’y nagulat sa iyong akda
    labis na nalungkot at nabigla
    sa pangyayaring ito habang ako’y wala
    batid ko ang iyong lungkot at luha

    ang sakit na nararamdaman, wag itago’t pigilan
    darating ang panahon ang sugat ay kusang maghihilom
    basta’t matutunan lamang tanggapin ang yugtong ito ng buhay
    na kahit sino’y hindi kayang pigilan

    sa kabilang banda, hindi dapat manangis
    sapagkat sa kanyang paglisan may pangakong nakaabang
    buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos na lumikha
    yan naman ang tatahakin ng iyong amang nawala🙂

    Alalahaning katawang lupa lamang ang lumisan
    ngunit mananatili pa rin mga ala-alang naiwan
    sa puso’t isipan ng mga taong nagmamahal🙂

    • ang iyong mga kataga,
      tila isang hiwaga.

      salamat sa pagbibigay ng maganda at kaiga-igayang pananawa.. nais ko itong ulitin,

      “Alalahaning katawang lupa lamang ang lumisan
      ngunit mananatili pa rin mga ala-alang naiwan
      sa puso’t isipan ng mga taong nagmamahal “

      – sa puso’t isipan ng mga taong nagmamahal, aking napatunayan na mas lalong lalawig ang pagmamahal sa isang tao, sa oras na siya’y lumisan. walang pagdududa.

  11. Pingback: Ang Iyong Huling Hantungan (Your Final Destination) | 25pesocupnoodles

  12. kahit huli na ako,
    kay ganda kasi ng mga tula niyo
    naantig ako ng todo,
    marapat lang na pahalagahan ang tula mo
    kaya narito ako, nakatayo’t pumapalakpak sa iyo.🙂

  13. batopik says:

    😦 kamusta na ang benchingkong noodles?

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s