Lakbay Pandinig

“matamang makinig sa mga nangyayari, pagkat malayo ang mararating ng lakbay ng pandinig”

May isang babae, di ko naman kakilala

Pumunta ng palengke

Pati ako isinama

Rinig ko ang usapan, ngunit di ko nakikita

Minsan nagtatanong

Minsan may kausap

Ganda ng boses, sarap pakinggan

Lalo pag tumawa

Malamig daw sa palengke

Siguro may yelo

O di kya umuulan

Pagtawid nagkomento

“Di daw nagmemenor ang taxi

baka tayo masagasaan”

Napagod na ata, naiinitan daw kasi

Maya mya biglang di nagsalita.

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in poem, talataan, tula and tagged , , , , , , , . Bookmark the permalink.

8 Responses to Lakbay Pandinig

  1. Crazyfrog2780 says:

    Nangingiti nmn ako dito:)
    Parang sa dami ng narinig mo nagulo mundo mo…

  2. chilledhoney says:

    nakakatuwa, nakakaaliw….🙂

    anyong maganda, nakatawag ng atensyon…
    magandang tinig, sinusundan ng pandinig…
    wala mang pa anyaya, piniling magmasid…
    binigyang panahon, simpleng puna, simpleng banggit…

    kung iisipin, minsan tayo ay sadyang ganyan…
    lumilingon, tumitingin, kapag may natipuhan…
    minsan payak na salita, tanggap agad ng iisipan
    minsan naman, pilit inaarok lalim ng kahulugan…

    kung nais ay agarang katugunan….payak, diretsahan…
    kung nais ay may pagkasabik…malamim, padaplisan…
    depende sa nais, depende sa nararamdaman
    depende sa nais pakawalang kahulugan….

    nakakatuwa, nakakaaliw….🙂

  3. DwightD. says:

    Ayos! Na-visualize ko po. Mukhang punong-puno ito ng mga obserbasyon.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s