“nanaisin kong isuka ang mga bagay na kusang inihahain ng mga gahamang nagkukubli sa kinang ng kalikasan, datapwat pagpapahalaga ang dapat sa mga biyaya buhat ng pansariling pagsisikap”
-pagpapatuloy….
HULING BAHAGI
Kabilang ako sa mga bagong sibol sa lugar na ito na paunti-unti nilang hinuhubog tungo sa landas na kanilang tinatahak. Tinuturing nila akong tagapagmana at magiging tagapangalaga ng masukal na kagubatan, nariyan ang mga papuri’t parangal pilit sumisilaw sa aking paninindigan at prinsipyo.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, bagaman natututuhan ko ng magpatianod sa daloy na kanilang ginagalawan, nananalaytay pa rin sa aking puso’t isipan ang prinisipyong kinagisnan. Sadya kong binalewala ang mga bagay bagay na nakahain sa lapag ng magarbong kainan nasa aking harapan. Maingat na pagsusuot ng maskarang bakal para mailihis ang atensiyon ng bawat isa, at para na rin magsilbing tanggulan sa hamon ng mga gahamang nakatira sa masukal na kagubatan.
Bagaman itinuturing nila akong tagapagmana ng masukal na kagubatan, ako sa puso’t isipan ko, isa ako sa mga nagnanais na kumawala at magbago, laban sa mga nilalang na matagal ng namuhay at nakinabang sa kinang ng kalikasan. Mas ninanais ko pang paghirapan ang mga bagay bagay na aking pagmamay-ari, kesa kusang ihahain at ipagduduldulan sa aking harapan. Mas pinili ko pang lumihis ng landas. Ang umiwas sa landas na tinatahak ng mga gahamang nagkukubli sa kinang ng kalikasan.
“Pasalamat sa lahat ng pangyayari, sa Poong Mayakapal, sa pagkakaloob ng matinding hamon sa aking buhay, hamon na humubog sa aking pagkatao. Nagdulot ng tatag ng puso’t isipan, nagpatibay sa paninidigan at sumubok sa aking katatagan. Nagpalawak sa aking karanasan at kaalaman, emosyonal at intelektuwal. Maraming salamat Panginoon ko.”
– – WAKAS – –
muling balikan ang mga nakaraan:
sa mga makakabasa, hinihikayat ko ang inyong puna, ito’y magdudulot ng pagbubukas para sa isang makabuluhan pananaw sa buhay-buhay at makabagong kamalayan. salamat.
Pingback: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKATLONG BAHAGI | 25pesocupnoodles
alam mo naiisip ko dito sa post mo yung libro ni bob ong na alamat ng gubat, dahil sa pagkakasulat. ang ganda ng start, epic. 🙂
hmmm, aware ako doon, pero di ko pa iyon nababasa. iyon ba ay halaw sa tunay na buhay?
Pingback: “Pasalamat sa lahat ng pangyayari… | 25pesocupnoodles
Ang gusto mo bang sabihin ay… Mas gusto mong pinaghihirapan ang mga bagay kesa isubo na lang sayo? Uhm. Ang lalim, pero nasa kalagitnaan na ako upang maabot ang kalaliman (feeling ko lang hakhak)
Ang shunga shunga pala ng pagkakaintindi ko. Hakhak.
o malinaw naman ba ang lahat lahat sa iyo?