KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKATLONG BAHAGI

” Bigyan laya ang puso’t damdamin, ilahad ang mga saloobin, isakatuparan ang mga naisin.”

-pagpapatuloy….

IKATLONG BAHAGI

Mapalad pa rin ako’t hinde pa huli ang lahat, mapalad pa na hinde nalugmok at nahawa sa mga nilalang na mapangahas na nagkukubli sa anino ng kalikasan. Hindi talaga mapapantayan ang prinisipyong sumibol mula pagkabata at unti-unting pinalawig ng panahon at karanasan. Sa ganitong pagkakataon, lalong tumindi ang aking paghanga sa minamahal kong mga magulang, sa kanila nag-ugat ang lahat ng ito. Sa kanila ko namulatan ang mga bagay-bagay na magliligtas sa akin na malubog sa burak ng kagubatan na likha ng mga nilalang na mapagsamantala.

Maging mahinahon at huwag magpadalos-dalos, nararapat na maiwasto ang pagkakamaling dulot ng pandalas na desisyon. Matamang planuhin at pag-aralan ang mga kilos at likaw ng bituka at kaluluwa ng mga nasa paligid. Sumayaw sa kanilang tugtugin at maging isang huwad na tagapagmana ng tradisyong kanila ginagalawan. Maging maingat sa ikinikilos, bigyang halaga ang mga taong naghahangad ng kapangyarihan sa kagubatang ginagalawan. Sa ganitong paraan maikukubli mo ang iyong tunay na intensyon, unti-unting maisasakatuparan ang nais na pagbabago. Paunlakan ang kanilang mga paanyaya, makisalamuha sa paraang nagpapakita ng pagsang-ayon at ang mataas na pagpaparangal sa kanilang tradisyon.

Sa iyong pagpapanggap, mangyaring iwasang masilaw sa mga kinang ng kalikasan sapagkat sa likod nito’y nagkukubli ang sukal ng kagubatan. Lubos itong nakakaakit, nag-aanyaya ng masaganang kinabukasan. Masaganang kabuhayan na ang kapalit ay ang iyong dangal at prinsipyong kinagisnan. Sapagkat marami na rito ang tila natuklaw na ng pagnanasa, nanalaytay sa dugo ang kamandag ng kasakiman. Mga nilalang na aakalain mong busilak ang kalooban, na pilit kang ibabaon sa burak na kanilang ginagalawan. Tila isang kumunoy na sa pagpipilit mong umalpas ay lalo kang lalamunin pailalim.

Mabuti’t napagtanto ko na makatutulong ang maging mahinahon, magpatianod sa ihip ng hangin, hayaang mapadpad kung saan mang idako ng takda ng panahon. Ang pagiging agresibo ay dapat munang isantabi pansamantala, o hanggang sa kinakailangan, dahil ang padalos-dalos na pagtugon ay magiging malaking hadlang sa sariling adhikain. Daglian nilang sinusupil ang sinumang magtangkang mangahas na pabagsakin at baguhin ang kasalukuyang tradisyon.

Namulat ang aking kamalayan na malubha pala talaga ang mamalagi sa sukal ng kagubatan. Pagtataka ang sumaglit sa aking balintataw kung paano nila nasisikmura ang ganitong kalagayan, ang pang-araw-araw na gawi ay paano nila natatagalan. Ipinagpalit na ba talaga nila ang kanilang prinsipyo sa mga alok ng masukal na kagubatan?

Last Chapter: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – HULING BAHAGI

chapter 2: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKALAWANG BAHAGI

chapter 1: “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – UNANG BAHAGI”

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

24 Responses to KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKATLONG BAHAGI

  1. Fancy face says:

    Prinsipyo. Gang saan ka dadalhin nito.

    • fancy face, una sa lahat maraming salamat sa pagbabasa. sa ngayon patuloy pa rin pinanghahawakan ang prinsipyo at patuloy pang pinalalawig. medyo mabagal lang ang pag unlad kung may bitbit kang prinisipyo, subalit ang mahalaga dito nariyan pa rin ang pag unlad.

  2. basta ako. ayokong umalis dito. nasa atin ang pagbabago. kung lahat tayo ay paiiralin ang tinatawag na ‘prinsipyo’.

  3. Pingback: “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – UNANG BAHAGI” | 25pesocupnoodles

  4. Pingback: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKALAWANG BAHAGI | 25pesocupnoodles

  5. Pingback: “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – HULING BAHAGI” | 25pesocupnoodles

  6. chilledhoney says:

    isa lang ang masasabi ko…. sa aking sariling karanasan…akin ding tinalikuran ang masukal na kagubatan iyong tinuran… hindi ko masikmura ang mga hari at reynang nalimutang atang pansamantala lamang sila sa kanilang kinauupuan…kung sila ay magsalita akala mo sila ang gubat o kalikasan at hindi tagapangalaga lamang…hindi ko rin masikmura ang mapanlinlang na ganda ng kasuotan o sarap ng pagkain sa hapag kainan o ang balat kayong papuri at parangal habang ang mga alipin ay naghihirap at nagugutuman… sa aking minsang pagdalaw sa kanilang makikinang na palasyo, nag uumapaw ang aking damdamin dahil alam ko kung saan galing ang bawat ginto sa paligid…at sa aking paglabas ng palasyo… makikita ko ang mga dampang maaring itumba ng hangin… ang bagong sibol ay hindi nadidiligan ng tamang tubig at pataba kung ito ang kanyang nakikita… kaya sa akin kaibigan… mahirap man at may panghihinayang sa simula… bigyang laya ang sarili at sikaping maging matuwid at kapaki pakinabang…

  7. chilledhoney says:

    pahabol… saksi din ako sa ganda ng kagubatan kung ito ay naaalagaan… nawa’y sa muling pagsikat ng araw… ang mga hindi karapadapat ay lumisan na….

    • isang nga sa nakakapanghinayang ay ang mga hamon na magpapatatag sa iyong prinsipyo at paninidigan, kasama ang pag-unlad sa iyong kaalaman.

      • chilledhoney says:

        “Maging mahinahon at huwag magpadalos-dalos, nararapat na maiwasto ang pagkakamaling dulot ng pandalas na desisyon. Matamang planuhin at pag-aralan ang mga kilos at likaw ng bituka at kaluluwa ng mga nasa paligid. Sumayaw sa kanilang tugtugin at maging isang huwad na tagapagmana ng tradisyong kanila ginagalawan. ”

        Binalikan…

        Nais lamang may maibahaging kapakipakinabang, bukod sa laging sigaw ng damdaming tila yata nawawala sa pagkakarenda….Gusto kong magka-sense…

        – Di naiiwasang magkamali, lalo na’t ang tingin natin sa una ay napakaganda at kaiga-igaya. Hindi kaagad malalaman ang mga bahaging masalimoot at mapanganib sa gubat. Kadalasan ang nakikita ay ang kinang, ang pagtama ng haring araw sa mga dahon, ang pagsilip nito sa mga siwang… Kadalasan, pakandirit na maglalakad, tuwang tuwa sa unang apak. HInahayaang tumakbo-takbo at magpaikot ikot sa mga bagong nakikita at natatanaw..Katagalan, bakit kaya tila kinang ay nawawala? Binabalot ng kadiliman ang ilang bahagi. Dumadami ang kumunoy. Dumadami ang naglalabasang mga halimaw. Marahil, ito ang tunay na anyo. Iiwas, tatalilis, hahanap nang mapagsusulingan. hahanap ng maakyatan. MInsan, hahanap ka ng mas malakas na nilalang kaysa sa iyo ay humahabol. Makakakita, ngunit mag-iingat, nilalang na makapangyarihan, minsan layunin ay di mawarian. Magmimistulang hunyango, gagayahin ang paligid. Ganyan talaga minsan, “survival of the fittest… and the wisest”. Tahimik na maghahanda upang sa pagkilos, lalo na at tama, may kahihinatnan na kaaya-aya…

        (napakasarap isalaysay ang kaisipan na ito…sigh)

      • chilledhoney says:

        Ay syanga pala, para lamang sa iyong kaalaman….

        Ang “KINANG” ay aking Nr. 1 sa paboritong katha
        (kasI SOBRANG nakakarelate ako, parang salamin ng naging karanasan ko rin)

        Nr. 2 ang 104 letters at Faded Jeans

        Nr. 3 and LAHAT na hindi ko binanggit

        (Masisisi ba?)

        At hindi lang dahil sa paggabay mo sa WP kaya kita tinawag na “Maestro”… alam mong higit pa sa dahilang iyan….

        Salamat🙂

    • sa iyo paru-parong marikit, nais kitang tawagin munang chilled (bilang parangal sa iyong tunay na katauhan), kakaiba rin talaga ang iyong kalibre sa mga pananaw at hinuha, kahanga-hanga, at saan nga ba nagmumula ang ating mga kaisipang pilit tumitimo at tumatatak at lalong nagpapa-alab sa ating masidhing damdamin (sa talinong taglay). Napakalupit ng iyong pagbibigay diin sa aking katha, tila at batid na sumasabay sa bagsak ng aking mga iniwang kataga, salamat talaga, ako’y lubos na natutuwa.

      dahil diyan, nais kitang ihanay sa mga itinuturing kong mga malulupit at astig na tagasubaybay, at nais ko rin ibigay ang halaw sa isa sa aking sulatin na nagsisilbing parangal para sa malupit na tagasubaybay, narito at sana’y iyong tanggapin,

      “Mapalad ang nakaka-abot sa rurok ng talinghaga, maituturing na pantas, malawak ang imahinasyon.”

      hanggang sa muling pagbabalik.

      • chilledhoney says:

        Wow!!!!

        Superdupermegatothemax namang flattered!

        Pambihira!

        “Malupit” “Pantas” “Malawak”

        Grabe na ito!

        Feeling ko FAMAS lang! hihihi

        or better…. feeling ko cum laude ako hihihi!

        Oi anong hanggang sa muli? Kaserious naman eh…

        Eh mas nauuna pa akong tumambay dito kesa sa pahina ko hahahah…..

        hmmmm tambayan ko nga ata ito, utang ang renta ha? palit na tayo hahahahha….

        Ako ay Resident angel na ng tambayan (naku wag naman Resident Evil!, Katakot!)

        hahahahah

        Salamat, Maestro, isang karangalang dadalhin kahit saan!!!!

  8. sa mga makakabasa, hinihikayat ko ang inyong puna, ito’y magdudulot ng pagbubukas para sa isang makabuluhan pananaw sa buhay-buhay at makabagong kamalayan. salamat.

  9. brianitus says:

    Chilledhoney gave me a link to your blog. Excellent post. Hopefully, I understood your post correctly.

    Anyway, (teka Tagalog mode)…

    Binasa ko ang iyong sinulat at masasabi ko na hindi lahat ay kasing-suwerte mo. Karamihan ay nakukuntento na at hindi na hinahangad ang hirap ng pagdadaanan alang-alang sa paninindigan at prinsipyo.

    Sana’y pagpalain ka sa napili mo.

    Cheers!

    • salamat sa paghanga. sa iyo Brianitus, swerte ngang matatawag ang kumawala sa Kinang ng Sukal ng kagubatan. Bihi-bihira ang mga taong ganito’y nagiging desisyon.
      Ako’y lubos na maligaya pagkat hindi lamang ang pisikal kong anyo ang nakawala, maging ang aking puso’t isipan, ang pinakamahalaga pa ay ang konsensya. Lubos ko itong ikinararangal at habang buhay na pangangalagaan at panghahawakan.

      pasasalamat at ako’y pinagpala sa aking naging desisyon, marami ang aral at hamon sa buhay na aking natutunan.

      muli maraming salamat sa pag-iiwan ng bakas. nawa’y makapag-iwan rin ako ng kahit isa mang bakas sa iyong mga pahayag.

      at isa palang paru-parong marikit (chilledhoney) ang nagbigay daan para tayo’y magkatagpo sa blogosperyo. hanggang sa muli, asahan mo ang aking pagdalaw sa iyong tambayan. (btw, nabasa ko ang pinaka-una mong katha kagabi pa).

      • chilledhoney says:

        Sa iyo Matinik na Manunulat:

        You are welcome….walang anuman…
        …Paghanga ko sa iyong mga panulat ay di maitatatwa…
        …Mas maraming makakahigop ng sabaw…mas ako ay maligaya…

        Don’t mention it…
        …sapagkat alam kong kung sa aking mga katha ikaw ay may natipuhan…
        …iyo rin itong ipinamamahagi sa iyong mga manunulat na kaibigan…

        You deserve the accolades…
        …bihira ang may kakayahang magpahayag tulad ng paraan ng iyong panulat…
        …may lalim… may diin… may tamang di minsan mailagan lalo na’t nakalingat…

        Sa aking panulat, iisa ang puso at isipan, kasama ang buong katauhan,
        Maniwalang ang tinuran ay katotohanan at pawang katotohanan lamang..
        So help me God… All rise…

        Penge ng sabaw ^_^… Libre na ha?

    • chilledhoney says:

      Sa iyo Brianitus:

      Salamat sa pagpapaunlak ng aking paanyayang dalawin ang kathang “KINANG”,

      Marahil, sa iyong mga pananaw (English Version ka namin) nakita ko ang pagkakahalintulad sa takbo ng aking isip, maging sa takbo ng isip ng matinik na manunulat (cup)…

      Tunay ngang ang mga utak ay kawing-kawing sa mga hinaing na kailangang ipahaging hanging sa mga matsing na mahilig sa saging!

      ^_^

  10. Sana’y marami pa sa ating mga pilipino ang magpahalaga sa dangal at prinsipyo kagaya mo. Pwede pa ring mabuhay kahit meron nito.

  11. Pingback: Aves de Rapiña (Birds of Prey) “mene, mene, thekel, upharsin” « Chilledhoney's Blog

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s