ang tula para Blue Jeans

 Paumanhin ang tula para sa Blue Jeans ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip, poem, tula and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

70 Responses to ang tula para Blue Jeans

  1. kayedee says:

    wala tayong magagawa kung gusto na nilang lumisan😦

    hello pow🙂

  2. chilledhoney says:

    minsan ang tibay ng samahan ay nasusukat sa pagiging makatotohanan… tama, pakawalan ang saloobin…🙂

    • chilledhoney says:

      P.S …ang taos pusong paghiling ay nakakatunaw ng bakal na paninindigan at nakakadurog ng pusong bato…believe me… hindi na lilisan…:)

      minsan…magpaka Jologs tayo…para masaya..:)

      isang paglipad na may hatid na ngiti!

      • Hmmmm, sa tamang panahon at pagkakataon ang pagsusumamo’y maaring magdulot ng katugunan. Maaari nga itong makatunaw sa pusong bato, lalo’t ito’y ipinahayag ng taong sinsero. Walang makakahadlang maging taong may bakal na paninindigan. Isang pagsang-ayon sa iyong tinuran, paru-parong marikit, salamat.

      • chilledhoney says:

        isang lubos na pasasalamat sa pagsang-ayon…

        Puso at isipan, kapag nag-isa sa pagtanggap ng pagsusumamo…malamang sa alamang, ito ay totoo, umaasang ang pagkakataong ibinigay sa humihiling ay iingatan at pagyayamanin…

        sa iyo matinik na manunulat, isang matamis na ngiti mula sa banga ng pulot sa aking imbakan ^_^

  3. rhyze17 says:

    tuluyan ka mang lumisan at sadyang hindi mapigilan, isang bagay ang mananatiling hindi mababago.. ang lahat ng pinagsamahan nating kasiyahan at pinagsaluhang kalungkutan… siyang tatatak at hindi na mapapawi..

  4. Aray ko, may nagpapalipad-hangin sa kung kanino, ahaha.😉 Nakalisan na ba o mukhang lilisan pa lang? Parang masakit na agad, aruuu!😉

  5. morenangtunay says:

    Tunay ngang hindi mapipigilan ang pagbabago, lalo na ang paglisan sa panahon na hindi inaasahan…..

  6. morenangtunay says:

    mahalin kahit ang pinaka simpleng bagay sa iyong buhay, upang kapag dumating ang oras ng paglisan…wala kang pagsisisihan…

    walang anuman kaibigan, isang karangalan ang makapag iwan ng bakas sa iyong tambayan🙂

  7. CrazyFrog says:

    Kumupas man ang maong, maaari pa itong “tinaan” (kulayan… Itama mo na lang po hihi). Lalo na kung iyong pinanghihinayangan.Maaring muling tumingkad ang kulay nito, subalit di na maibabalik ang orihinal na kulay. Nakasanayan man ng matagal, minsan KINAKAILANGAN MO RING PALITAN. Mamili ng mas angkop at tutugma sa iyong sukat at pandamdam. ‘yong luma at kupas kung hindi na talaga pwede, kailangan mo nang hayaan…

    Sabi ko na!
    Ikaw na! Hahaha gumaganyan ka na ha! LOL.
    Hmmmm humarap at tumipa sa iyong computer at madami pa kaming aabangan…🙂😉
    SHAAAAAALOM CUP… Napakokak lng bago matulog…🙂

    • nakakatuwa ang iyong kokak,
      mabuti’t sa iyong pagtulog
      ito’y di dumalaw at tumatak
      kundi baka ang iyong panaginip
      ika’y nagtitina,
      ngunit hinde ng maong kupas,
      kundi ng mga uban ni Lola. (haha nawala ang tugma)

      Kamusta sa iyo at kay Lola survivor.

  8. bobonghenyo says:

    nag-iiba man o kumukupas man ang kulay ng maong, naisusuot parin…
    lumisan man ang isang tao, nasa puso mo pa rin ang mga iniwan niyang alaala…

    HALOW!😀

    • wow napakagandang palahaw
      tila komento mo’y di mababahaw,
      malamang iyan laging madadalaw,
      ng mga mambabasang uhaw.

      bowow.. HALOW din.. salamat sa iyong pag-HALOW-HALOW.

      • bobonghenyo says:

        wow! makatang makata ka kaibigan.. hindi mo man ako kasing galing maglaro ng mga litanya… mga mata ko naman ay nasisiyahan sa pagbabasa😀

        • iminumungkahi ko na sana’y mabisita mo ang aking mga paboritong katha. marami na rin naman ang nakapagpatunay na ito’y nagbubukas ng panibagong kamalayan. salamat sa tamang timpla ng isang Henyo at ng isang Bibo… hahaha, paumanhin di ko mabanggit ng deretsahan. salamat bibonghenyo.

          • bobonghenyo says:

            haha wala naman masama sa pagbanggit ng salitang bobo, lahat tayo nagiging bobo paminsan minsan, pero kung yan ang gusto mo haha para sayo ako ay si BIBONGHENYO! hehe

      • pasintabi,
        ang litanya ay iwasang laruin,
        maigi pa’t itoy damhin-damhin.
        upang ang bugso ng damdamin,
        ay mailabas na walang alanganin…

        laging tandaan… dapat damhin, iwasang laruin.

  9. Manul-nulat ng Bayan says:

    sana, kung siya ma’y lumisan
    ang gunitang iningatan
    sa iba’y di matagpuan
    upang kahit lumipas man ang mga araw
    ika’y hinding-hindi makalilimutan….

    • chilledhoney says:

      makikiraan lang po….may nakakuha ng atensyon sa paglipad lipad🙂

      tunay ang iyong tinuran ginoong Manul,
      sa isang tunay na nagmamahal,
      pagpaparaya ay may dalawang kahulugan…
      … sakit, dahil hindi nasuklian ang inihaing damdamin…
      … saya, dahil alam mong sinta ay liligaya…

      sa akin lamang itong palagay,

      Ako ay may “ngunit”:

      di ba, mas magandang sa pagpapalaya ng dating nagmamay-ari ng puso…
      kasamang paliparin ang mga alaalang kasama nito?

      sapagkat ang pusong puno ay di magkakaroon ng puwang para sa bagong maninirahan… masikip, may magrereklamo…

      sa paghahangad ng kaligayahan, linisin ang lagayan upang makapag-imbak ng bagong alaala… siksik, liglig at nag uumapaw…

      palipad lipad lang po sa paligid ligid!

      • Manul-nulat ng Bayan says:

        ang iyong sinabi ay di ko maitatatwang tama, bagaman kung ang pag-ibig na nakaugat at tunay ay di dapat palayain,,,bagkus kung nabunot ma’y kailangang itanim uli….kapag nabuhay ay tunay nga subalit kapag kusang namatay kahit pa inaaruga ay saka tayo papasok sa iyong pinaniniwalaan…….hanga ako sa iyo….malawak ang iyong pang-unawa…

        • chilledhoney says:

          Salamat ginoo… sa iyong pag sang ayon… tunay ngang karanasan ay nakakapagpalawak ng ating pananaw… ako’y nagpapasalamat na sa tuwinang humaharap sa hamon ng buhay, pagbangon ay may hatid na bagong karunungan at kasanayan.. sa larangan ng pag-ibig di masasabing may dunong ngunit mga aral ay nakikita sa bawat pagmamasid…
          🙂

    • Manong Manul,

      Batid ninuman….

      Ang iyong pagmamahal
      sa iyong iniirog inaasal
      Ay walang hangganan
      at walang ring katapusan
      Pagka’t sa paglisan
      ala-alay di magawang iwasan
      At mananatili pa rin
      tatak sa iyong kalooban….

      —–toma na yan, inuman na… di na ata nakakadalaw ang isang planong makatoma, si Dwight D., inaabangan ko ang kaniyang pagbabalik gaya ng aking pag-aabang sa iyo Manong Manul…pagkat bihira lang ang kagaya nating matipunong manunulat sa wordpress tambayan.

      • Manul-nulat ng Bayan says:

        napansin ko nga rin…..at umaasa naman ako na sa susunod ay may makipaglasingan na sa atin….hehehe

      • chilledhoney says:

        hmmm… mukhang ang planong maglasingan ay nabibinbin.. kung kailangan ng taga ubos ng pulutan, pwede bang sumama rin? matitipunong manunulat na inyong banggit, sa aking palagay, magagaling magbigay buhay sa mga pala-palagay… aking naisip, ano kaya pag lasheng na, ganoon pa rin ba? o kontroladong kaisipan ay mistula nang sumusuka? curious lang …

        makikigulo lang po ^_^

      • chilledhoney says:

        Sa aking palagay, mga manunulat ay napakagaling magpalitan…

        Kahanga -hanga mga bitaw ng salita…

        Kung kaya’t ako ay nag-aabang,

        Sa sandaling malasheng at umagos ang mga kathang kawing-kawing !

        hihihi

        kakamiss lang din sumali sa balitaktakan ninyo ^_^

  10. hello, cupnoodles,

    ahaha, hindi yata tayo patas, kapatid. nagkataong mas matanda ako sa iyo at marami-raming beses ko na iyang naranasan – ang maging helpless sa gitna ng di yata maiiwasang paglalayo. hikbi…^^ ahaha, peace!😉

    • hmmm,
      sa iyong panulat di banaag ang iyong edad,
      tila sa panulat, lahat ay patas at pantay-pantay,
      walang bata, walang matanda,
      basta’t ang titik ay nagtutugma,
      walang dapat ikabahala.

      tanging sa karanasa’y tunay na may pagkakaiba
      pagkat magka-iba ang panaho’y sa ating idinikta.

      Saliw, ang iyong hikbi may bitbit na ngiti
      hahaha, maaaring naaliw sa Saliw nitong katha.

      salamat sa muli mong pag-awit-awit sa aking tambayan.
      ang tanong ay maiiwan pa rin bang tandang pananong?

  11. aninipot says:

    ‘di ba mas kumportableng isuot ang kupas na maong? madalas dahil nakasanayan, pinanghihinayangan nating bitiwan takot kase tayong magsuot ng bago baka hindi saktong-sakto o kaya’y masikip o maluwag.

    • Tama ka Aninipot, parang takot tayong sumubok ng mga bago sa paligid, kaya’t kung minsa’y pilit nating pinanghahawakan ang mga lubhang mahahalaga sa ating buhay, lalo pa’t ito’y tumatak at humipo sa ating puso’t isipan, ngunit ang babala ay hindi natin kontrolado ang lahat ng bagay. Meron talagang mga bagay na hinde natin kayang pigilan at lalong hindi natin saklaw. Gaya ng isang maong, sa patuloy nitong paggamit tila ang dating matingkad nitong kulay ay unti-unting kumukupas, ng hindi natin mismo namamalayan at ginugusto.

      Sa iyo Ani, salamat sa paglalaba sa faded jeans, ang iyong puna ay nagdagdag kulay sa maong kumukupas.

      • aninipot says:

        paborito ko kase ang mga kupas na maong, yon ang gamit ko pag pumapasok ng gubat.

        pero sabi nga hindi iisang parte lang ang buhay, kailangan ding umikot, makibagay sa pagbabago. kung anu mang komportable ito kumukupas kaya kelangang bumili ng bago.

        hindi pwedeng sa kupas na maong palagi. kelangan ng risk para ma-appreciate ang mga pagbabagong darating.

  12. lambing says:

    kung ang tula mo ay isang diet pills malamang payat nako ngayon😛

    naiiyak ako… kase hindi ako kasing lakas ng may akda
    ang paghingi ng pagsusumamo na manatili ang isang tao
    kasi madalas.. kapag nagpapaalam na nagpaparaya na ako..

    naiiyak ako kase gustong gusto ko ring sabihin ang mga katagang iyan
    sana..
    pwede ba..
    hiling ko

    huwag nang lumisan pa…

    isang nakakahipong pag susumamo…
    bakit nga ba lilisan? sa anong dahilan?

  13. Naibigan ko ang lirikio ng iyong katha. Tila ito’y isang magandang awit sa’king gunita. =)

    • Adrian, matagal na din ng ikaw ay huling nakibasa sa liriko ng aking katha. Hmmm, baka sakaling magustuhan mo rin ang liriko ng iba ko pang mga katha. Ang iyong bakas ay lubos na magbibigay ligaya, maging sa aking mga mambabasa. Aabangan ko ang iyong muling pagbabalik. Salamat.

  14. Panaho’y dumadaan, tao ay lumilisan, moda ay lumilipas, naiwa’y maong kong kupas.

    • hhahaha,maraming maraming salamat sa iyong pagpapa-unlak, tila muli mong binigyang kulay ang aking Maong KUpas ‘d faded jeans. hahaha. magandang gabi. ang maong habang kumukupas ay lalong gumaganda, akin ito rin isang paniniwala.

  15. ay sus, binasa ko uli. at aking napagtantong isa itong paulit-ulit na pakiusap – kulang na lang ay humagulhol o lumupasay, kainaman…isang panaghoy. ay, anong sakit baga? kakasakit yata… ^^

    at ano ang mga pakasam na sa dumaraang mambabasa ibato ang alegasyong siya ang dumaraan sa ganoong yugto? patatawarin… ^^ ah, kapatid, we must own our pains. mahirap pero, we must own our very own pains… ang sakit mo ay iyo at ang sa aking sakit naman ay sa akin…😉 btw, nagaling na baga ang masakit diyan? ^_^

  16. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

  17. Alfreda says:

    ever since? nakilala ko xa sa tv noon, hangang hanga na ako sa knya, msya ako nang malaman kong ipapalabas sa MMK ang buhay nya.. and i admire her even more… she has been my idol ang will always be.. sana makilala ko xa sa personal…….. visit http://goo.gl/jiy1n to watch pinoy tv shows

  18. Pingback: PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? | 25pesocupnoodles

  19. batopik says:

    Hala bakit ang pamagat ay ‘Kulay ng Maong, Kumukupas’? Ang damdamin mo ba sa kanya ang kumupas nang siya ay lumisan? O ang buhay/sarili mo ang kumupas nang siya ay lumisan? O wala dyan sa mga analysis ko? Hahaha! Ang daming pakiusap no’n ah. Anong hantungan?

  20. batopik says:

    Nakakalungkot naman. Nakalink ito sa LUHA mula sa (nakalimutan ko ang pamagat basa may ulan), naramdaman ko ang pagsumamo at pagtangis ng iyong damdamin… Direkta bang patungkol ito sa isang tao? Aw. Ikaw na.

  21. Leemi says:

    kapag may lumilisan, sana dinadala na rin nila ang mga alaala para di na natin balikan pa.. pero malungkot din pala kapag kahit man lang isang ngiti wala na.

    Kuya, kilala ba kita? lagi ka sa blog ko, pero minsan lang ako makapagbasa dito, at ngayon lang din ako nakapag iwan ng bakas..

    • hmmm, napakalinaw at maaliwalas na paliwanag ang iyong bakas. minsan, ninanais talaga nating tuluyang mawala sa ala-ala ang siyang lumisan, mahirap ngunit parang kailangan. at sa katagalan tsaka lang nating muling matutunghayan na sana man lang kahit konting ngiti’y nag iwan, babalik muli sa paghahangad na,

      “SANA’Y HUWAG NA AT WALA NG LILISAN.”

      -cup.

      siya nga pala, sa tingin ko hindi tayo magkakilalang personal. nakikibisita lang siguro ako madalas sa wordpress mo…🙂 happy holidays.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s