DrAybeR ng BuHaY (CruiSin ThrOugh LiFe)

“ihanda ang talas ng paningin, pandinig, pandama at tayo’y aarangkada”

isang pagmamaneho…….

tingin sa kanan, tingin sa kaliwa,
sa pagmamaneho’y huwag maging pabaya.

preno kung may lubak
arangkada naman kung straight ahead
full stop kung red light
at iwasan ang beating the red light

hazard kung papahinga
busina kung liliban
signal light pag liliko
slow down naman sa eskwelahan

change tire kung ma-flat tire
pana-panahon na tune up
‘wag din kalimutan pa change-oil

isang pagmamaneho…….

tingin sa kanan, tingin sa kaliwa,
sa pagmamaneho’y huwag maging pabaya.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, poem, tula and tagged , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

18 Responses to DrAybeR ng BuHaY (CruiSin ThrOugh LiFe)

  1. chilledhoney says:

    beep beep…. pasakay magiting na mama…
    Ikaw ba ay patungo sa harding nakakahanga?
    tanong lang, pedi ba akong sumama?
    pamasahe ko ay titipirin, para bumili ng libreta…
    doon ko isusulat, mga akda mong sadyang mahalaga….🙂

    • chilledhoney says:

      pahabol….Tingin sa kanan, tingin sa kaliwa…buhay ay tulad ng pagmamaneho… kailangang laging handa…(magbaon na rin ng damit, saan man masiraan, poised pa rin) hahhahahahaha

      • chilledhoney says:

        “minsan sa lahat ng suliranin… wala kang magawa, driving makes me feel ako ang may control sa bawat liko, sa bawat kurbada”🙂

      • Tama, sa pagmamaneho kontrolado ang bawat liko at bawat kurbada, sa madaling salita, kontrolado ang steering wheel, ang signal light at ang busina. Ngunit may isang paalala, may mga bagay na hindi kayang kontrolin sa tuwing magmamaneho, ito ang mga external forces tulad ng mga bata sa kalye, mga astray animals, mga driver na pasaway. Kagaya sa ating buhay-buhay may mga bagay na hindi natin kayang kontrolin ngunit ito’y maiiwasan sa pamamagitan ng ating ibayong pag-iingat. Kaya’t parati – magbaon ng pag-iingat sa pagmamaneho at sa biyahe ng ating buhay. Salamat sa iyong pag-beep-beep sa aking pagmamaneho..

    • salamat Bb sa napakagandang tugmang iyong binitawan…

      “beep beep…. pasakay magiting na mama……
      ….
      ….
      ….doon ko isusulat, mga akda mong sadyang mahalaga….”

      salamat. tandaan ang busina sa extraneous variables.

      • chilledhoney says:

        at sa aking pag mamaneho aking tatandaan…. lahat ng iyong paalaala na nakatatak sa aking isipan….huwag mag alala, kapapa check ko lang ng sasakyan, nasa kundisyon, kahit mabilisan….sapagkat buhay ko ang kanyang lulan …..🙂

  2. chilledhoney says:

    nauunawaan ko….salamat sa paalala…tatandaan ko yan…lagi lagi…nagutom tuloy ako sa iyong sermon (hahahaha)….pahingi ng sabaw… samahan mo na rin ng toasted bread (yummy!) ….

  3. Isang napakagandang tulain, para sa mga nagmamaneho ng matulin..;-)

  4. chilledhoney says:

    myr at cup….

    minsan sa sarili’y lubos na nag-iingat… ngunit may mga driver na lubhang balasubas…
    counterflow dito, cut doon…unahan…karerahan…gitgitan…
    nagbababa ng pasahero sa gitna ng daan..nagmumurahan…
    di alintana ang mga naaabala…natatamaan…nasasabitan…nasasagasaan….

    tsk tsk tsk

    DISIPLINA ba ika nyo?

    sa aking pagmamaneho…nakakalungkot isiping maraming wala nito…
    sa thrill na ibinibigay ng manibela at silinyador… palagay ko…
    hari ng daan ang kanilang pakiramdam…
    nakakatakot…nagiging “hari ng sablay” kadalasan…

    Ingat ingat sa lahat…extraneous variables ay isa alang alang din…

    • chilled, maraming salamat sa iyong mga karagdagang paalala at mga kaalaman. ang iyong pagbusi-busina ay lubhang mahalaga. beep, beep, beep….

      • chilledhoney says:

        cup, pahabol… sa byahe ng buhay, ipinagpapasalamat ko na ako ang nasa front seat at nag eenjoy ng libreng pamasahe…may saya sa pagpapahalagang tinatamasa…ang drayber at ang pasahero ay kailangan magtulungan upang sakuna sa buhay ay maiwasan…boker tov!…🙂

      • chilledhoney says:

        Front seat ang aking paboritong upuan sa loob ng sasakyan…

        Bakit?
        …katabi ang driver, dama ang init ng kasama
        …laging kausap nya, dama na bitaw ng salita, lagi nya ring inaabangan
        …kita ang patutunguhan, dama ang ligtas na paglalakbay sa buhay
        …maaring gumalaw ng controls, dama na pwedeng makibahagi sa mga kaisipan
        …feeling prinsesa lang, dama na ako ang pinakamahalaga habang lulan…

        Ang front seat ay isang lugar na akin ngayong inuupuan at nais na manatiling akin lamang, kahapon at ngayon, at sa kinabukasan kung ito ay magiging “ngayon”…

        Nasa Driver ang pag-iingat ng pasahero…
        Ang pasahero ay buo ang tiwala sa driver…

        Ganun dapat upang sakuna ay maiwasan…

  5. Reblogged this on 25pesocupnoodles and commented:

    Sa aking muling paghawak ng manibela, nais ko muling ihandog ang kathang ito, kasihan nawa tayo ng ating Poong-Maykapal, na gawing ligtas hindi lamang ang pagmamaneho ng ating sasakyan patungo sa kung saan mang dako, kundi maging narin, ang pagtahak natin sa ating pang-araw-araw na buhay.

    Gabay at lakas ng loob ang tanging hiling.

  6. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s