Ang Huling Eklipse sa Panahon ng Ikadalawampung Siglo

650665main_hinode-eclipse-orig_full

Sa muling pagtatagpo ng araw at ng buwan
Muling magsusuyo ang dalawang pusong nag-uunawaan
Mananariwa ang kanilang pag-iibigan
Maipapamalas ang matamis na pagmamahalan

Hihinto
ang pagpatak ng bawat segundo.
At madarama
ang bawat tibok ng mga puso.

Ilalaan
ang pusong tangan-tangan.
At magniniig
Ang dalawang pusong umi-ibig.

Cup

Ang pahimig ngayon,

I WAS MADE FOR LOVING YOU (Tori Kelly)

Cover by Kristel Fulgar/CJ Navato

Ang piling mga lyrics ng himig,

A dangerous plan, just this time
A stranger’s hand clutched in mine
I’ll take this chance, so call me blind
I’ve been waiting all my life
Please don’t scar this young heart
Just take my hand

[Chorus – Tori Kelly:]
I was made for loving you
Even though we may be hopeless hearts just passing through
Every bone screaming I don’t know what we should do
All I know is, darling, I was made for loving you

[Ed Sheeran:]
Hold me close through the night
Don’t let me go, we’ll be alright
Touch my soul and hold it tight
I’ve been waiting all my life
I won’t scar your young heart
Just take my hand

Ang kumpletong lyrics naka-link dito, azlyrics.com

Mga kredito: Ang video youtube, Kristel Fulgar; ang imahe para sa nasa.gov; ang lyrics para kay azlyrics.com at ang mga tugma para kay CUP.

p.s. Ang tula ay alay para sa buwan ng Pebrero at sa isang dilag. Maiisipan mo pa kayang bumisita, kagaya ng pagbisita ko sa iyong lugar?

Larawan | Posted on by | Tagged , , , , , , , , | 5 mga puna

HimaLa sa LiLoNg ng BuwaN

tip – ang tula ay muling inihahandog pagkat aksidenteng na-delete sa panahon habang nag-aayos ng blog si Cup.

“Pinagtagpo sa paraang ‘di inaasahan, pinagsuyo sa paraang ‘di pangkaraniwan…”

Kasama ang buwan
Halika’t tayoy magtawanan
Iiwas lang sa paglalambingan
Pagka’t tayoy may kanya-kanyang pusong tangan.

Sisilay sa gabing madilim
Maglalaan ng mga oras na palihim
Kasama ang damdaming kinikimkim
Na wari’y nagnanais na ito’y maipatikim.

“Pasasaan nga ba ang paroroonan?
Hanggang saan ba ang kasukdulan?

Mararating ba ang katapusan?
Aabot pa ba, sa walang hangganan?”

Paano na sa pagsasara ng dilim,
Kapag ang liwanag, ay bumungad na sa atin?
Mananatili pa rin ba ang bawat ngiti,
Na panandaliang nagpapalaya sa bawat hikbi?

Palagi na lamang bang nasa kubli,
O maaring bang ako’y humingi?
Ng isang Himala na mananatili,
Kahit na lamang sa ‘sang pansumandali…

Akin ngayo’y napagtanto na tayo’y tunay na pinagtagpo –

“Pinagtagpo sa paraang ‘di inaasahan, pinagsuyo sa paraang ‘di pangkaraniwan…”

ang handog na pahimig,

HIMALA – KZ Cover (RIVERMAYA)

mga kredito: ang himig para sa cover artist KZ Tandingan, ang orihinal na himig para RIVERMAYA, ang video para sa youtube uploader KZXfactorPH at ang mga tugma para sa puso’t isipan ni Cup.

p.s. 1 Ang mga nararamdaman ay sinsero at pawang katotohanan. Mabuhay ang naghahangad para sa future SC-CJ.

p.s. 2 Paumanhin ang orihinal na imahe na dapat kasama ng tula ay hinde na matagpuan ni Cup, ang imahe ng pagtatagpo ng Buwan at Araw.

Video | Posted on by | Tagged , , , , , , , , , , , , , | Mag-iwan ng Puna

Closure

 


“Totoo nga bang nawawala,
O ayaw lamang magpakita.

Maaari magpaalam naman
Upang ‘di makasakit ng isang kalooban…”

Cup

Ang pahimig,

I Won’t Go Home Without You – Maroon 5

 

Ang piling pa-lyrics,

“I asked her to stay but she wouldn’t listen
She left before I had the chance to say
Oh
The words that would mend the things that were broken
But now it’s far too late, she’s gone away”

para sa kumpletong lyrics, narito azlyrics.com

Mga kredito: ang imahe sa shutterstock.com, ang video sa Maroon 5 at uploader, ang lyrics sa azlyrics.com at ang mga simpleng tugma ay kay CUP. Muli maraming salamat sa pagbisita.

P.S. Babalik ka pa ba? Wala naman ata dapat balikan. Paanong isasara ang pinto kung hinde naman ito kaylanman binuksan?

Larawan | Posted on by | Tagged , , , , , , , , , , , | 14 mga puna

Mas Inaabangan Ko ang P.S. (pramis)

“Susubuking maglaan ng oras na sapat, upang madama naman ang pag-ibig na tapat.” Cup pakinggan natin ang nais na pahimig, See You Again – Charlie Puth ang piling mga lyrics, “So let the light guide your way, yeah Hold every … Magpatuloy sa pagbasa

Rate this:

Galeriya | Tagged , , , , , | 9 mga puna

“Meron Talaga…”

“Meron talagang pagkakataong nadarama kita. Tipong ako ang kausap mo sa bawat salita na iyong sinusulat. Ganun kahiwaga ang iyong panulat…”

Cup

syempre hindi mawawala ang pahimig,

ALWAYS – BON JOVI

kredito: ang video para sa uploader, ang himig para kay Bon Jovi at ang pahayag para kay Cup.

p.s. ang tumatakbo sa isipan ng isang feelinggero.

Video | Posted on by | 2 mga puna

Sa DiLim Nga Ba Matatagpuan ang MakaTa?

LIWANAG, liwanag ang nagbibigay kulay sa bawat TUGMA...

LIWANAG, liwanag ang nagbibigay kulay sa bawat TUGMA

Larawan | Posted on by | Tagged , , , , , , , , , , , , , , | 2 mga puna

ang tula para sa Wrecking Balls

Paumanhin ang tula para sa Wrecking Balls ay pansamantalang naka-private, magcomment na lamang kung nais itong mabasa.

 

bilang pahimig sa umagang kaylamig,

WRECKING BALL – MILEY CYRUS (BOYCE AVENUE COVER)

para sa piling mga linya,

“Don’t you ever say I just walked away
I will always want you
I can’t live a lie, running for my life
I will always want you

I came in like a wrecking ball
I never hit so hard in love
All I wanted was to break your walls
All you ever did was wreck me
Yeah, you, you wreck me”

at narito ang kumpletong astig lyrics, azlyrics.com

kredito: ang musika (miley cyrus / boyce avenue), ang video uploader (boyceavenue), sa liriko (azlyrics.com) at ang mga tugma para kay Cup.

p.s. ang susunod na tugma ay ang sagot sa pagdidilim, narito ang ilang linya:

‘di mababanaag ang plumang itim,
kung ang tinta’y nakakubli sa lihim at dilim…

Abangan!

Video | Posted on by | Tagged , , , | Mag-iwan ng Puna

alam mo ba ang sagot sa pagdidilim?

kung magliliwanag ikaw bay mababanaag?

“kung ang lahat ay magliliwanag, ikaw ba ay mababanaag?”

Larawan | Posted on by | Tagged , , , , , | 18 mga puna

TuLa Para sa Isang Pumalaot na MamamaLakaya…

At ngayon ipinapaskil ang ikalawang handog TUGMA.

tip – ‘wag kakalimutan ang PS sa pinaka-baba ha.

Mamamalakaya

“Sa isang paglalayag, kung tangan na kaalaman ay salat sa linaw, ang isang tao’y maaring maligaw.”

Kung iyong nais,
Ito’y matutupad.
Magtatagpuan ang hirang,
Na matagal nang nag-aabang.

Ngunit ang PUSO,
Ay hindi laruan.
Lahat ng nadarama,
Ay ‘syang tunay.

Nangungulila sa mga yakap,
Sa mga halik,
Sa paglalambing,
At pagmamahal.

Hindi naman sadya,
Na ipagpatuloy pa ang lahat.
Sadyang hindi lang kaya,
Ang magsabi ng PAALAM.

Patawad mula sa dilag,
Kung ikaw ay hirap na.
Patawad ang kanyang sambit,
At isang dampi sa IYONG labi.

Bb. JKDP

Mga ka-blogs, bilang karagdagang detalye, ang TULA sa itaas ay naipadala kay Cup mula sa isang Binibini.

narito ang isang OPM classic song, kapanahunan pa ata ng ating mga Magulang, hehe, paumanhin naman:

ANG PAG-IBIG MO  – CINDERELLA

May lyrics din para sa inyo, narito oh, pinoyopmlyrics.com

kredito: ang musika (cinderella), ang larawan ng mangingisda (larawang_di_kumukupas.com), ang video uploader (crossover70s) at sa lyrics provider (pinoyopmlyrics.com)

Salamat sa Patuloy na Pagbisita at Pakikinig mga ka-blogs.

p.s. 1 Oh, walang kinalaman ang himig sa mga nadarama ng mga tampok ngayon ha.

p.s. 2 Maaring ang mga susunod na mga inihandog na tugma para kay Cup ay sa susunod na katapusan ng buwan, sa katapusan ng Marso, abangan kung nagustuhan.

p.s. 3 Narito nagmula ang ating handog tugma ngayon, REVIEW!.

Larawan | Posted on by | Tagged , , , | 51 mga puna

MAkikiNig sa Kanyang Laang BiyaYA…

Narito na ang paunang handog TUGMA sa buwan ng Pebrero, ating tunghayan,

tip – huminga ng malalim, mahaba-haba ito, katumbas ng 3 tula ni Cup.

“ang pag-ibig ay taimtim na ipinagdarasal, sa Kanyang laang biyaya ako magpaparaya"

“ang pag-ibig ay taimtim na ipinagdarasal, sa Kanyang laang biyaya ako lamang magpaparaya”

Sa aking pagtulog,Tuwina’y pinagdarasal ka.
At Sa biglaang paggising, Parati ay naiisip ka.

Alam kong kailanman,
hindi mo ito mararamdaman.
Pero ninanais ko lamang,
na itoy iyong malaman.

Mahal na mahal kita,
sa kadahilanang hindi ko alam.
Ako tulo’y nagtataka,
kung bakit nga ba ganyan.

Isang beses hiniling,
Sa ating Panginoong Kadakilaan.
Na hindi muling titibok ang pusong aking tangan,
Sa isang taong ni hindi naman,
Sa akin ay Kanyang inilaan.

Nangako sa Pinagpala,
Na sa Kanya lamang laan na biyaya.
Muli ito’y pipintig,
At malayang iibig.

Ngunit dumating ang pagkakataon,
Na unti unti kong nararamdaman.

Ako’y natakot, nagtatanong,
Totoo nga ba ito o isang kalokohan?

Di rin nagtagal mas lalong lumalim,
Mas naging maigting,
At di ko na kayang tiisin.

Kaya nga’t nagawa ding sambitin,
Pauna sa mga tugma
Hanggang sayo na rin.

Malungkot dahil iisa lang ang aking hiling,
‘Wag na sanang tumibok ang puso
Sa ‘di naman para sakin..

Pero bakit ganito ang mga pangyayari?
Tumitibok ng totoo,
Ngunit siya nama’y ‘di para sakin.

Muli akong humiling,
Na maari ba akong tulungan,
Bigyang liwanag ang nararamdaman.

Ngunit tila ang tadhana
Ako’y pinaglalaruan,
‘Bat ba andyan ka, sa ‘king tinutunguhan?

Nakakainis, nakakabagabag, nakakaiyak,
At puso’y nais na lamang pumanawa!

Pagmamahal ng iba,
‘Di ko kayang sagutin..
Pagkat puso koy tila,
Nakakulong sa iyo giliw..

Ano nga bang magagawa,
Kung ika’y tila pinaglalaruan ng tadhana,
Mas nanaisin mo na lang lumayo,
At tuluyang nang maglaho…

Nakakabaliw …Nakaka-aliw!

…isang Binibini

Para sa mga ka-blogs  na-nakiki-usyoso, alam nyo bang ang mga tugma sa itaas ay hindi pala intended para maging isang tula. Totoo, isa itong essay, napagkamalan ko lamang pala iyan na tula, aysus, ilang oras ko kaya dini-cipher yan at hinati-hati para maging isang lubos na tula, hahaha. Sorry naman. At hindi naman ako nabigo, tignan ‘nyo ang ganda rin ng kinalabasan, diba?

narito naman ang pahimig sa tampok na tula ngayon, isang OPM classic rin,

BATO SA BUHANGIN – CINDERELLA

ang kumpletong mga liriko ng himig natin, narito – lyricsmode.com

kredito: ang musika (cinderella), ang video uploader (Sarah Jane Duenas) at sa lyrics provider (lyricsmode.com).

Salamat sa Patuloy na Pagbisita at Pakikinig mga ka-blogs.

p.s. 1 Oh, walang kinalaman ang himig sa mga nadarama ng mga tampok ngayon ha.

p.s. 2 dito nagmula ang handog tugma na ire, REVIEW!

Larawan | Posted on by | Tagged , , , , | 4 mga puna