“KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – UNANG BAHAGI”

“ang talim ng pluma ay tagos sa pusong nag-aalab”

Nasubukan mo na bang magtrabaho sa gubat?

“Alam mo ba na maaring masayang lang ang iyong skills sa paglipat mo at pagtatrabaho sa isang ahensya ng gobyerno”, iyan ang pahayag sa akin ng aking immediate supervisor sa aking exit interview, ilang araw bago ako tuluyang magpaalam sa aking ika-dalawang trabaho.

Ngunit sa mga oras na iyon sarado na ang aking isipan, desidido na akong lumipat, marahil dahil sa pagkabato sa aking kasalukuyang job responsibility.

Higit pa ang naka-impluwensiya sa akin ay ang paghanga ko sa aking mga magulang na kasalukuyang naman nagtratrabaho sa isang ahensiya ng gobyerno.

Ni hindi ko binigyan ng halaga ang payo ng aking bisor dahil naisasalarawan ko sa aking isipan ang estado ng aking mga magulang. Nagawa nila kaming mapagtapos sa pag-aaral sa mga maaayos na unibersidad. Lahat kami ay nakapagtapos at ang ilan pa sa amin ay lisensyadong propesyunal. Hindi ko naman masasabing maluwag nila kaming napalaki at napaaral, dahil ako mismo ay saksi rin sa lahat ng kanilang mga paghihirap.

Sa mga oras ding iyon, namutawi sa aking isipan ang katagang, “ito na, ito na ang bagong hamon na aking inaasam.” Sumaglit sa aking isipan ang mangyayari sa kinabukasan paglipas ng sampung taong pagtatrabaho sa gobyerno. Nasilaw ako sa mga pahayag na “security of tenure” hanggang sa aking pagtanda, ang mga benepisyo sa aking retirement. Lubhang naging masyadong maaga na akoy mag-isip ng mga bagay-bagay na inaasahang mangyari sa darating na panahon.

Hindi ko man lamang naisa-alang-alang ang panahong pangkasalukuyan, ang mga hamon sa pang araw-araw  na maaari kong maranasan sa paglipat. Ang likas na kapasidad ng aking kaalaman base sa aking edad, posisyon na hahawakan, at mga taong pakikisamahan. Sadyang madaling nasilaw sa mga bagay bagay na hinde pinaglaan ng masusing pagsusuri at pag-aaral.

—-sundan ang ikalawang bahagi……

chaper 2: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKALAWANG BAHAGI

chapter 3: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKATLONG BAHAGI

About 25pesocupnoodles

umaasa, dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

25 Responses to “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – UNANG BAHAGI”

  1. “ang talim ng pluma ay tagos sa pusong nag-aalab”

  2. jason says:

    di ko po mapuntahan yung chapter 2 at 3

  3. Pingback: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKALAWANG BAHAGI | 25pesocupnoodles

  4. Pingback: KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – IKATLONG BAHAGI | 25pesocupnoodles

  5. Pingback: “KINANG NG KALIKASAN O MASUKAL NA KAGUBATAN – HULING BAHAGI” | 25pesocupnoodles

  6. sa mga makakabasa, hinihikayat ko ang inyong puna, ito’y magdudulot ng pagbubukas para sa isang makabuluhan pananaw sa buhay-buhay at makabagong kamalayan. salamat.

  7. chilledhoney says:

    “Nasilaw ako sa mga pahayag na “security of tenure” hanggang sa aking pagtanda, ang mga benepisyo sa aking retirement.”

    Iyan din ang tumatak sa isipan ko nang unang naghanap ng trabaho… dapat sa “gubat” upang kinabukasan ay magkaroon ng kasiguruhan…

    Limang taong namalagi, limang taong nagmasid… limang taong pinilit na unawain ang sinasabing “ganda” ng “gubat”…

    Sa simula, sobrang nakakatuwa, para bang ang pakiramdam ay ikaw ay isa sa mga napakaswerteng nilalang…

    Nahihinga ang sariwang hangin, napapaligiran ng mga halamang luntian, ng mga bulaklak na namumukadkad…

    Ang sarap umikot ikot, nakakatuwang maglaro, bawat sulok ay maliwanag at maaliwalas….

    Kalaunan, diyata’t gubat ay parang natutuyo, dumidilim, andun ang nakakatakot na pakiramdam na maaring may mga mabangis na hayop sa paligid…

    Nagpasyang umalis sa gubat nang makitang di pala ito tulad ng larawang iginuhit sa isipan bago ito pinasyalan…

    Upang manatiling nakatayo at humihinga, kailangang lumaban, makipag kagatan…makipag kalmutan…

    Ayoko sa gubat na ito… tulad mo… bilang bagong sibol… nais kong matuto sa maayos na paraan at ang aking kakayahan ay malinang nang di ko isinusuko ang aking prinsipyo…

    (hahahaha… ang tagal kong nabuo ang punang ito, promise!)

    • napakaganda, isang affirmation. maraming salamat paru-parong marikit. muli kong uulitin ang aking matagang madalas magamit, “tila isa sa ating mga karanasan ay nagtagpo sa parehas na sitwasyon”, kung kayat nababanaag mo ang ng lubusan ang aking mga nais ipakahulugan… ang isang warrior bride pala ay nag-iwan ng bakas sa dagliang pagpanaw, batid kong kailangan niya ang iyong payo at kalinga. salamat.

      • chilledhoney says:

        bigla kong naalala ang aking karanasan sa aking pag ikot ikot dito sa tambayan… nais ring balikan ang iba pang bahagi, wari ko’y ako ay may mga aral na matutunan…

        hinihingal pa ako, kakatugon ko lamang kay warrior sa ” sila…na walang malay”… nobela ang tugon, bugso ng damdamin….hihihi

        aking pupuntahan ang dagliang pagpanaw upang siya ay mabigyan ng haplos-kalinga…

        ikaw ay mag-ingat diyan…

  8. chilledhoney says:

    Ay correction your honor!

    walong taon pala… hindi limang taong nanatili sa gubat…. haaayyyyyy…. hanubayan!

  9. Pingback: MASUKAL NA KAGUBATAN…(ang bagong sibol) « Chilledhoney's Blog

  10. Pingback: THE VERSATILE BLOGGER AWARD…my award and my nominees « Chilledhoney's Blog

  11. batopik says:

    Ah naintindihan ko na. Una ko kasing binasa yung part 3. Hakhak. Ano, ikaw na ba ang simula ng pagbabago?

  12. ETO YUN! ang una mong paskil! hihihi!
    ang aking ina ay sa isang sangay din ng pamahalaan nagtatrabaho.. at paminsan ay tinatanong din nya sa akin kung ayaw ko daw bang lumipat sa isang pampublikong paaralan para doon magturo. ayun. nais ko lamang ibahagi dito. haha.🙂

  13. Pingback: PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? | 25pesocupnoodles

  14. Haha. Sabi ko dito, babatiin kita sa anibersari mo.. Pero hindi pala ako nakapagkompyuter kahapon dahil holiday nga ang mga kpop. tss.. patatawarin ang aking pagiging makakalimutin.😀

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s