KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKALAWANG BAHAGI

“Mapalad ang nakaka-abot sa rurok ng talinghaga, maituturing na pantas, malawak ang imahinasyon.”

-pagpapatuloy….

IKALAWANG BAHAGI

Tila isang panaginip para sa akin ang mailagay sa ganitong sitwasyon, tila ikaw ay nasa isang malawak na kagubatan na para bang ikaw ay mabubuhay ng hinde kinakailangang magbanat ng buto at magbungkal ng lupa. Aasa ka na lang sa mga punongkahoy na hitik sa bunga, para maibsan ang kumakalam na sikmura. O di kya magkukubli ka na lang sa lilong ng pagkakalagong punongkahoy, mangyari tumalima ang napakatinding sikat ng araw o bumuhos ang napakalakas na ulan. Parang ikaw ay nasa paraisong hinde kayang pagmalupitan ng hagupit ng kalikasan. Marahil sa matatandang punongkahoy hinubog na ng tadhana, na may mga ugat na tila bumaon na sa kailaliman at hinde na kailanman matitibag, maging sa paglipas ng panahon.

Pansin mo rin ang mga bagong sibol na paunti-unting hinuhubog upang maging tagapangalaga ng kagubatan sa mga susunod na henerasyon. Maihahambing sa daloy ng tubig sa batis na animoy sunod-sunuran sa agos dahilan ng ruta na inukit ng kalikasan.

Sa simulay mararanasan mong napakasarap tumira at magtigil sa ganitong lugar, ngunit sa patuloy na paglipas ng panahon, unti-unti mong matutuklasan na sa kabila nito’y nagkukubli pala sa dilim ang mga nilikhang lagalag, ang mga mapangahas na sumisira at patuloy na sumisipsip sa likas na yamang kalikasan. Na, sa likod pala ng anino ng punongkahoy nagkukubli ang sakim na pagnanasa. Iba’t-ibang hangarin at pansariling intensyon.

Tila sila nabubulag sa kinang ng yamang kalikasan, pati ang doktrinang kanilang isinaisip, isinapuso at isinabuhay ay sadyang binalewala. Walang sapilitang isinasantabi, upang maging abot kamay at madakma sa sariling mismong palad ang yaman at kapangyarihan sa kinang ng kalikasan.

Lahat ay nagnanais na maging hari ng kagubatan, kundi lang dahil sa iba’t-ibang panahon na inilagi sa lugar na iyon marahil mismong sila sila ay magkakabanggan. Sinusupil ang sinumang magtangkang lumihis sa tradisyon, kinukondina ang bawat galaw nag maaring bumuwag at magtakda ng mga pagbabago.

—-sundan ang pagpapatuloy….

Chapter 3: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKATLONG BAHAGI

Chapter 1: “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – UNANG BAHAGI”

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

18 Responses to KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKALAWANG BAHAGI

  1. Pingback: “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – UNANG BAHAGI” | 25pesocupnoodles

  2. Pingback: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKATLONG BAHAGI | 25pesocupnoodles

  3. Pingback: “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – HULING BAHAGI” | 25pesocupnoodles

  4. sa mga makakabasa, hinihikayat ko ang inyong puna, ito’y magdudulot ng pagbubukas para sa isang makabuluhan pananaw sa buhay-buhay at makabagong kamalayan. salamat.

  5. chilledhoney says:

    punto por punto:

    “tila ikaw ay nasa isang malawak na kagubatan na para bang ikaw ay mabubuhay ng hinde kinakailangang magbanat ng buto at magbungkal ng lupa”

    Tunay ngang sa kagubatan ay ay napakaginhawa, oras ay tumatakbo kahit wala kang ginawa…
    Makakapamitas ng prutas, kailan man naisin, makakapamasyal nang walang pipigil…
    Maaring huwag magmadali, may bukas pa naman… maaring huwag kumilos… biyaya ay dumarating sa tamang panahon…
    Dahil sa ganitong pag-iisip, mga tagapangalaga ay napapagod…napapagod magpahinga.. kung kaya’t kwentuhan tungkol sa buhay ng iba ang kanilang naging libangan…di matapos tapos ang huntahan….
    Kalaunan, mga nilalang na kinain na ng katamaran, naroon na lamang sa ilalim ng puno, nakanganga, sa bunga na hinog, ito ay nakatingalang nag-aabang…

    “Parang ikaw ay nasa paraisong hinde kayang pagmalupitan ng hagupit ng kalikasan. Marahil sa matatandang punongkahoy hinubog na ng tadhana, na may mga ugat na tila bumaon na sa kailaliman at hinde na kailanman matitibag, maging sa paglipas ng panahon.”

    Paraisong huwad. Makulay kungikaw ay tagalabas. Ngunit sa iyong pag pasok sa gubat… doon sa kailoob looban nito, iyong makikita…”mga nilalang na pagala gala” na naglilipana… ung iba nangangagat… ung iba nambabato, ung iba nanghahabol, ung iba nanghihila… depende sa kanilang nais gawin dahil nga wala silang magawa….

    Ang matatandang kahoy na hinibog na ng tadhana, di na gagalaw, mananatili na lamang sa lugal na kung saan sila ay inugatan…marahil, nariyan na, kumportable na o hiyang na… jan na lang, wag nang galawin… dumating man ang unos, sumilong ka kung gusto mo ngunit ang ikaw ay anyayahan, hindi ito magbibigay…

    “Pansin mo rin ang mga bagong sibol na paunti-unting hinuhubog upang maging tagapangalaga ng kagubatan sa mga susunod na henerasyon. ”

    Napakagandang mansan ang mga bagong sibol sa kanilang unang pagdating sa kagubatan…mistulang mga batang gustong maglaro, masigasig, nakangiti, lahat binabati…
    Natutuwa sa kinang ng kalikasang namamasdan, parang ang pakiramdan, napakaswerte niyang nilalang….
    ngunit kalaunan, sa kanilang patuloy na pagmamasid, makikitang ang gubat pala ay may itinatagong lihim.. lihim na kung nais mong manatili, iyo na lamang sarilinin…
    may mga bagong sibol na mahina.. magpapatiaanod sa kagustuhan ng gubat… ang mangilan ngilan, sa simula, susubukang ang lihim na natuklasan ay tatangkaing ayusin… ngunit sa kadahilanang ang leon at tigre ay makapangyarihan… sa isang matinding pag-angil na nakalabas ang pangil, ito ay magnanais na lamang na tumalikod…

    Hindi sila naduduwag… bagkus… sila ay nag-isip… hindi mo na mababali ang isang matandang kawayan… kahit anong tangka, kahit anong pagsisikap, ang kagubatan ay mananatiling kagubatan… hmmmm isang kalungkutan…dahil ang mga bagong sibol na ganito mag-isip ay siya sanang may magaan na kamay, busilak na puso at may sapat na dunong upang mapaglinang ang kalikasang unti unting nagbabago…

    (hihihi kailangan ko ng biogesic at hemostan!)

  6. chilledhoney says:

    auto correct:
    kailoob loob – kaloob loob
    hinibog – hinubog

    sensya na po…free flow…^_^

  7. chilledhoney says:

    yang auto correct ay sanhi ng isiping kawing kawing at sintidong tumitibok tibok ^_^

  8. Pingback: Masukal na kagubatan… « Chilledhoney's Blog

  9. batopik says:

    Corruption. Tsk tsk. Nako maraming wild sa kagubatan.

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s