“bago maipahayag ang iyo…

“bago maipahayag ang iyong paghanga-hanga,
ng iyong damdaming di magawang ipakita.

kung di BUO ang iyong, LAKAS-LOOB at PAGTITIYAGA
malamang damdamin mo’y maiwang nakatunganga.

kaya’t habang di pa huli ang lahat
sadyang dapat gawin ang tama.” (bow)

palagay sa isang kaibigang si dwightdeleon, at sa iba pa dyan sa tabi-tabi. dyan lang sa tabi tabi. hihihi (nakaka)

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

18 Responses to “bago maipahayag ang iyo…

  1. DwightD. says:

    Kaso’y nalipasan na ng oras ang tulang iyon
    At oo nga naman, 2012 na ngayon
    Sa mga kuro-kuro, matagal na akong nakapag-move on
    Kaya nang aking inilathala ay nasa kategoryang piksyon

    Hindi yata nilakasan ang loob, at hindi rin nagtiyaga
    Kaya hindi naiba ang takbo ng tadhana
    Inalis na sa isipan, ayaw ko nang balikan
    Kaya’t nagpapakamakata na lamang sa panitikan. (bow)

    Hahahahaha! Grabe akong maka-comment.😀

    • kung nalipasan man ng panahon,
      pangyayari’y gawin na lamang panuntunan,
      upang sa muling pagtatagpo ng gantong sitwasyon,
      alam na – alam na, ang dapat mong i-aksyon.

      astig ka dwight d. humahanga ako sa iyo…

  2. Manul-nulat ng Bayan says:

    alipato ng panitik ngayo’y tumitilamsik,
    at nabubuhay sabay ng matang nanlilisik
    anu baga’t ang mundong sadyang kaysikip
    ay tinatahanan lang ng iilang may-isip.

    ang paghanga ay nagmumula sa pusong dakila
    na may tinitibok at may nais mahinuha
    bagaman ang paghangang sa salita lang at sa salita
    ay isang uring hindi dapat ikatuwa.

    mapalad ang taong sa tuwina’y pinupuri
    pagkat saya sa kanila ang sa tuwina’y naghahari.
    mapalad ang sinumang may talinhaga sa isip
    pagkat kanila ang kaharian ng langit!

    hehehe…nahawa ako…..

    • mukhang mapapahaba ang inuman
      kay manong manul-nulat ng bayan

      dala nito’y talinghagang pulutan
      at papuring lulan sa tapayan

      nais kong malasing
      gaya ng sundalong lasing

      kasama ang mga bagong ka tropa
      si dwight na astig
      pati si sundalong palasing-lasing.
      (bow)

      — manong MaNuL ang lupit mo talaga, sana magkatagayan tayo ni dwight. hahaha.

  3. chilledhoney says:

    nakakatuwa namang basahin ang inyong mga punang patula,
    ako ay napapanganga, akoy lubos na namamangha,

    sa galing ng panulat, kayo ay hebigat
    sa dulas ng panitik, kayo ay kahanga hanga

    kung ako ang tatanungin, sa inyong balak maglasing
    ako ay sasama, mag aabang ng mas maraming pananalita

    teka teka teka, nais ko rin palang magbigay puna
    sa pinag uusapang tila katha ng makata….

    aking napansin, ito ay may nakaka-boom na patama…
    ako lamang ay nagtatanong… lasing ka ba, may akda?

    Peace sa inyong lahat… nakikigulo lang po🙂

    • gusto ko lang sabihing
      akoy hinde pa lasing

      dahil sa iyong pagdating
      na tila isang chilli-hangin

      matay biglang nagningning
      lumiwanag yaring paningin

      at sobra pang napangiti
      labas ngipin sa mga labi.

      P.S – RN
      huwag kalimutan magdala ng first aid kit,
      uso daw kasi ang balinguyngoy eh.

      • chilledhoney says:

        Sa aking pagbabasa ng iyong mga panulat…
        Pagdurugo ng ilong at sakit ng ulo ang aking inabot…

        Minsan, sa sobrang lalim, hindi kayang arukin
        Nitong payak na takbo ng isip at damdamin…

        Sa susunod na kabanata ng iyong mga katha,
        Biogesic at Hemostan na ang aking ihahanda….

        Mukhang ang first aid kit ay di gagamitin sa iba…
        Ang mabilisang pagsaklolo ay mukhang sa akin tumatama..:)

        Akin lamang pahiwatig sa makatang may-akda
        Hinay-hinay sa iyong matatamis na kataga…

        Ang dulo ng balong malalim ay tila lalong hindi nakikita
        Lalong nagdidilim sa mahihiwagang salita….

        BOOM! hahahaha…. nakakahawa naman ang mga makata sa tambayang ito🙂

  4. Lambing says:

    tunay na nakalalasing ang iyong tula may akda
    Kay palad nang binibining iyong tinutukoy

    Tyak dulot nito sa puso nya ay galak
    Tila isang tipaklong na walang tigil sa pagkandirit

    Sa bawat letrang iyong tinuran
    Sing lakas at bilis ng bala kung tumagos..

    Kaya’t habang maaga pa, payo ko sa iyo
    Kung may lihim na pagsinta aba itoy aminin mo na

    Huwag nang magpatumpik tumpik pa
    Baka ikaw ay magsisi pa sa huli

    Ngunit kung sadyang hindi pa handa
    Hahayaan muna kita makapaghanda.

    Hindi na muna kita kukulitin
    Pananahimik muna dito sa aking kinalalagyan

    Ngunit kung ikaw ay nakapag isip na
    Isang sutsot lang sa cute na daga
    Laging handa makinig sa kwento ng may akda.

    ano ba yan… nakakahawa .. sensya na try lang …. 😉

    • cute na daga pala ah…

      hmmm,
      sadyang magulo ang daga
      kapag wala ang pusa…
      nariyan pagala-gala
      at lagi na lang handa…

      sa pagnanais mag-anyong daga
      sana’y lambing ay wag mawala
      pagka’t nakilala sa palambing-lambing
      hindi sa pahaging sa baging.

      — salamat sa bakas ng daga, naniniwala akong inaabangan ng lahat ang pagbabalik ng isang malambing na daga tuwing wala ang bantay na pusa. hihihi.

  5. naku tamaan na ang mga torpe! hahaha!

    ako di man diretso marunong naman siguro akong pahaging. sa sobrang pahaging never tumama.

    • sa iyong pahaging-haging
      baka tamaa’y puno ng saging
      pagsipat dapat siguraduhin
      at muling asi-asintahin
      upang maiwasan yaring
      iyong pagduling-duling

      salamat bunsong Hoshi at ikay bumisita (mahirap naman kung bunsong Hito, parang isda lang, hihi, at least ang Hoshi bagay sa hoshilandia)

  6. anong pagpapahayag ang ika nyo’y tama
    sa taong tuliro sa kanyang paghanga
    mga sulyap na palihim o ngiting bahagya?
    baka buntung-hiningang di-sinasadya?😉

    hello, cupnoodles! ahaha, ba’t may ganire? anlagay…🙂

    • sa iyo Bb ganire
      sana ako’y di mapa ire’y
      sa iyong tugma (ey)
      lubhang tunog makata (ey) – hahahaha,

      bago ang paglabas ng iba pa diney, tanggapin aking pasasalamat sa iyong mga “ganirey”, magpasa hanggang ngayon, ako’y nag-iisip pa diney, san nga ba ang probinsya ni Bb Ganirey?

      hahahahaha…..ay siya- babalik ka diney! at muling magbibigay ng clue kung ikaw ba’y dito or diney.

  7. Leanne Franz says:

    Nakaka-aliw naman ang inyong mga palitan ng salita.
    Gusto ko rin subukan ng ako’y matuwa.

    Eto na nga’t mukhang nagbubunga naman
    mga munting salita galing sa aking isipan

    Mabuti’t aking di na pinalagpas ang huli
    at ginawa na ang tama para sa akin

    Tignan mo ang munting mangkukulam na tulad ko
    masaya naman’t hindi palaho-laho.

    Bow. haha
    Pagbigyan na ang pakikisali ng munting mangkukulam na tulad ko.🙂

    • para sa munting mangkukulam

      kung pag-ibig mo nga’y
      iyong natagpuan na
      dapat itong pagyamanin at palawigin pa

      pagka’t anu mang uri
      nitong yaring gayuma
      tangan ng munting mangkukulam
      ay pihadong di-uubra

      tadtarin man ng kArayom
      yaring iyong voodo-voodow
      ito’y walang epektow
      kung di galing kay Kupidow…. (BoW)

      salamat munting mangkukulam sa iyong pagdalaw kasama ng iyong walis at voodoo doll, aabangan ko ang muli mong pagbisita dala ang iyong pinakamatindng pang-gayuma.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s