ang tula para sa Pumanaw

Paumanhin ang tula para sa Pumanaw ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa.

Hanggang sa muli nating pagkikita, aking dadamhin ang iyong mga haplos. Paalam!

 

karugtong

kredito: ang photo ay ‘di pag-aari ni Cup, kredito sa thenextweb.com

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Image | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip and tagged , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

42 Responses to ang tula para sa Pumanaw

  1. marrymhey says:

    nabasa ko na.. ahihih

    anuman ang mangyari, lahat ay kagustuhan ng Ama.. ^_^

  2. Sabi ni Jose Rizal, minsan lang tayo mamatay kaya sana gawin nating makabuluhan ang ating buhay.

  3. Tanging Siya lang ang may karapatan kuhain ang bagay na Kanyang ginawa..ganda nito pre..;-)

  4. rockwitralph says:

    Salamat sa iyong pag-anyaya, nakikiramay ako sa pag-panaw ng iyong ama.

    Naway magkaroon rin kayo ng panahon upang basahin ito

    God is good all the time though you dont know how?

    http://rockyrivera.wordpress.com/2011/01/16/god-is-good-all-the-time-even-though-you-don%E2%80%99t-know-how/

    DEATH

    http://rockyrivera.wordpress.com/2008/12/02/death/

    Are you ready to die now?

    http://rockyrivera.wordpress.com/2009/11/28/are-you-ready-to-die-now/

  5. fancyface0891 says:

    Tulad ng aking “pagtangis”, mahirap mawalan ng isang malapit sa buhay.
    Subalit patuloy pa rin ang buhay. Patuloy pa rin iikot ang mundong itong ginagalawan.
    Siguro nkatadhana na talaga kung kailan tayo lilisan.🙂

  6. napakahirap talagang matanggap, lalo pa’t biglaang kukuhain sa gitna ng lubos na kaligayahan. kumukurot sa damdamin.

  7. sitakafka says:

    Nakikiramay ako sa nangyari.
    Hindi ko pa nararanasan ng mawalan ng mahal sa buhay kaya hindi ko alam ang sakit, pero habang binabasa ko ang sinulat mo, parang nabuksan ang kalooban ko sa bagong pakiramdam.
    Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa “Poong Maykapal” o kung may plano man na nakatakda, pero alam kong isa ito sa mga pagsubok sa buhay na malalampasan mo.🙂
    Salamat at inanyayahan mo akong mabasa ang post na ‘to. Sobrang mahilig ako sa metaphor kaya isang bliss na mabasa ang post mo.

  8. Leeyo says:

    itinakda o itinatakda… hindi ko alam.. pero may pagaalinalangan ako.. may mga bagay na Dios lang ang nakakaalam kaya hindi natin maaring sabihin na itinakda na niya ang lahat.. o pwede nating sabihing na itinakda na nga Niya ang lahat pero hindi natin alam ang lahat..🙂 basta alam nating merong ganon. maging handa sana tayo sa mga unos na darating sa buhay natin..

    alam mo ba, kamatayan ang pinakakinatatakutan ko. iniisip ko kasi kung ano ang magiging kahihinatnan ko pag namatay ako. mawawalan ako ng pakiramdam, mawawala ang ala-ala. wala ng amoy, pandinig, pakiramdam, pangkita, at panlasa.. ano ang expectations ko kapag wala na akong buhay. para lang tanga, di ba?

    pero merong nagparealize sa akin na ang kamatayan, oo isa siyang mapait na pangyayare, pero isang napakalaking kaloob na hindi dapat tanggihan lalo na kung marami kang nagawang kabutihang hindi mo pinangangalandakan…

    condolences benchingko…

    • muli kong nabalikan ang iyong puna bc-bee, tama, ang kamatayan ay “napakalaking kaloob na hindi dapat tanggihan lalo na kung marami kang nagawang kabutihang hindi mo pinangangalandakan…”, pagkat ika mo nga, “maglalaho man ang iyong pang-amoy, pandinig, pakiramdam, pangkita at panlasa” di ba, ngunit ang iyong mga nagawang kabutihan at magagandang bagay sa mundo ay mananatili sa puso’t isipan ng iyong mga naiwan magpakailanman.

      salamat dito. natutuwa pala ako sa pagturing mo sa akin na “benchingko”

  9. chilledhoney says:

    Bigla akong napahinto ng mabasa ko ito… sa kabila ng iyong araw-araw na giliw… may pait at kirot palang pilit pinaghihilom…

    Walang anumang salita galing sa amin o kung kanino pa man ang makakapagpabalik ng siglang kayang ibigay ng namayapa….siya ay nag-iisa lamang…

    Katanungan…
    Kailan natin huling nasabing mahal natin ang ating mga magulang?….Batid nating hindi na nila tayo maririnig kung sila ay nasa pangmatagalang pagkahimbing…… nagtatanong po lamang…

    Pahabol…
    Sa ating mga naririto pa, gumagalaw at humihinga….”Let us live our lives to the fullest today… we may not know what tomorrow might bring…Life is very temporary…the question today is…. ARE YOU HAPPY?”

    • sagot sa iyong tanong, malungkot kung babalikan ang pangyayari, ngunit pilit pinapalitan ng mga masasayang ala-alang naiwan. sighhhhhh.

      sa totoo lang, habang ginagawa ko ito, punong-puno ng lungkot at pagtatanong ang aking kalooban. ninais ko rin na malaman ang dahilan at panahon kung paano at kailan ako makakrating sa aking huling hantungan (huling el bimbo). isang pagnanais na sa totoong buhay ay di mahahanapan ng anumang kasagutan, maiiwan na lamang sa isang tandang pananong.

  10. sorry po sa maagang pag-alis ni tatay.

    “Sa lahat ng oportunidad, gumugol sa mga bagay-bagay na lubhang mahalaga, bago pa mahuli ang lahat. Maglaan ng lubos na pagpupuri at pasasalamat sa ating “Poong Maykapal.”

    make each day count, ika nga, hindi kasi natin alam kung kelan tayo tatawagin para ibalik ang buhay na pinahiram lang sa tin. don’t live in regrets, un kasi madalas ang pinanghihinayangan natin sa huling sandali. mga what ifs, mga sana nagawa ko yon o nasabi ko yon o sana di ko na lang nagawa.

    nice post, noodles🙂

  11. hello, cupnoodles,

    magaganda ang analogies na ginamit mo rito, kapatid. marahil, hindi ako nag-iwan ng komento dati dahil pakiramdam ko ay isa siyang solemn na reflection at hindi ko nais mag-intrude kumbaga… itong piyesa ay isang mahusay na rendition ng pakiramdam at iniisip ng isang taong dagling napagtanto ang kanyang mortality… ^^ cheers, kapatid!🙂

  12. chilledhoney says:

    ISANG BUONG PUSONG PAGPAPAUNLAK SA KAHILINGAN…

    “Sa bawat kilos at galaw, sa bawat isip at nadarama… isapuso ang mga pangaral Niya..hindi natin alam kung ating oras ay darating na…”

    Biglang napaisip…

    Bakit ba tayo narito sa mundong ibabaw…
    …dahil tayo ang Kanyang inatasang mangalaga sa Kanyang ibang likha?
    …dahil tayo ay Kanyang inatasang magmahalan at magparami ng naninirahan sa mundo?
    …dahil tayo ay Kanyang inatasang ngumiti sa bawat basbas at biyayang ipinagkakaloob Niya ?

    Kailan tayo lilisan?
    …walang nakakaalam…bawat isa ay may takdang oras ng paglisan…
    …walang nakakaalam… sa payapa ba o sa nakakatakot na paraan?
    …walang nakakaalam…katanunga’y “handa na ba akong lumisan”?

    Ano nga ba ang pakiramdam?
    …Ito ba ay isang paglayang walang panghihinayang?
    …ito ba ay may kasabikang sa langit na ay mananahan?
    …ito ba ay may pangambang magpaimbulog na lamang ang kaluluwa sa kawalan?

    Paano na ang maiiwan?
    …Ito lamang yata ang may tiyak na kasagutan…
    …sila ay sa simula malulungkot na ang minamahal ay kinuha na ng Maykapal…
    …sila ay magninilay sa mga sandaling pinagsamahan, sa mga halakhak na napakinggan,
    …sila ay babalik sa mga aral na natutunan, sa mga luhang pinagsaluhan
    …sila ay mananaghoy ng ilang panahon ngunit sa paglipas ng sakit na nadarama
    …alaala ng namayapa sa puso ay dala…wala nang bigat…wala nang sakit…pagmamahal at pagkakapuri ang siyang namamayani…

    (isang pagninilay nilay sa mga kathang Dagliang Pagpanaw at Final Destination ….malalim na isiping hatid…)

    http://chilledhoney.wordpress.com/2012/06/18/biglang-napaisip-dagliang-pagpanaw/

  13. theworshipwarriorbride says:

    hihihi…death is inevitable but death itself is not what should concern us. The bigger question is what will we be after death…what and where will we be in eternity.

    Live life one day at a time with eternity in mind.🙂

    • kung minsan sa madalas di maiiwasang mag-isip. tama, saan nga ba tayo papunta matapos kuhain ang ating anyong pisikal. tayo kaya ay magkikita-kita?

      • theworshipwarriorbride says:

        “tama, saan nga ba tayo papunta matapos kuhain ang ating anyong pisikal. tayo kaya ay magkikita-kita?”

        –katanungang iyan ay matutugunan
        –kung alam nating tama ang pinanananampalatayan
        –dahil kung sa Kanya ay nananahan ng walang alinlangan
        –sagot sa katanungang “tayo kaya ay magkikita” ay umaalingawngaw na “kuya, oo naman!”🙂

  14. Pingback: Oras na… Tik Tak! « Chilledhoney's Blog

  15. Reblogged this on 25pesocupnoodles and commented:

    Panalangin ang handog sa pagpanaw ng Hari ng Komedya…..

    “Sadyang ang buhay ay hindi natin pag-aari, isang hiram na anumang oras at pagkakataon ay maaring bawiin.”

    • chilledhoney says:

      Ang Hari ng Komedya ay mananatiling Hari sa ating mga puso sa kanyang pagpanaw…
      Nabuhay siyang ang lahat ng Pilipino ay nagaabang sa kanyang nakakaaliw na galaw,
      Halakhak na kanyang naidulot, sa ating puso, hinding hindi magmamaliw
      Nahipo niya ang ating mga buhay sa mga paraang di kayang mabilang, giliw…

      Isang kalungkutan ngunit alam nating siya ngayon ay makakadagdag ng saya sa langit, kasama ng ating mga mahal sa buhay na namayapa na rin…

      Tiyak sila ngayong lahat ay masayang sumasalubong sa isang kaluluwang napakasayang kumakatok sa lahat ng pinto sa langit….

  16. Pingback: DagLianG PagpaNaw (SuddeN DeaTh) | 25pesocupnoodles

  17. sjanima says:

    magsimula na sana ako magpahayag ng aking saloobin subali’t napigilan ako ng nabasa ko “magiwan ng bakas ha… na mananatili sa paglipas ng panahon”. baka kasi hindi maayos ang maiwan kong bakas.

    parang buhay din at bahagi ng iyong pagmumuni-muni sa pagpanaw ng iyong ama. mapalad ang merong anak na tulad mo nakaalala sa namayapa, paano ang mga walang nakaka-alala. napakasakit isipin na maraming tumatawid sa kabilang buhay sa bayolenteng pamamaraan at hindi pa nakakamit ang hustisya.

    nalungkot ako at natuwa sa aking nabasa sa iyong paboritong katha. ;D

  18. Pingback: PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? | 25pesocupnoodles

  19. ayoko ng death and goodbyes. pero naisip ko, death justifies life. para ring sadness sa happiness, sickness sa health, ’til death do us part. haha. joke.
    pero seryosohan, diba, hindi naman natin mapapansin ang happiness kung hindi natin naranasang maging malungkot? parang tulad-tulad na din lang araw-araw. kaya siguro may death.
    magkagayunman, ayoko pa din ng goodbyes. :[

  20. Ito na. Nabasa ko na sa wakas.
    Stay strong ka lang. 😊

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s