ang tula para LDR

Paumanhin ang tula para sa Long Distance Relationship ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa.

 

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, poem, talataan, tula and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

122 Responses to ang tula para LDR

  1. fancyface0891 says:

    Mahirap paniwalaan yata ang wagas at tapat na pag-ibig pag gnyang di pa nkikita..
    Baka nadala lang sa ganda ng pirma sa bawat sulat o di kaya’y nahibang sa MALANSING TINIG pag kaChat hehehhe

  2. marrymhey says:

    may na-aalala ako dito.. ahihih

  3. Lambing says:

    ahem…

    dapat wag mo kinikwestyon kapag nagpahayag ang isang tao sa iyo.. kapag sinabi nya sayong mahal ka nya baka nga mahal ka nya sa paraang alam nya at hindi sa batayan mo ng pagmamahal.

    Maraming ganyan… hindi naman kasi nababase ang pagmamahal sa pagsasama o hinde.. ang mahalaga naramdaman nya iyon..🙂

    nakikidaan po sa .. pahigop ng cup noodles yung mainit pls😉 at maglalambing na rin🙂

    • maraming salamat sa iyong payo… marahil nabigla lang ako sa mga pangyayari sapagkat iba ang aking personal na pananaw at naka ugalian.. mabuhay at magpatuloy ka sa iyong paglalambing, minsan na akong tinamaan ng iyong paglalambing..

    • cya nga pala ito ay hango sa tunay na pangyayari, ngunit na isatitik matapos kong basahin ang iyong panulat na patungkol sa “katanungan”. sadyang nkaka-bighani ang sumilip sa iba’t ibang panulat..

  4. thewildspark says:

    Thanks for liking my post and following my blog…🙂
    Reading this post made me smile…

  5. sitakafka says:

    Feeling ko, nakaka-relate ako dito. Lalo na dun sa part na “Totoo nga bang in-love ka?”. Madalas ko kasi itong itanong sa sarili ko. hehe.😀
    Napakagaling nito! Natutuwa akong basahin ang mga sinusulat mo!😀

  6. yenoh_14 says:

    natamaan ako dito ah..ang gandang nasahin hay bakit nga ba may mga taong naiin-love kahit s picture lng nla nki2ta at di p s personal..hay salamt s pag-add skin ha..nka2inspire bsahan..hay napaicp tuloy aq..mahal kya nya q tlga..

  7. likhakatha says:

    salamat sa pagbibigay-pansin sa iba kong entry.🙂 arbitraryo nga ang pag-ibig, hindi maikakahon, hindi rin siguro nasusukat. kaya naman kahit mukhang madali siyang magmahal, mahirap din namang husgahan siya, di ba?😀

  8. juanagarcy says:

    Nice.🙂
    “Nagtaka talaga ako” — Ang pamilyar saken ng linyang ‘to. Haha. Nasabihan na ko nito.😛

  9. renxkyoko says:

    Didn’t understand the post much, but I think I got the gist…. kind of. ^.^ #

  10. CrazyFrog says:

    Laki ng bukol ko! Nasapol din yta ako.
    Kasi naman na-touch sa caring effect. Kung bakit namimiss mo. Pagnawili kang laging kausap, hanaphanapin mo (kaadikan na to hehehhe)

    In-Lab ka ba talaga? O bolahan lang talaga?😉 (minsang nalito ang palakang muntik nang masira ang ulo hahaha)

    “perlas na bilog ‘wag patulog -tulog sabihin sakin ang sagot… Ba be bi bo bu… ;))
    (naalala mo pa ba ang batibot)

    …napadaan lang po🙂

  11. Dalaga na si Ineng. ~ says:

    Isa itong malaking patama para sa akin. Masaktan sa taong ni kahit pagngiti ay di mo manlang nakita. Awts.😐

    Nice🙂

  12. luichaaa says:

    awww.. hindi ko alam kung ano ang tunay at wagas na pag-ibig, baka kasi isang INFATUATION lamang ang kanyang nadrama sa’yo

  13. aninipot says:

    mahirap husgahan kong paano at bakit umiibig ang isang tao. komplikado ang pag-ibig. Pero naiisip kong pwede ngang umiibig ang isang tao sa ganyang sitwasyon pero pwedeng umibig lang sya sa mga expectations nya tungkol sayo. Sa mga drawing na nagagawa ng isip nya.

    Mas mabuting hayaan ang panahon, mabuti parin na kilala mo sya ng personal malay natin soulmate mo nga sya.

    • bB aninipot, maraming salamat sa iyong puna, lahat talaga sa mundong ibabaw ay posible, kagyat meron mga ganitong pangyayari, lalo’t pat ang panahon ngayo’y may impluwensya ng mataas na teknolohiya gaya ng “internet”. Ngunit, ano’t-ano man panahon pa rin ang may malaking impluwensya sa mga bagay-bagay. ikaw ba, nakita mo na ang soulmate mo?

  14. maganda ang iyong pala-palagay, lubos ang aking kaligayahan marahil ang simpleng katha ay naging tampulan hinde lamang ng mga inlab, maging mga ma-iinlab, at lalo pa sa mga gustong ma-inlab. salamat sa pagbibigay ng iyong munting aral. mabuhay ka at ipakalat ang pagmamahal.

  15. Manul-nulat ng Bayan says:

    mahusaY KA kaibigan…..

    • maraming salamat po. ikinagalak ko ang iyong pagbisita at mas higit pa ang iyong papuri. aasahan ko po ang iyong muling pagbabalik at paghigop sa mga bagong katha at maging sa aking mga nauna na ng katha. taglay nyo rin po ang kahusayan sa paggamit ng ating sariling wika. salamat

  16. chilledhoney says:

    ARAY NAMAN!!!! Hit like a bullet through the brain….yun lang po….palipad lipad lang….🙂

  17. chilledhoney says:

    P.S…. hindi lang tamis at dulas ng salita ang nakakadala…. alam mo kasing ang bolero ay marami nyan (at kung hindi ninyo napapansin… pare pareho minsan ang mga pick up lines….) …. mas nakakatama ang mga ideyang para sa iyo ay may dating, mabigat man o magaan ang pinag uusapan…ikaw ay nakakaramdam ng pag sang-ayon at nais mo ring ibigay ang iyong pala-palagay…. COMPATIBILITY and CHEMISTRY ika nga…. Nakakapagpaligaya, nakakapagpasaya… ang tanong…. “IN LAB KA NGA BA? (ARAY TALAGA!) hahahahah

  18. chilledhoney says:

    Share ko lang po ito….mukhang may tama at tinatamaan kung iisipin ang kahulugan….🙂

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/05/12/ang-anyo-nga-ba-ay-panuntunan-sa-kaligayahan/

  19. walang pag-aalinlangan, lubha akong nalulungkot sa kathang ito. nakakalumbay talaga.

  20. musad says:

    Panahon na lang nga ba ang magsasabi?

  21. chilledhoney says:

    hmmmm hindi ko ata ito napansin sa aking mga nakaraang pasyal dito… Alin ang nakakalumbay, matinik na manunulat?

  22. chilledhoney says:

    Minsan ang kasunduan ay nagsisimula bilang salitang kapwa nauunawaan lamang,
    Hiwalay ang tibok ng puso sa sinasabi ng isipan,

    Kalaunan, ito ay unti unting natatabunan ng matatamis na palitan,

    Palitang nakakaaliw, nakakapagbigay ningning sa buhay na mistulang simbahan,
    ..kung saan ilaw ay hindi kasing liwanag ng araw, sa katahimikan ay maririnig ang bawat galaw…

    Kaya ang kinalabasan… pagbali ng kautusan…

    “Bawal ma-inlab” ba ikamo?

    Hindi na nakikinig ang puso sa mga panuntunang inilatag…
    Ang “bawal” ay hindi na “bawal” kung dalawa na ang nagkasundo…

    Ngunit, datapwat, subalit, hindi rin naman ito nagiging kasalanan…
    Pagkat kung ang isip ay nadidiktahan, ang puso ay hindi,
    …mananatili itong may sariling kalayaan…
    …hindi ito maigagapos, ito ay kakawala ng tuluyan…

    Sa katanungang “Inlab ka ba?”…
    … malamang sa alamang na “oo” ang kasagutan…

    Sa katanungang “inlab ka rin ba?”…
    …tanging puso mo lamang ang nakakaalam…

    ^_^

  23. Pingback: In lab ka ba? malamang sa alamang! « Chilledhoney's Blog

  24. theworshipwarriorbride says:

    ay grabe…ang tamis! ang tatamis at ang kekeso ng mga post nyo kuya noodles at ate honey! hahaha

  25. mmc.XD says:

    Hello.

    Ang sa punto-de-vista ko naman, (haha punto de vista talaga? point of view yun, hindi ba?) maaari namang umibig sa hindi mo pa nakikita.. Dyan naman kami nagsimula ng bf ko eh, ilang taon kaming magkatext hanggang sa naging consistent na magkatext na kami afer ko makipagbreak sa isang ex ko, at pumayag na ako makipagkita sa kanya, kasi gusto ko na sya..

    Kung iisipin, imposible. Pero nangyayari. Ang isinasaalang alang ay ang feelings syempre..

    May kasabihan na “you cannot love someone that you don’t know..”, pero walang kasabihan na hindi mo maaaring mahalin ang isang taong hindi mo pa nakikita.. Medyo malayo pero maaring irelate sa kung paano umiibig ang mga taong bulag o hindi nakakakita..

    Minsan nga lamang ay nabibilog tayo ng mga mabulaklak na salita ng mga taong hindi pa natin nakikilala. So kung maiinlab ka nga sa isang taong hindi mo pa nakikita, sana’y handa ka sa magiging consequence nito.. Ako, niloko pala ako ng bf ko ngayon, (share lang), may gf pala sya nung mga panahon na yun (hiniwalayan nya naman, hindi ko kasalanan ha! haha), pero nung nalaman ko, pinatawad ko sya at nagtake ako ng risk, at msaya naman kami ngayon🙂

    Wala lang..😀

    • wow, isang magandang patotoo (testimonial ba ire) iyan para sa mga mambabasa, hehehe. sa panahon ngayun talagang di malaong may mga ganitong pangyayari, ika nga kasabay ng pag-unlad sa teknolohiya ay kasabay rin ng pag-unlad sa gawi at pamumuhay ng mga tao. ang hindi ko lang sigurado ay kung ang pagiging in-Lab sa di pa nakikita ay maituturing bang isang pag-unlad din sa larangan ng pag-iibigan. kung anuman ang tamang kasagutan, nasisiguro nating masarap talaga ang pakiramdam ng taong inlab (in love).

  26. Bhee says:

    Dapat na isa isip at isa puso ang bawat kataga ng kasunduan. At susunod ang pagsasagawa at pagkumbinsi sa sarili. Ngunit ang damdamin ay lubhang napaka (parang redundant ‘yon ah) personal na bagay na kahit may kasunduan na’y pwede pang magbago ng landas dahil sa kasalukuyang nararanasan. Mga bagay na nadadama pagkatapos ng kasunduan. Anu’t ano man, tama ang tanong mo’ng “In love ka nga ba?” Tanong na sapat na pagnilay nilayan ngunit hindi nararapat na tanungin ng “Bakit?” anu’t ano man ang sagot dito.

  27. Hello kup-teyn. Oo busy nga ako pero dahil malakas ka sa akin, dinalaw muna kita sa mundo mo. Marahil ay nais mong malaman kung ano ang naglalaro sa isipan ng isang lovelybiatch sa bago mong obra. Kung mararapatin mo, heto ang aking napuna:
    1. Sabi ng may-akda nagtapat sa kanya ang isang tao na mahal siya nito at kinuwestyon niya kung bakit ang bilis naman nitong magmahal. Pero sa nilalaman ng tula mo, mistulang ang may akda din ang nahuhulog dito.
    2. Mahirap pagkatiwalaan ang mga bagay-bagay na di nakikita sa loob ng maikling panahon. Sa karanasan ko, isa lang ang pinaniwalaan kong totoo na di ko nakikita pa; ang Panginoon. Pero bago ko pa siya nakilala, mahaba-habang “briefing” pa ang ginawa ng aking mga magulang bago ako maniwala sa Kanya.
    3. Walang masama kung mabilis magmahal ang isang tao. Ang mali ay ang magmahal ng mabilis ng hindi naman nauunawaan ang tunay na ibig sabihin ng pag-ibig (natatandaan mo ang dati mong blog?).
    4. Bakit mo pipigilan ang umibig? Minsan lang ito dumating, pakakawalan pa ba ito? Ang masama ay kung hahaluan mo ng “bawal”.
    O siya! Balik trabaho na. Sa uulitin.

  28. Pingback: PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? | 25pesocupnoodles

  29. ganda! i agree. i definitely agree. tanging panahon lang ang makapagsasabi.😀

  30. My relatives always say that I am wasting my time here at web, however I
    know I am getting experience everyday by reading
    such fastidious content.

  31. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s