— Umaasa pa rin naman ako…

Umaasa pa rin naman ako. May nagsabi sa akin, “bawat tao may katapat… ‘di mo nga lang alam kung kailan at saan mo ito makikita”.

huwag mawalan ng pag-asa paru-parong marikit.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

14 Responses to — Umaasa pa rin naman ako…

  1. kamillemora says:

    nakakapagod maghintay.. hmm..

  2. chilledhoney says:

    Kung iisipin, minsan nakakapagod ngang maghintay…ngunit, datapwat subalit……ang mundo ay umiikot…pag-asa na nga lang ang ating pinanghahawakan, bakit nga naman hahayaang ito ay mawala pa?

    Minsan ko sinabi sa sariling, tama na, sobra na, ayoko na…. pero ang pag-ibig, parang magnet, pilit dumidikit…kahit anong iwas, hakit anong layo…..hangga’t may puso kang tumitibok, ito’y hindi mapigil, hindi naaawat…

  3. arviethegreatindie says:

    Pagninilay. Wala namang masama na umasa tayo sa isang bagay. Pero dapat alam natin ang hangganan at limitasyon natin. Kung alam naman natin na wala na talagang pag-asa? bat pa tayo aasa sa wala? – Totoo yung bawat tao may katapat. Di lang natin alam, nakita na pala natin ito, di lang tayo naging mapagmatyag at bigla natin silang nabitawan sa sitwasyong inaakala natin na hawak natin sila…

    • Kapatid ito’y para sa mga kaibigan nating nawalan ng kahit katiting man na pag-asa sa kanilang buhay bunsod ng mga suliranin na inakala nilang walang solusyon at wala ng anumang kasagutan,

      “Kung ang bagay na walang buhay ay may pag-asang magbago, gaya ng mga ilog, bulkan, bundok, dagat, at mga bagay-bagay sa kapaligiran, paano pa kaya tayong mga TAO – may sariling buhay, pag-iisip, paniniwala at mga desisyon lalo pat ang iyong tinuran, ang PAGNINILAY.”

      maraming salamat sa iyong pagbisita sa aking tambayan, ang ilan sa iyong mga aral ay maaaring magbukas ng bagong kamalayan sa ating mga mambabasa, inaasahan ko ang iyong muling pagbabalik at paghahain ng mga makahulugang prinsipyong iyong pinaniniwalaan. mabuhay ka….

      • chilledhoney says:

        Isang paghanga kaibigang arvie…
        Sa iyong binitawan, may lubos na sinasang-ayunan:
        “Totoo yung bawat tao may katapat. Di lang natin alam, nakita na pala natin ito, di lang tayo naging mapagmatyag at bigla natin silang nabitawan sa sitwasyong inaakala natin na hawak natin sila…”
        Madalas yang nangyayari sapagkat ang ating paningin ay laging nasa kawalan at hindi sa ating harapan…Laging nasa malayo at hindi ang nakikita sa malapitan…ang pinakikinggan ay ang munting tinig sa dako pa roon, hindi ang tinig na madalas bumubulong sa iyo…
        Ngunit, datapwat subalit…tila ang pag-asang iyong tinutukoy ay ang pag-asang bumalik ang irog na pinakawalan, o bagay, o pagkakataong binitawan…
        …kung inayawan ka na…wag nang umasa… kung tinalikuran ka na, wag nang lumingon pa…kung may nawala…hayaan nang maglaho… sapagkat ano man ang hindi para sa iyo, hindi kailanman naging para sa iyo….
        Sa ganang akin…
        Sang-ayon ako sa tagapaluto ng sabaw… kung ang mga bagay na di gumagalaw ay maaring magbago, tayo pa kayang mga tao? Ang mukha ng mundo nung tayo ay isinilang ay kakaiba sa mukha ng mundong ngayon ay ating namamasdan…mas makulay…mas may buhay…buksan ang isipan kaibigan…
        Pagninilay…
        Ang bawat paggising sa umaga ay isang pasasalamat na ang mga mali ay maituwid, ang mga kakulangan ay mapunan, ang mga nawala ay mapalitan…. Tulad ng haring araw na laging nakangiti… ang araw-araw na buhay, kung iisipin ay may pag-asang hatid…
        Kaya sa pag-ibig, mabigo man ng paulit ulit, isipin na lamang na ibinigay ito ng Maykapal na lubhang napakaganda, tayo lamang, sa ating kahinaan, ang sumisira sa kanyang tunay na kahulugan…ANG SARAP NG SABAW!

    • arviethegreatindie says:

      Lubos kong sinasang-ayunan ang tugon ninyo 25pesocupnoodles at chilledhoney. Ngunit di lamang nakatuon ang aking sinabi sa dalawang nagmamahalan. Bagkus, may kaligiran at salik pa itong nais bigyan pansin. Palagiang nakakahon ang ating konsepto tungkol sa pag-asa. At patuloy ang tao sa kanyang paglikha ng kanyang ikasasaya at ikakalungkot. Anu-ano pa man ang mga salik na ito, dapat nating alamin na sa bawat daan na siyang ating tinatahak. Dahan dahan. At lagi tayong mag-asam na ito’y may hangganan. Maraming salamat mga kaibigan!🙂

  4. chilledhoney says:

    Reblogged this on Chilledhoney's Blog and commented:
    Umaasa pa rin na may katapat na nakalaan…Umaasang may pag-asa…

  5. musad says:

    ‘di ko na makita ang aking katapat. -.-

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s