ang tula para sa Kataga

Paumanhin ang tula para sa Kataga ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa.

 

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in poem, talataan, tula and tagged , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

20 Responses to ang tula para sa Kataga

  1. chilledhoney says:

    Boom!!!…. sa akin ito ay tugmang tugma….
    sa bawat maisip…dagliang tumitipa…
    pilit hinahabol, agos ng salita…
    bilis…bilis…baka makawala!

    Isip at damdamin, pinaghuhugutang tunay,
    mga kataga, mga titik na may sariling banyuhay,
    minsan matalas, matalim, may dulot na anghang,
    minsan nama’y magaan, nakakaaliw, pa-cute lamang…

    kaisipang pilit umaagos, dagliang isatitik,
    kunin ang laptop, wag magpatumpik tumpik
    bugso ng kalooban, dagliang pakakawalan
    malugod na ibahagi sa iba, abang karanasan….

  2. chilledhoney says:

    kaya pala napuna mo minsan… may kahalintulad ang aking panulat…

  3. bobonghenyo says:

    Boom! Kaygandang katha… nakakailang tumugon at baka mapahiya! Haha. Ang galing supremo, mukhang hinugot pa sa kailaliman ng lupa.. pinakagusto ko ang huling talata… kunin ang laptop at wag magpatumpik-tumpik pa sa pamamahagi ng malawak na kaisipan. Huhu kaya lamang bigla kong naalala ang aking laptop, kailangan na niyang mapalitan para makalikha din ako ng ganitong kagandang katha!

    • anumang tugon ay sobrang mahalaga, lalo’t sa ating mga tagasubaybay, kaya’t iwasang mahiya.. salamat ng marami sa iyong tugon. Bibong Henyo.

    • basahin mo rin ang resibo na entry, isang pamalit muna sa iyong laptop…

    • chilledhoney says:

      Maestro, ako ay makikigulo ha…?

      sa iyo bobong henyo (na ngayon ay BibongHenyo na)

      maraming salamat sa pagnamnam ng mga huling talata… bawat salita, bawat tagubilin… alam kong shoot sa puso ng katulad nating mahal ang panulat…🙂

      naligaw lang sa paglipad lipad habang nag aantay ng uwian….:)

      • bobonghenyo says:

        salamat naman chilledhoney, hmmm…. mukhang kailangan mo rin ng palayaw tulad ni supremo (25cupnoodles) at ako si bibong henyo na nga ngayon…anong gusto mong itawag ko sa’yo? mas masaya ang ganito! hahaha😀

        • chilledhoney says:

          hahahahaha… pwede pwede… naku eto na naman ako, nakikipag daldalan sa hindi ko hardin… baka may maningil na naman ng renta hahaha…. pasyal pasyal ka sa hardin ko at nang mapaghain kita ng pulot na inipon ko, isama na lang natin si Maestro/ matinik na manunulat (na supremo ang tawag mo)🙂

          • bobonghenyo says:

            di kasi nagsasarado ng pintuan ng bahay si supremo kaya ayan’ nakakapasok tayo at nag-tsi-tsismisan sa loob. Maaari bang pulot mo na lamang ang ipambayad natin kay supremo saka-sakaling singilin niya tayo ng rental haha

            sige ba! pasyal din ako paminsan minsan nang matikman yang sinasabi mong pulot (yum yum yum)… ano nga bang palayaw ang sa iyo ay maaaring itawag? wala akong maisip ha…

          • chilledhoney says:

            kung papayag ang matinik na manunulat/ maestro na ang pambayad ay pulot, halina’t manggulo sa kanyang tirahang hardin na tambayan natin…🙂

            Hmmm… ano nga bang itatawag? ang hatol ni maestro ay paruparong marikit… ako ay nagpoprotesta dahil ang tingin ko sa sarili ay paruparong makulit! kahit ano pa man… basta ang tawag ay di mabantot, ayos lang hahaha

            salamat bibong bibong henyo!
            (magbabayad na tayo ng renta panigurado! hahaha)

          • bobonghenyo says:

            mukha nga simulat mo na mag-ipon ng pulot na ihahain kay supremo

          • chilledhoney says:

            wag mabahala…. ang paruparo ay laging handa…🙂

            pulot na may kasamang ngiti…:)

          • hmmm, mukhang di ko namalayan ang mga bisitang kay-sigla, sa iyo Paru-parong Marikit at sa iyo BiboNgHenYo, ikinagagalak ko ang inyong pag-kakagulo sa aking tambayan. Naway mapasadahan mo rin BbHenyo ang kathang “drayber ng Buhay (crusin thru life) at ng ika’y hinde maligaw sa iyong byahe ng buhay.

      • aba’y mabilis ang pang-amoy ng isang paru-parong maraikit. naisip ko na na ibalita ang sa iyo’y paghanga ng isang bibonghenyo, ngunit, tila kay bagsik ng iyong pangamo’y. maraming salamat sa muling pagbisita. ang iyong komento ay tunay na nagbibigay saya.

        • chilledhoney says:

          hmmmm….pang-amoy ko ay may problema, tila ata ako ay magkakasipon…:)

          sisihin mo ang teknolohiya maestro, biglang may maliit na ilaw na nagsabi sa aking may bagong mensahe sa tambayan mo…

          Teknolohiya ang sisihin mo kung bakit ang sorpresa mo ay naging sorpresa ko, kasabwat pa ang bibong henyo… hahahhahaha

          utang muna ang renta ha?

          salamat salamat salamat!

  4. musad says:

    HAHA. Tumpak na tumpak!

  5. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s