“Nakakagiliw maghalungka…

“Nakakagiliw maghalungkat ng aklat, maihahambing sa isang paglalayag sa malawak at malalim na karagatan, o di-kaya naman ang malayang paglipad sa bughaw na kalangitan at paglalakbay sa luntiang kabundukan, kaalinsabay ng iyong pagtuklas sa bagong kamalayan.”

isang pala-palagay sa isang kaibigang pangala’y tunog ipot, siya si aninipot.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in idolo, quotable quotes and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

29 Responses to “Nakakagiliw maghalungka…

  1. aninipot says:

    maraming salamat po sa pagturing bilang bagong kaibigan sa mundo ng blogosperyo.

    isang magandang paglalakbay sa buhay kung may karamay kang libro na magdadala satin sa ibang mundo.

  2. skippingbubbles says:

    Wow! Ang lalim ng bawat kataga. Nakakamangha..🙂

  3. CrazyFrog says:

    Ang mga aklat na puno ng larawan ( larawan lang pala ang tinitingnan heheh) nakakawiling tingnan. Sa iyong pagtingin para ka na ring pumunta sa lugar na nais marating..
    Doon nagsimula ang lahat kung paano naengganyo at naging bookworm ang kabataan…🙂

  4. sitakafka says:

    Sabi nga ng kaibigan ko ang libro daw ay pasaporte papunta sa iba’t ibang lugar.😀

  5. Pagpupugay sa may akda sa iyong paggamit ng ating katutubong wika!
    Tunay na isang nakawiwiling karanasan ang pagbabasa. Katulad ng nabanggit mo sa itaas, ang pagbabasa ay instrumento sa pagtuklas ng panibagong kaalaman. Ngunit higit pa riyan, isa rin itong kasangkapan sa pagkamit ng kalayaan – isang tiket upang tumakas sa kamalayan at manatili sa isang panibagong mundo.

    • maraming salamat sa iyo kaibigan, ang ‘sang guro sa matematika ay hinde lamang magaling at mahusay sa numero, datapwat maging sa komento, humahanga ako sa mga kababayaang nagmamamahal sa sariling wika. lubos din ang paghanga ko sa mga katulad mong guro.

  6. Salamat! Nawa’y dumami pa ang mga tulad mo na may pagmamalaking naipahahatid ang kanyang mga ideya gamit ang wikang Filipino. Tagumpay naming mga guro ang makahanap ng mga katulad mong may pagpapahalaga sa bayan sa pamamagitan ng pagmamahal ng sarili n’yang salita. Ipagpatuloy mo ang maganda mong layunin, kaibigan!

  7. rhomsky says:

    Ano ang nakita ko sa post mo? Tulad ko kasi ay walang alinlangan ang paggamit mo sa ating katutubong wika at nakakatuwang halukayin ang mga talinghagang nakabaon sa bawat kataga

  8. rhomsky says:

    nakakatuwang maghalungkat ng mga talinghagang nagkukubli sa likod ng bawat kataga. Masaya ako at may mga kasabayan ako sa bisyo kong ito, hehe

    • nais kong ibahagi sa iyo ang isang luto sa aking blog,

      “Mapalad ang nakaka-abot sa rurok ng talinghaga, maituturing na pantas, malawak ang imahinasyon.”

      alam kong lahat tayo ay busy sa ating mga kanya-kanyang pamumuhay para buklatin ang lahat ng katha ng isang blogger, kaya’t ipinaskil ko ito para at least matunghayan mo ng madalian.

  9. ang husay ng imagery na ginamit mo rito, kapatid. ikaw na ang matalinhaga at makulay manalita, kainaman… hello! ^_^

  10. Nortehanon says:

    awww…..at na-quote mo pala ang kaibigan kong si Ms. Ani🙂

  11. Manul-nulat ng Bayan says:

    bagaman ang panghahalungkat ay di maituturing na pagtatagumpay sa iyong sinasabing paglalayag, ang matitiyak mo lang ay may aral kang matututunan sa bawat pahinang iyong mabubuksan kung at kung babasahin ng taimtim na nagmumula sa kaibuturan ng puso’t isipan ang mga gintong dahong pahina ng kahiwagaan……

    • tama ka kaibigan, wag mag-alala pagkat ang iyong tinuran ay di naalis sa sistema ng may-akda. bagkus ay higit pa sa taimtim ng pagbabasa ang gawi ng may-akda, pagsasabuhay sa mga natuklasang ginintuang aral at gawi ang napakahalaga.

  12. hello. cupnoodles. taga-Southern Tagalog, kapatid. doon uso ang dine, rine at parine, ahaha.😉

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s