“Silang mga LoBo (trained balloons)…

“Silang mga LoBo (trained balloons) – tila nga sila’y ihahatid sa kalawakan at patungo sa katapusan. Ngunit ang katotohanan – ito’y muling babagsak at lalamunin ng karagatan, magdudulot ng masamang epekto sa yamang dagat – parang prinsipyong katapangan, integridad, at katapatan na pilit nilalamon ng kasakiman matapos makawala sa isang paraisong kulungan.”

linyang hiram mula sa isang Guro. ihahatid sa kalawakan patungo sa  katapusan.”

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

25 Responses to “Silang mga LoBo (trained balloons)…

  1. “bawat titik ay may kahulugan, ngunit dapat suriin upang lubos na maunawaan” – bato bato sa langit, ang tamaan ay sadya ko talagang binato sa ulo.

  2. akin ang karangalan kaibigan. muli, salamat.

  3. “Mapalad ang nakaka-abot sa rurok ng talinghaga, maituturing na pantas, malawak ang imahinasyon.”

  4. Manul-nulat ng Bayan says:

    Ang talinhaga bagaman hindi sukat kayang arukin ng mga simpleng nilalang, ay patuloy na nabubuhay pagkat may halaga kahit sa mga mahirap paunawain ay kayhirap umunawa…….

    • chilledhoney says:

      Ako ay makikigulo na rin dahil iton katha aking paborito rin…

      Ilang araw binasa bago nakuha ang mensahe…

      Kailangan pa ng biogesic, bago makapagkomento ng maayos

      Nguit kalaunan ay natuwa, sa wakas naunawaan,

      Sa matyagang paggabay ng may akda!

      (nagtanong na kasi ako, sakit na ulo ko eh ^_^)

      hihihi

  5. chilledhoney says:

    ang mga prinsipyo ay mananatiling salita lamang kung ito ay hindi isinasabuhay… ang iyong trained balloons ay may dalawang kategorya…nagsasabuhay at pumapatay ng pag asang sila dapat ang nagdadala…

    • marahil mahina ang kanilang pundasyon para panghawakan ang mga prinisipyong natutunan, kung sa bagay mas matibay ang prinsipyong kinalakihan mula sa pagkabata kaysa sa prinsipyong muli pa lang natutunan.

      • chilledhoney says:

        Actually sa aking sariling pagmamasid…

        HIndi sila ganyan sa kanilang kasibulan…

        Sila, upang maka survive ay nagpatianod lamang sa nakalihis na gawi, sa kaustuhang manatili sa kumpetisyon ng buhay bilang Lobo…

        Ang kanilang normal na pagmature ay naantala, napalitan ng de numerong kilos sa loob ng pook pangkasanayan…

        Ang isang binata na pumapasok bilang trained balloon ay nasa murang gulang at kamalayan…

        Sa loob ng anim na buwang pagsasanay, ang kanilang puso at isipan ay nag-iiba ng tulyan…

        Ang isip ay nagiging … baril ko ang aking asawa…

        Ang puso ay nagiging… nag-aalab para ipagtanggol ang bayan…

        Ngunit datapwat subalit….

        Sa kanilang paglalakbay bilang bagong sibol…

        Namumulat sa mga katotohanang maraming pagkukunwari at ikinukubli…

        Kasanayan at prinsipyo ay tila natutunaw…

        Katiwalian ay pikit matang nililiparan, dinadaanan…

        Ito ba ay kasama sa turo ng magulang?

        Palagay ko’y hindi… ito ay sariling kapasyahan lamang…

        May lumulipad ng matayog, may bumabagsak ng ka-booggg!!!

        Napaisip lang po habang nag-aantay ng sasabunutan….(pampam girls din) Sigh….

      • “Namumulat sa mga katotohanang maraming pagkukunwari at ikinukubli…
        Kasanayan at prinsipyo ay tila natutunaw…
        Katiwalian ay pikit matang nililiparan, dinadaanan…”

        ang lahat ng iyong mga kataga ay tunay at kapani-paniwala, ngunit may mga kataga na lubusang tila may kabog sa aking paniniwala,

        “Ito ba ay kasama sa turo ng magulang?
        Palagay ko’y hindi… ito ay sariling kapasyahan lamang…”

        Pagkat kung ako ang tatanungin, mga prinsipyong aking bitbit ay nagmula mismo sa aking tahanan na pamana ng aking magulang, ito ay nahubog at lalong lumawak paglabas sa aming tahanan, pagpasok sa mga paaralan at sa pakikisalamuha sa kanino man. Naniniwala pa rin akong ang prinsipyong kinagisnan mula pagkabata ay di basta-basta matitibag ng kahit anong delubyo, kesa sa prinisipyong napulot lamang sa tabi-tabi ng basta-basta na lamang.

      • chilledhoney says:

        Me :
        “Ito ba ay kasama sa turo ng magulang?
        Palagay ko’y hindi… ito ay sariling kapasyahan lamang…”

        Cup:
        Pagkat kung ako ang tatanungin, mga prinsipyong aking bitbit ay nagmula mismo sa aking tahanan na pamana ng aking magulang, ito ay nahubog at lalong lumawak paglabas sa aming tahanan, pagpasok sa mga paaralan at sa pakikisalamuha sa kanino man.

        Me:
        Tama ang iyong pang-unawa sa aking tinuran, maestro…
        Nais ipahiwatig na ang kanilang pagkapariwara ay sariling kagustuhan
        At hindi dapat isisi sa magulang o iturong nagmula sa tahanan…

        Mula sa tamang paggabay ng kanilang mga magulang,
        Sa paglabas ng tahanan, kanila itong taglay at baon,
        Ngunit sa pagkakalatag ng mga pangyayari at pagkakataon,
        Pagpapasyang lumihis, sarili lamang ang makakapagbigay kapasyahan…

        • wari ko lamang ay, nangangahulugan lamang na hindi matatag ang prinsipyong kinagisnan, pagkat nagpapatianod sa galaw ng kapaligiran, sa kabila ng baluktot na dikta sa kasalukuyan. (ito’y aking pakiwari lamang) hindi bat kung ako at ikaw mismo marikit ay naging saksi rito, bakit sa atin ito’y nakayanan, ngunit bakit sila ay tila nalipasan, nagpapahiwatig ito na tayo ay may matatag na prinsipyong pinanghahawakan, na kabaliktaran naman ang sa kanila.

      • chilledhoney says:

        Dahil tayo ay may mga magulang na mas binigyang halaga ang mahubog tayo sa tama kesa palawakin ang ari-arian…

        Mas binigyang halaga ang pagmamahal at paggabay kesa ang sila ay maglakbay…

        Sapagkat mapalad tayong may mga magulang na ang iniisip ay maging handa tayo sa anumang pagsubok ng buhay…

        At matinik na manunulat, tulad ng iyong tinuran kamakailan, sa atin, sila ay NAGTAGUMPAY…

        ^_^

        Nakakalungkot na ang iba ay napariwara at nawala sa tamang landas dahil sa mahinang pundasyon…
        😦

  6. Pingback: PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? | 25pesocupnoodles

  7. batopik says:

    Ang hangarin ng iyong puso ang magdidikta sa iyong kahahantungan.
    ~ Ngunit ang hindi natin alam, may pumulot ng pumutok na lobo sa karagatan at ito’y nirecycle.. Parang tayo rin sa Panginoon, may mga maling desisyon tayo ngunit handa tayong pulutin ng Diyos mula sa ating pagkakalugmok. Pagkatapos ay aayusin Niya tayo, imomolde, at tuturuan ng leksyon..

  8. doroastig says:

    Your blog has a special place in here

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s