“Magsulat ng mula hindi…

“Magsulat ng mula hindi lamang sa isipan, maging dapat din ay mula sa kaibuturan.”

pagtagpuin ang puso’t isipan,
at damhin ang kinalabasan,
hindi mo mamamalayan,
katha mo’y nagugustuhan,
hinde lamang ng mga kulang sa pansin at nagpapapansin,
kundi maging din ng mga manunulat na walang kasing galing.

palahaw sa isang bagong tagasubaybay “kae_em_en”

Advertisements

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote / Sitasyon | This entry was posted in idolo, kathang-isip, poem, quotable quotes, tula and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

15 na mga sagot sa “Magsulat ng mula hindi…

  1. hitokirihoshi ay nagsasabing:

    tumpak kapag nanggagaling sa iyong kaibituran lumalabas na maganda talaga ang obra maestra. hindi bitin, hindi sobra sa hinog. sakto lang pero naiiba.

  2. chilledhoney ay nagsasabing:

    Ang pagsusulat ay pag iisa ng puso at isipan… bugso ng damdaming nais pakawalan…

    Iisa ang direksyon, iisa ang patutunguhan…
    Pakahulugan ay higit na nauunawaan….

    Kapag ang lingkod ay nagsulat… laging may buntung hininga bago magsimula…
    Sapagkat anumang isinatitik, tunay na kasama ang buong katauhan…

    Masaya man o may kalungkutan… yun ang laman ng puso at isipan…
    Walang pagkukunwari, walang kasinungalingan…

  3. Ang Tambay na si MyR ay nagsasabing:

    mukhang galing talaga sa kaibuturan ng puso 😉

  4. Manul-nulat ng Bayan ay nagsasabing:

    “Kung iisipin mo lang aking kaibigan,
    ang papel at pluma ay lubhang makapangyarihan.
    Ang sa puso buhat at ginawa sa isipan,
    sa panitikan man di’y isang gintong yaman.”
    ———-sipi mula sa “Mga Buhay sa Damuhan, Mga Bayani ng Bayan” ni G. Manul

  5. foobarph ay nagsasabing:

    tompak! korak! gora!

  6. Nortehanon ay nagsasabing:

    Dahil ang nasasaloob natin, gaano man ito itago, lalabas at lalabas ito sa ating mga katha. Sapagkat saan pa ba manggagaling ang ating katha, kundi sa ating nasasaloob 😉

    Napadaan lang 😉

    • 25pesocupnoodles ay nagsasabing:

      maganda ang iniwang bakas ng aking panauhing nagmula pa sa Norte. mukha pong nagiging madalang ang iyong pagbibiyahe sa aking tambayan.

      Sa iyo Nortehanon, hinihikayat ko po ang muli ninyong pagdalaw ha… at sana’y makapag-iwan ka po ng bakas sa iba sa aking mga katha.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s