Balatkayo Nga Ba? (aNg buHay ng ibA)

“nagigiliw sa taong mapagkumbaba, datapwat, hayagang isinusuka ang siyang mga mapagpanggap”

Bakit ang ibang tao hindi nila kayang tanggapin na mayroon mga bagay-bagay na hindi talaga nila maintindihan at labas sa kanilang kaalaman. Silang mga mapagpanggap, ipinapasa ang sisi sa mga taong nakapalibot sa kanila, upang pagtakpan ang kanilang pagkakamali. Sa aking palagay hindi pa nila nararating ang kahinugan (maturity) sa pagtratrabaho, dahil takot silang magkamali, at lalo’t takot silang akuin ang responsibilidad sa naging resulta ng kanilang mga desisyon. Nakakasuya sila at nakakasuka, araw-araw ko pa naman sila nakikita at nakakasalamuha. Kung nagkataon lang na tunay na kaibigan ang turing sa kanila, malamang ay napagsabihan ko na sila at napangaralan. Hinde ko naman sinasabing nakatago ako sa maskara sa pakikiharap sa kanila, bagkus ay ayaw ko lang talaga ng kultura nila. Maihahambing ko sila sa mga hunyango, nagbabalatkayo, hinde nila kayang ilabas ang tunay nilang anyo. Mapagpanggap, ayaw ko talaga ng ganito. Naghahanap pa ng kakampi para idepensa ang sarili, hindi ba talaga nila kayang tumayong mag isa, o takot lang silang manindigan mag-isa. Isasama pa ako sa kahibangan nila, hehe, hindi ba nila ako nakikilala, na ang pinapanigan ko ay madalas sa tamang pananaw. Kapag alam kong baluktot ang paniniwala ito ay hayagang kong tatanggihan. Minsan na kaya akong natisod sa mga impluwensya ng mga baluktot na paniniwala, kaya’t hinding hindi ko na hahayaang mangyari pa ito muli.

Nakakatawa sila pakinggan at pagmasdan, mga komento at utos nila na tila nangangapa sa dilim pagka’t blanko ang kanilang kaalaman. Hahaha, iba ang galaw ng kanila mga mata sa ibinubuka ng kanilang mga bibig, hahaha, nakikita ko sa mga mata nila ang kanilang pagpapanggap.

Kaya ikaw na makakabasa nito, iwasan mong magpanggap na alam mo ang mga bagay-bagay na hindi mo lubos na nalalaman dahil kapag nakahanap ka ng katapat mo pihadong pagtatawanan ka nila, hahaha. Tandaan mo rin na hindi naman masama at hindi nakakahiya ang magtanong-tanong, kailangan mo lang matutunan ang gawi ng mahusay na pagtatanong (the art of questioning).

Me he entendido?

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

61 Responses to Balatkayo Nga Ba? (aNg buHay ng ibA)

  1. Manul-nulat ng Bayan says:

    si……….tama ka…..”the great pretender nga ang iba” parng hunyango ika mo pa….—chameleon ba yun? hehehe…nagtatanong po….hehehe

  2. ahaha, meron yatang galit, nagsusungit kasi siya ay nabuwisit.😉 hello, cupnoodles!

  3. chilledhoney says:

    Passing the buck…

    “Assuming” pero alang sense of responsibility…

    Ayaw tumanggap ng accountability…

    Nagtatago sa likod ng magarang kasuotan at kunwang malawak na kaalamang hungkag naman…

    Kalungkutan….

    Sila ay nakakasama, nakakasalamuha…

    MInsan gusto mo nang kutusan… o sabunutan… di mo magawa

    Dahil alam mong di ka dapat bumaba sa katayuang kanilang ipinapakita…

    Very unprofessional ang paligid… panatilihing kumapit sa iyong paninindigang nasa tama lamang…

    Rare species na kasi ang mga tulad mong ayaw sumabay sa agos ng katiwalian…

    ^_^

  4. Lambing says:

    pinaka ayaw ko sa lahat yung mga taong mapag panggap.. ako kasi yun tipo nang tao na ayaw ng kasinungalingan.. ewan ko ba..

    yan ang gusto ko may sariling paninindigan.. matapang may kakayahang umayaw sa mga baluktot na bagay at gawain…

    ipagpatuloy mo yan ginoong cupnoodles

    • uhu, aba “ginoo” ha. hehe. ikaw pala ang tipo ng taong ayaw sa kasinungalingan, e matanong ko lamang habang may pagkakataong bawal magsinungaling ang sinuman, ano naman ba ang iyong “tipong Lalaki”? hahaha, patay ka bawal magsinungaling sabi mo. hehe.😛

      • Lambing says:

        haha ehem ehem

        ” ang tipo kong lalaki… maginoo pero medyo bastos ”

        ehem ehem ulit ang haba kasi ng listahan ko eh…

        pero ang tipo kong lalaki nakasalamin

        yung ala johnlloyd cruz ang dating.. mabait tignan
        tapos comedyante someone who can make me smile mas panalo kapag napapatawa diba?
        hmmmm hala mahaba to? gawin ko nalang kayang post? wahahhaha

        abangan….

    • chilledhoney says:

      Lambing, makikigulo na rin ^_^

      Nakita ko kasi yung “Ang tipo kong lalaki ay maginoo pero medyo bastos”

      hihihi! kabog! like ko din yan!

      Isama mo na ang

      “kahit hindi guwapo, kahit na di matalino, basta sya ay may PUSO, sya pa rin ay gugustuhin ko..”

      VIDEOKE NA ITO!!!!

      • Lambing says:

        HAHAHA natawa ako bakit kaya marami may gusto ng maginoo pero medyo bastos lols

        yeah! tara kantahan nalang !😉

      • chilledhoney says:

        Eh paano naman…

        Kung masyadong seryoso… mapapanis laway mo…

        Kung masyadong makulit, masasabunutan mo sarili mo…

        Kung masyadong magalang, baka santo yan…inagaw mo pa sa simbahan…

        Kung masyadong guwapo, marami kang kaagaw hahahaha

        Kung maginoo, pero medyo bastos, tama lang… swak sa katotohanan…

        Sa lahat ng bagay, ikaw ay iingatan, at syempre pag kayo na lang… (ayoko nang dugtungan hihihi)

        Tara lambing, Videoke tayo hihihi!

        Minsan kung ang panulat ay di makapagpaluwag ng kalooban…

        Ang ilabas ang baga sa pag-awit ay isa ring magandang pang-alis ng inis hihihi

        (Naku naku! ang laki na ng utang kong renta dito hihihihi!!!)

      • makapag-ensayo nga muna ng kanta, baka mapalaban ako sa kantahan.

        “sa pagsapit ng dilim, ako’y naghihintay pa rin, sa iyong maagang pagdating
        pagaka’t ako’y nababalisa kung di ka kapiling……
        …..nanana- nanana- nanana- nanana-nanananana.”

      • chilledhoney says:

        hahahahahah…..nagyayaya pa lang akong mag-videoke,

        ayan ang may ari ng tambayan ay bumanat na!!!!

        Ilabas ang gitara at tayo ay tumungo sa ilalim ng mangga at humigop ng masarap na kape habang umaawit ng

        “Ang Tipo kong Lalake – Himig ng Pag-ibig” Remix!!!

        Ang gitara…tipid sa kuryente…tipid din sa limang pisong inihuhulog, pedi pa playback anytime, everytime…

      • chilledhoney says:

        breaktime, coffee time! (oi bawal pa hahahaha)

  5. chilledhoney says:

    Akin itong binalikan, nai-post na nang may kaunting katagalan na rin…

    Dahil ang origihal na may-akda ay nagpasya nang ilatag ang kanyang kathang matagal nang nakaimbak…

    akoy ay lubos na nagpapasalamat na sa aking pagsisimula bilang manunulat dito sa tambayan…

    Ako ay pinahintulutang maglaro sa aking panitik gamit ang kathang malalim… upang ang aking istilo ay aking mapagtanto…. Ito naman, sa aking sariling palagay ay nagtagumpay….

    Sa paglalagay ng ibang istilo, nawa’y ang anyo lamang ng katha ang nabigyan ng ibang lasa, at hindi ang kanyang nais ipakahulugan…

    Matinik na Manunulat, muli salamat!

  6. theworshipwarriorbride says:

    Kuya Noodles!!! di ka naman high-blood nyan? hehehe…

    Pero tama naman talaga mas madali naman kasing magtanong pero pinahihirapan ang sarilin sa pag-aalam-alaman (minsan ganyan din ako hahaha PRIDE kasi).

    Pwede naman mang-straw ng utak ng iba paminsan-minsan eh ehehehe…

  7. CrazyFrog says:

    Aray ko!
    Ang sakit ng patama mo!
    Aamin na nga ako..( basta hindi ako kasali sa kakalbuhin nyo. Mahirap magpahaba ng buhok😉 )
    Kahit dito man lang maranasan kong magpakatotoo…🙂

  8. Marami na kaseng mga hunyango at chameleon dito sa mundo..so better watch out sa mga taong nakapaligid sa atin..

  9. Pingback: PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? | 25pesocupnoodles

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s