“Minsan kasi, meron talagang…

“Minsan kasi, meron talagang mga pangyayari sa nakaraan na iba ang dating sa kasalukuyan kung ito’y babalik-balikan, pero di naman ito masamang balikan, subalit dapat maging handa ang sinuman sa kung anuman ang maaring maidulot nito manyaring ito’y naising balikan.”

isang pala-palagay ng isang kaloobang di-mapalagay…

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

33 Responses to “Minsan kasi, meron talagang…

  1. theworshipwarriorbride says:

    haaayyy..sobrang tama.

    • sa iyo isang warrior, magandang umaga. ako’y nagpapasalamat at natunton mo ang aking tambayan.

      ang iyong “haaayyy”, maikli ngunit nagpapahayag ng iyong tunay na pakiramdam, maaring magbigay ng diin sa aking pahayag..

      nawa’y mabisita mo rin ang iba sa aking mga katha, nasisiguro kong ito’y magmumulat o di kaya nama’y magpapa unlad sa iyong kamalayan.

      • theworshipwarriorbride says:

        kelan lang nag-time travel ako sa “Mga Kwentong Elementary” (heworshipwarriorbride.wordpress.com/2012/05/17/mga-kwentong-elementary/) kong blog..namimiss ko ang kasimplehan ng buhay nung elementary ako pero imposible na kasing gawin ang ilan sa mga ‘yon. Sabi nga ng isa kong kaibigan na nabanggit ko sa blog na yun “ganyan talaga maraming nagbabago at mababago pa.”

        Pagtanggap…yun ang pinakamaganda pero minsan mahirap na paraan dahil kung hindi mo tatanggapin ang pagbabago sa buhay hindi uunlad ang iyong pagkatao.

        Besides, maraming magandang bagay ang dala ng “ngayon” ‘di din natin mamamalayan dadating ang panahon na ang “ngayon” ay magiging “noon.”

        Maging masaya at mapagpasalamat sabi nga ni Solomon sa Bible “Do not say, ‘Why were the old days better than these?’ For it is not wise to ask such questions.”–Ecclesiastes 7:10

        Salamat sa post mo at gumagana ang isip ko hehehe🙂

    • isa na namang kaisipan
      ang muling nabuksan
      sa isang mambabasa
      na isip ay muling gumana

      ang iyong pagbisita
      sadyang nagdulot ng ligaya
      iyong mga tinuran
      nagbukas ng karadagang kamalayan.

      mas maraming salamat sa iyo, warrior.

  2. chilledhoney says:

    isang all caps na AMEN uli…:)

    Kung ang kasalukuyan ay nagbibigay ng lubos na kaligayahan,
    Hayaan na lamang na ang karanasang natunghayan ay maging bahagi ng makulay na nakaraan..
    Sapagkat ang kahapong hindi pinagsisisihan, maganda o pangit man…
    Masasabing nakapaglilinang ng ating damdamin at kaisipan sa kasalukuyan…

    di din ako mapalagay eh🙂

    • Humahalimuyak na pasasalamat sa iyong pagtugon paru-parong marikit. Hmmm pagtataka lamang at pati ikaw ay di mapalagay. Hehehe, nahawa ka ba? joke lang.

      Laging maging handa sa desisyong halukayin ang nakaraan, pagkat nasisiguro kong ito’y punong-puno ng sorpresa. Sorpresang maaring makapagpaligaya o di kaya nama’y makapagpalumbay-lumbay sa damdaming hindi mapalagay.

      • chilledhoney says:

        tunay ngang nakakahawa ang iyong di pagkapalagay sa mga bagay bagay na palagay ko ay may kalalagyan (hanudaw sabe ko? hahahahah)

        Hahayaan na lamang ang mga alaalang nakakapagpangiti na magpangiti…

        at ang mga alaalang kailangan nang bitawan, bitawan na lang at yan ay mabigat pang kargada sa byahe ng buhay…

      • tama magbawas ng bagahe, para madaling maka-iwas sa mga lubak, at maiwasan din ang madaliang pagkapagal ng pangangatawan at kaisipan.

      • chilledhoney says:

        agree… matinik na manunulat … ^_^

        kasi kung di magbawas ng bagahe…
        mabigat ang paglipad,
        di makatakbo ng matulin,
        pagod puso at isipan…

        (pinakikinggan ang sarili habang ito ay tinuturan hihihi)

  3. renxkyoko says:

    Ah, I wish I understood what you wrote there.. * goes to Google translate *

    Cheers !

  4. Lambing says:

    hmmm past is past ganon ba yun?
    ang alam ko lang masarap balikan sa nakaraan eh yung magagandang ala ala
    kasi iyon ang hindi mabubura
    Iyong sakit… wag na balikan.. o kung pag tatalo man yan.. o pagkakamali yun ang hindi magandang balik balikan.. nasabi ko lang naman

  5. Lambing says:

    P.S. pero masarap din minsan bumalik sa nakaraan.. naiisip ko lang yun tao nagbibigay saken ng kilig feeling… ahay landi bow! buhay nanaman ang dugo ko hihi

  6. Manul-nulat ng Bayan says:

    ang nakaraan ay laging kaugnay ni kasalukuyan at anuman ang nangyayari ngayon,tiyak na ang pinagmulan ay sa nakaraan…..

    • isa na namang kaliwanagan ang nagmula kay Manong Manul, magbabalik tayong muli sa pagkaka-ugnay ng bawat bagay at pangyayari sa mundong ibabaw…. maraming salamat Manong sa iyong pagdalaw-dalaw. batid kong ikinasasabik hindi lamang ng aking sarili kundi pati na rin ng ating mambabasa ang bawat katagang iyong binibitawan ng buong linaw sa tuwinang iyong pagdalaw.

  7. chilledhoney says:

    “taking the risk of remembering it back”…may sense hmmmm

    • chilledhoney says:

      When the memories….
      …can give us strength
      …can give us courage
      …can brighten our otherwise boring day
      …can help us remember who we are
      …can make our heart dance with pure joy…

      by all means let us look back… take the risk…put on our magnetic, sweet smile…
      …the sublime happiness it gives is worth savoring over and over again…

      When the memories…
      …remind us of pain
      …remind us of failures
      …remind us of weaknesses
      …remind us of how naive we can be
      …remind us of stupid decisions made

      by all means…let us still look back, lets hold hands, don’t be afraid…take the risk
      …the richness of our experiences will make us better people than who we are now..

      Good or bad experiences we may have in the past…I agree, the “now” that we know was highly influenced by the “past” we are trying to remember or forget…It is what SHAPED us… why ignore…why not be brave..

      Just a reminder… when we do go back, we should not leave ourselves there…living in the past will cloud our present and obscure our future… just let it be…look back, sigh, move on and be happy…

      Tama ka, maestro, ang puso ay dapat handang humarap sa anumang meron ang nakaraan…magbabaon ako ng “kahandaan” sa susunod na pamamasyal sa nakaraan… 🙂

      • salamat chilled, napakaganda ng iyong pitak. Nais kong ulitin at bigyan diin ang isa rito, “just let it be (so be it/tanggapin)…look back (tignan ang nakaraan), sigh (isang masarap na sigh of relief, pagkat iyong nalampasan), move on (patuloy sa driving ng buhay) and be happy (parating maging masaya at magpasaya ng kapwa)…”, napakaganda talaga….

        kaabang-abang talaga ang inyong mga komento.

      • chilledhoney says:

        xie xie from the bottom of my xin!

        cup: “just let it be (so be it/tanggapin)”…

        me: Tinanggap na hindi para sa akin at patuloy na tinatanggap ano man ang hatid ng kasalukuyan…

        cup: “look back (tignan ang nakaraan)”

        me: i did, this time, with courage, with a smile

        cup: “sigh (isang masarap na sigh of relief, pagkat iyong nalampasan)”

        me: isang malaking AMEN! …. tama ka… pa sigh nga rin….

        cup: “move on (patuloy sa driving ng buhay)”

        me: tingin sa kaliwa, tingin sa kanan… mag ingat sa extraneous variables….I will remember

        cup: “and be happy (parating maging masaya at magpasaya ng kapwa)”

        me: I am and I will be…happy…

        cup: “napakaganda talaga”….

        me: salamat! sa bawat ideyang ibinibigay mo, para itong gripong nagbubukas sa aking kaisipan, kataga at titik ay malayang umaagos…. nag uunahan…. nagpupumiglas…. gracias from mi corazon!

      • isang pagbibigay-diin (emphasis), salamat muli paru-parong kayrikit. ang iyong paglipad-lipad at pagbabalik sa aking tambayan ay tunay na nagbibigay ng ibang halimuyak. halimuyak na tinatangkilik maging ng ibang tagasubaybay. Gracias senyorita.

  8. CrazyFrog says:

    “taking the risk of remembering it back”…
    —-
    Hindi naman kailangan mabuhay sa nakaraan.
    Maaaring dala-dala pa rin ang ilan sa mga bagahe nito.
    Sa ngayon, patuloy na isaayos at ilagay sa tamang lugar.
    Di na kailangang muling himayhimayin ano man ang nakalipas.
    …may natutunan noon
    … Nagkaroon ng ideya kung ano ang tama sa mali/paano naging mali ang tama/tama o mali =)
    …pagtanggap ng pagbabago.
    Magiging paalala sa kasalukuyan.
    At paghahanda sa mas komplikadong hinaharap.

    =) kukuha na ako ng pala at pipilitin ko na ibaon ang dapat kong ibaon nang di ko na maalala pa!😉
    Shalom cup!

    • sa iyong biglaang pag-hop / leap (paglundag) aking ikinagulat hahaha. ito’y nagsisilbing kamulatan sa kasalukuyan. ang iyong “leap” ay sinisigurado kong tatatak sa sinumang makakabasa rito. salamat froggy frog.

      P.s. inaabangan ko lagi ang iyong makabuluhang paglundag-lundag.

  9. Pingback: TAKING THE RISK OF REMEMBERING THE PAST…. « Chilledhoney's Blog

  10. Napakaganda ng sinabi mong ito. Ang sarap isip-isipin, pagnilay-nilayan. Maraming naka-relate. Ang sarap basahin nang basahin.

    • sa iyo Point, maraming salamat sa pagbisita lalo’t pat sa iyong papuri. nagbigay ngiti sa aking mga labi, isang papuri na nanghihikayat na muling magpahayag ng mga kaisipan ukol sa ating buhay-buhay. nawa’y mabisita mo ang aking ibang mga pahayag at mga katha, baka ito’y magbukas o di kaya magpalawak pa sa iyong maunlad na kamalayan. asahan mo ang aking pagbabalik sa iyong tambayan. salamat muli.

  11. Ah, gano’n? May gano’n? Ahaha, hello, cupnoodles!🙂

    Gusto ko ‘yong sabi sa huli – pala-palagay ng taong di-mapalagay.😉

    Btw, may naisulat akong medyo ganyan din ang theme. Ang pamagat ay Huwag Mong isiping Ganoon Uli, isang creepy na post, hihi. Regards…🙂

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s