KaPe TaYo – Mainit o Malamig? (Hot or Cold Coffee)

“Ang desisyon sa pagpili, ang makapagpapaligaya sa ating sarili, ngunit maari ring sa ati’y magdulot ng lungkot at pighati.”

-

Kung nasasaktan,

Bakit ‘di magawang iwasan?

-

Kung nasisiyahan,

Bakit ‘di magawang hawakan?

-

Sa mundo ang tao’y,

Sala sa init, sala sa lamig,

Maglaan ng pagtuon,

Kung minsa’y nagdudulot pa ng pagkabaon.

-

‘Di alam ang nais,

‘Di alam ang mga di-nais.

-

“Ang desisyon sa pagpili, ang makapagpapaligaya sa ating sarili, ngunit maari ring sa ati’y magdulot ng lungkot at pighati.”

About these ads

About 25pesocupnoodles

dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Gallery | This entry was posted in hango sa buhay, kathang-isip, poem, quotable quotes, talataan, tula and tagged , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

46 Responses to KaPe TaYo – Mainit o Malamig? (Hot or Cold Coffee)

  1. CrazyFrog says:

     Maraming gustong subukan at maraming pagkakataon din ang pakikipagsapalaran… Parang kwento ng alitaptap… Alam namang mainit ang apoy, naglaro at lumapit pa rin…

    Maraming pagkakataon di nakokontento ang tao. Maraming gusto at ang mga gusto nagbabago.  Kung ito ang nagpapasiya ngayon, hawak man dahil kinabukasan iba na ang gusto kaya  ang minsang tangan, nabibitawan… O biglang matatauhan, kaya naman biglang ipagtutulakan … ;)

    Sala sa init, sala sa lamig… 
    Maglaan ng pagtuon,
    Kung minsa’y nagdudulot pa ng pagkabaon.
    Kaya’t kung bibigyan ng tuon ang isang pagkakataon..
    Maging maingat…
    Maging maliwanag ang tuon sa bawat pagtugon…
    Dahil Maaaring ang kahihinatnan ay kasalungat…
    Paghihirap ang kapalit 
    Para sa binigyan ng konting panahon…. 

    (hallo cup! Sensya na…Medyo nanggulo sa tambayan mo ^_^… Hibang na naman ei))

  2. Bhee says:

    napaka ironic talaga ng buhay…haist…
    ‘sala sa init, sala sa lamig’ – phrase of the day.

    • oo bhee, at minsan sa daming mga bagay at pagpipilian di na alam na nalulunod na pala sa kakapili at kakapalit-palit. di makagawa ng isang pinaka-mainam na desisyon, tila walang sariling disposiyon…

      haka-haka ni cup base sa kanyang paniniwala.

  3. binky says:

    Ang buhay ganun talaga, madalas kung ano ang mahirap kunin un ang gusto, at kung andyan na, gusto namang subukan ang iba…wala talagang makuhang pwedeng makakuntento sa buhay.. Sabagay ano nga ba ang buhay pag walang challenge? :) nakakabato lang…. Nung bata ang gusto tumanda, nung tumanda nagpapabata… Ganun lang un diba?

    • Tila isang hierarchy of needs, matapos makamit ang asam, nariyan muli ang bagong inaasam, walang katapusan, tuloy-tuloy lang. Kelan kaya maarok ang ang kasukdulan (peak) para naman magbalik muli sa ibaba. Kailangan lang maingat sa paglipad, dahil alam naman natin na “ang sobrang mataas lumipad, ay mataas din kung lalagapak”, hehe, kaya’t dapat tamang lipad lang.

      Pag tumanda na ba talaga, nais maging bata ulit (applicable ba ito in both gender, or sa gels lang)?

    • ang tanong mong tungkol sa humaling, siguro sa tingin ko, ang lalaki ay attracted naman sa mga babae talaga kahit anong edad (walang preference talaga), nagkakataon lang na ang kadalasan siguro sa mga men of 40’s, ang nagbibigay atensiyon o sukli sa kanilang paglalambing marahil ay mga gels na may nakababatang edad. siguro din sa kadahilanang habang tumatanda ay nababawasan ang pasensya kaya, maari ihanay sa lohika na bakit pa magtitiyaga sa gels na ka edad na nagpapakipot edi sa gels na lang na mas nakababata na andyan naman para magbigay atensiyon “kaagad”. (siya nga pala, ito lang ay hango sa aking limitadong karanasan at talino, sa aking pag edad siguro ay mas lubha ko itong malalaman).

      at dahil sa iyong tanong, nais kong humingi ng kasagutan patungkol sa medyo sikat ngayon na pelikula “the mistress”, bakit kaya kung minsan hinahayaan din ng mga nakababatang gels na ligawan o di kaya ay mahumaling sa kanila ang mga boys kahit na ito’y may sarili ng pamilya?

      sana’y ito ay iyong mabigyang kasagutan. at maraming maraming salamat sa iyong katanungan, ako’y namulat sa isang pananaw na aking naging antisipasyon para sa akaing pag-edad. (maaring makatulong o makaiwas sa ilang maling gawi)

      • binky says:

        “at dahil sa iyong tanong, nais kong humingi ng kasagutan patungkol sa medyo sikat ngayon na pelikula “the mistress”, bakit kaya kung minsan hinahayaan din ng mga nakababatang gels na ligawan o di kaya ay mahumaling sa kanila ang mga boys kahit na ito’y may sarili ng pamilya?”

        ayan din tanong ko eh… pinansyal ba? o dahil sa karanasan ng mga lalaki sa pambobola? ang mga lalaki kasi lalo na’t may asawa madulas ang dila sa pambobola, kahit sinong nakapalda bobolahin, pagkumagat naman si babae yari na.. yan naman eh napansin ko na pangkalahatang ugali ng lalaki na may asawa at nagtratrabaho..ang babae naman kasi madaling mabilog ang ulo.. masabihan lang ng maganda ang ngisi tenga sa tenga na… ;) yan naman eh base sa aking karanasan, kahit na hindi ko gusto ung nambobola, basta nasabihan akong maganda ay gumaganda ang aking araw.. kaya in return pupurihin ko din ang damit nya o ang kotse nya basta kahit anong makita kong maganda sa kanya.. hahaha

  4. anu mang desisyon ang gagawin gaya ng sabi mo maging handa sa magiging resulta. Magdulot man ng lungkot o ngiti dapat maging matibay ang dibdib ;-)

  5. bagotilyo says:

    Sabi nila hindi naman daw ang buhay ang kumplikado kundi tayo mismo..

    siguro nga :p

  6. renxkyoko says:

    What do you mean, ” Kung nasisiyahan, bakit di magawang hawakan? I mean, the deeper meaning……

  7. karenicanix says:

    Frappuccino na lang.. pwede inumin kahit mainit o malamig ang panahon! :P Nakakarelax para makapag-isip and makapag-decide. :D hehe!

  8. batopik says:

    ito. maximize your life, but learn to simplify it. Memento mori. Hakhak. Kahit anno man yang madesisyunan mo, kung magaan sa loob mo at makapagpapaligaya sa iyo. syempre naevaluate mona ang consequences nun, at responsible ka naman… kahit ano man yang madesisyunan mo, tandaan ang sabi ni robert frost: life. goes. on.

    haha mas lalo bang gumulo?

  9. “‘Di alam ang nais,
    ‘Di alam ang mga di-nais.”

    Very well written, 25pesocupnoodles!
    Perhaps we are almost always afraid of choices. They define the future anyway. :)

  10. Manul-nulat ng Bayan says:

    magpakatotoo lamang at malalaman ang nais malaman……..

  11. Ah, eto pala iyong sinasabi mo. Okay ha, parang kalaban lang ng “Kapeng Mainit” (at pinansin ko ang petsa kung kelan mo ito nilathala). What a coincidence. Baka magkaaway tayo sa past life? (hihihihi joke lang) Yours is more on choosing what is better, weighing the consequences, playing safe on a common ground. “Kapeng Mainit” on the other hand is sticking more on a decision regardless of the consequence as long as at the end of the day there would be no “what ifs” left behind; parang daredevil kumbaga kung pagbabasehan ang linya ng may akda. Ang mga “kape” natin ay “clash” ng dalawang magkaibang prisipyo ng dalawang taong may paninindigan. Maaaring ang isa ay paninindigan na manatili sa tama habang ang isa naman ay paninindigang hanapin ang tama sa linya ng mga mali.

    Mabuhay sa iyo. Kape-kape

    • wari nagtagpo ang mga kaisipang nagpupumiglas.

      magaling, nakakabuhay ang iyong hain ah, talagang bitbit ang napaka-init na Kape. hmmmm. nais ko lang ipahayag na ako’y isang “egalitarian”. kelangan tumimbang hanggat maari sa bawat pagkakataon at mga desisyon. parte na iyan ng sistema. (ngunit ako’y di perpektong tao ha, nagkakamali rin gaya ng iba)

      nais ko lamang malinawagan na kung ang iyong paninindigang hanapin ang tama sa linya ng mga mali ay likas ba talaga o dulot lamang ng iyong napiling propesyon?

      p.s. di kita iimbitahin kung ang katha’y di gigising sa iyong isipang naka-himpil. mgf.

      • Ang totoong sagot ay irereserba ko para Di mabasa ng iba.

        Eto ngayon ang pampublic viewing: oo tama ka, dahil sa propesyon kong kinaiinisan ng lipunan na bumansag sa amin na “dakilang mga sinungaling”. Hindi kami maaaring tumangging ipagtanggol ang may sala ano pa man ang pansarili naming pananaw sa kanyang kasalanan.

        Pero gaya ng karamihang nahusgahan, unti-unti kong nakikita bakit naging tama ang kanyang ginawa. Hindi ninyo nakikita iyon. Dahil bago pa man ninyo marinig ang istorya niya ay nahusgahan na siya. At kahit ihain na ang kanyang bersyon, wala ng makikinig dahil bago pa man ay pinatawan n siya agad ng sintensya.

        Kung Di ko sisipatin sa dilim Ang tama, sino Ang tutulong sa kanila? Sino Ang maghahain ng kanilang kwento?

        Sa lahat ng larangan ay may dalawang panig ng kwento at tungkulin kong ihain ang bersyon ng mga kinasusuklaman.
        Hindi lahat ng nagtatangkang tumawid sa hanay ng mali ay mga “baluktot”. Gaya ko, naniniwala akong may naliligaw doon na “tama” at sila Ang hinahanap ko.

        Gandang gabi.

  12. Pingback: Sabe-Sabe Lang #4 | 25pesocupnoodles

  13. at eto pala ang mas malalim na pinaghugutan ng comment mo sa isa kong paskil e. :)

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s