“Parang ang sarap isipin…

“Parang ang sarap isipin na sa Pilipinas may isa lamang wikang ginagamit, walang di-pagkakaunawaan, walang ibang diyalekto. Napakasarap isipin, wari ko’y mas magiging mabilis ang PAG-UNLAD, pagka’t sa iisang wika pa lang makakamit mo na ang pagkakapantay-pantay.”

hmmmm, isang pala-palagay, haka-haka at naisin ni Cup. Salamat chilled sa iyong kathang “Mixing Languages” ito’y tunay na nakakaaliw ngunit sa kabilang banda sa aki’y nagdulot ng isang masidhing paghahangad, paghahangad na sana’y mga Pilipino’y magkaisa sa sariling wika upang makamit ang mabilis na PAG-UNLAD.

About these ads

About 25pesocupnoodles

dreamer, lover, minsan sobrang lambing (minsan lang)...
Quote | This entry was posted in hango sa buhay, idolo, kathang-isip, quotable quotes and tagged , , , , , , , , , , , , , . Bookmark the permalink.

42 Responses to “Parang ang sarap isipin…

  1. chilledhoney says:

    (REPOSTED ang aking komento sa ibaba dahil relevant sa iyong tinuran at makabuluhan…nakakapagpalikot ng isipan… mabuhay ka maestro!)

    Ang iyong nais ay nais ko rin…pag -unlad ay mabilis kung wika ay iisa at papahalagahan… tingnan na lang natin ang bansang Japan… noong una tayo ang nasa itaas ng listahan, ngayon isa na ang Pilipinas sa nasa hulihan… tsk tsk nakakalungkot…

    Ang China at Singapore, yan din ang armas… mahalin ang sariling wika at gamitin ito bilang isang bayan… nakita naman natin kung paano sila umunlad ng lubusan…

    Sana sa ating bansang tinubuan ay magkaganun din… tumakbo kaya tayo sa halalan? Hmmm

    Ikaw na :)

    • chilledhoney says:

      Pahabol din: Kung ang mga Pilipino ay magkakaisa…iiwan ang crab mentality…itatapon ang inggitan…kung ang sinasabi ay isinasabuhay…”iisang wika, iisang pananaw…iisang pagkilos…iisang paninindigan…”makakamit ang pag-unlad na inaasam… (galing sa kabilang hardin din ito… di na nag-isip hahahaha)

  2. hello, cupnoodles,

    masarap ngang isiping may isa tayong ginagamit na unifying language, ‘ika nga… pero, wari ay hindi ito ganoon kadaling makamit at isabuhay. bagaman at naandyan ang Filipino bilang pambansang wika, mas marami pa ring Filipino ang hindi ito ang mother tongue kundi iba. isa pa, doon sa mga mother tongue ang gamit sa araw-araw, ang secondary language naman nila ay English. tila ba pumapangatlo pa lamang ang Filipino sa wikang ginagamit. ayon… ^^

    isang hakbang pa lang yata ang pagdi-deklarang Filipino ang pambansang wika natin. ngunit mas marami pang kailangang gawin para ito ay maisabuhay, magamit lagi-lagi at maging mahigpit na kabahagi at katuwang sa pagbubuo ng identity natin as a nation and as a people. ^^

    on the other hand, may bagong pumasok sa equation – ang pagiging global and digitized ng marami sa pakikipagtalastasan sa panahon ngayon. tila mas pinalalayo nito ang pagkakaroon ng tinatawag na katutubo o organic language. ^^

    just my thoughts, uh, uh…^^ hello! ;)

    • napakaganda ng iyong punto Saliw, nabatid kong malawak ang iyong kaalaman at kaisipan sa usapin patungkol sa ating sariling wika. lubhang napakahirap itong makamit at isabuhay wari ko rin, dahil mismo minsan sa sarili natin tayo’y nahihirapan, di ko maikakaila iyan. basta’t ang tunay na mahalaga ay nariyan pa rin ang pagsusumikap na parating gamit-gamitin at palawigin ang wikang Filipino, at ang pinaka-mahalaga ay ito’y yakapin at isabuhay kahit man lamang paunti-unti. ika nga pasundo’t-sundot lamang.

      “uh, uh,,,,” ang iyong komento, wari ko ginawan ng masusing pananaliksik, uh, uh,,,,^^ hello din.

  3. CrazyFrog says:

    Dito sa lugar kung nasan ako.. Iisa lang gamit nilang wika. Lahat ng tao, mataas man ang estado sa buhay o pinaka-simpleng mamamayan lahat sila madaling magkaintindihan. Mga balita sa telebisyon, ang payahag ng mga nasa katungkulan ng kanilang pamahalaan, prime minister maging presidente, nakikipag-ugnayan sa lahat sa mamamayan sa pamamagitan ng sarili nilang wika. Ang mga dokumentong kanilang kinakailangan, lahat nakasulat sa kanilang wika. 
    Sa atin, ang mga pahayag sa telebisyon, ang sona, ang mga dokumento karamihan nasa ibang lengguwahe. ( english kalimutan)
    Ang mga nasa katungkulan pinapahayag ang mga naisin nila sa ating bansa, sa salitang banyaga. Naiintindihan ba sila mga mamamayan? Hindi naman lahat di ba? Hindi rin naman lahat ng nkapagtapos naiintindihan lahat ng ipinahayag sa ibang wika, kaya paano pa ‘yong mga mamamayan n kapos sa pinag-aralan subalit parte pa rin ng lipunan.
    Napansin ko lang po ang pagkakaiba.. Hi…. =)

    • Ako’y nakadama ng pagka-inggit, sa iyong nabanggit na “Lahat ng tao, mataas man ang estado sa buhay o pinaka-simpleng mamamayan lahat sila madaling magkaintindihan.” Pakiramdam ko nagpapahiwatig ng pakakapantay-pantay, dulot ng pagkakaintindihan sa iisang wika. Bakit kaya sa kanila nagawang nilang mapag-isa ang kanilang wika, paano kaya ito nagsimula, isang pagtataka.

      salamat sa iyo kaibigang palaka, makabuluhan ang iyong mga binitawang salita. (di joke yan).

      • CrazyFrog says:

        …ang wika nila ang gamit sa mga paaralan. Lahat ng libro nakalimbag at nakalathala gamit ang salita nila. Hindi ginagamit ang salitang 
        English. Maliban na lamang sa ilang pribadong paaralan. At pribadong guro sa mga batang nais matuto ng salitang banyaga. Sa kolehiyo, doon nila natutukan ang english.
        ….hindi mahirap sa kanila ang makipag-ugnayan sa kapwa nila. Ang sagutan ang mga application forms, ayusin ang mga transactions na dapat nila asikasuhin sa bangko, ospital, kompanya, korte, kahit saan, at kahit ang makipag-usap sa taong nasa katungkulan. Kung nakakabasa, nakakapagsulat at nakakaintindi sila ng wikang ito, kayang kaya nila makipagsabayan.
        …ngunit sa mga dayuhang tulad ko. Ang hirap pagganito. Kakaiba ang kanilang alpabeto maging ang limbag ng mga ito. :( kailangan namin matutunan kahit man lamang ang mga simple at karaniwang salita na ginagamit dito =(

        Yom tov!

      • parang “tilibert” lang ah, balita ko champion ka dun… hahaha, pakokak lang.

      • CrazyFrog says:

        Naimagine mo ba ang ngiti ko?
        Ganito! ^___________^ ;)

        ‘yan ang kagandahan pagmay babalikang nakaraan. Dala pa ang bagahe sa kasalukuyan. Ang “tilibert”.
        Para akong timang dito, ngingiti ngiti.. Hibang nga na di mawari… Ang pagbalik ngayon sa nakaraan ay nagdulot ng ngiti.

        Pang-asar ka talaga cup!
        Di ako marunong mag”tilibert” hahhahaha
        ( dapat doon sa kabila ang post na ito.. Post mo pa rin naman ito kaya hayaan mo na! ;) )

  4. Manul-nulat ng Bayan says:

    marapat ngang matupad ang iyong nais….at masisimulan natin ito sa ating sarili….dito sa pagboblog…….

    pag-unlad na nasa ay mahirap makamit
    ng taong ang gawa ay iba sa takbo ng isip.
    subalit ang sa pag-unlad ay nagnanais
    bago sa kilos, sa bibig muna makikilatis….

    • Manong,

      paano ba pasisimula
      ang isip na nakatulala
      sa mga binatong puna
      nitong mga mambabasa
      sa sarili’y napaisip talaga
      at naiwang pa atang lilinga-linga.

      pagbibigay pansin, ito marahil ang magiging pasimula.

      muli pasasalamat sa iyo manong.

  5. Bagamat nauunawaan ko ang nais mong ipahiwatig at kahit papaano’y nais ko rin mangyari ang bagay na iyong tinuran, naiisip ko rin sa kabilang banda na dahil sa likas nating husay sa paggamit ng iba’t-ibang wika ay mas naging madali sa atin ang pakikipagtalastasan sa mga dayuhan at mga tao sa bansa kung saan tayo naman ang nandarayuhan. Hindi nga ba’t naparangalan pa tayo kailan lang dahil sa husay ng ating mga kababayan sa paggamit ng wikang Ingles.

    Siguro ang dapat lang natin matutunan ay ang ilagay ang sarili natin sa lugar at alalahaning hindi lahat ng tao ay nakakaunawa ng wikang Filipino at hindi din naman lahat ay maiintindihan ka kung ibang wika ang iyong gagamitin. May tamang pagkakataon kasi para sa lahat ng bagay at kasama diyan ang aspeto ng komunikasyon. :)

    Salamat sa matalinong paghahayag ng iyong kaisipan

    • Sa iyo warrior, maraming salamat sa iyong punto de vista. Walang pag-aalinlangan, ako man ay may pag-aagam-agam sa paggamit ng wikang Filipino, may pagkakataon kasing nais kong magpahayag ng bagay na hindi ko alam sa ating sariling wika. Ang palagay ko ito ang dapat pagtuunan ng pansin, ang pagtutuklas (coinage), pagpapalaganap (spread) at pagpapayaman (enrich) ng ating pangunahing wika ang wikang Filipino / Tagalog. Sana’y mas naging masidhi (intense) ang naging pag-aaral at pagpapalaganap na ginagawa ng ating mga Guro ng Filipino/Tagalog o mga eksperto sa wikang Filipino, para maiwasan ang mga mag-aaral na kakapa-kapa mismo sa kanilang pangunahing wika. Nakakatawang isipin na tayo mismo ay nagpapaunlad sa wikang banyaga subalit sa ating sariling wika tayo ay kakapa-kapa. Paumanhin pagka’t matatanggap ko pa na ako’y parangalan sa pagkakaroon ng husay mismo sa ating sariling wika keysa sa husay sa wikang banyaga kung ako nama’y nangangapa parang daga sa dilim sa ating wikang pambansa…

      Ang iyong tugon ay lubos na nakatulong sa aking pagpapahalaga sa ating wika. Muli kong aabangan ang iyong pagbabalik, dala ang mga pinaka-malulupit na komento gaya ng iyong tinuran. Salamat warrior.

      • chilledhoney says:

        Sa aking palagay….

        Paggamit ng sariling wika ay magbibigay sa atin ng kalakasan bilang isang bayang nagsusumikap umunlad….

        Kung babalikan natin ang ating nakaraan…. ang Pilipinas ay naging timplahan ng ibat ibang kultura, na nagbunga ng iba’t ibang gawi, ibat ibang pananaw..

        Kasama na rito ang unti unting pagkawala ng pagtangkilik ng sariling atin… kasama na rito ang ating wika….

        Sa aking palagay….

        Hindi ko isinasantabi ang “global competition”…and “digitalized era”… nandyan na yan…kasama sa pag-inog ng mundo sa makabagong panahon…Ang pagkakaroon ng pangalawang wika ay may halaga rin, ako ay sumasang-ayon… ngunit gagamitin lang sa tamang oras, tamang pagkakataon…

        Filipino tayo di ba?.. madaling sumayaw, madaling matuto, may angking natural na galing….

        Lumabas tayo ng bansa… isang buwan lang, anumang banyagang salita… nakukuha natin- bigkasin, isulat, basahin – sa pamamagitan lamang ng pagmamasid at pakikinig…ang pinoy, sa aking palagay, laging handang maging “globally competitive”…kahit saan, kahit kelan…nakapag-aral man o hindi…

        Kung mabibigyang laya ang paggamit ng iisang wika, sa lahat ng gawain, sa lahat ng usapin… pagkakaisang inaasam ay makakamtan…mapagbibigkis nito ang mga hiwa-hiwalay na kaisipang naging resulta na ng mga banyagang paniniwala…sa paggamit ng ating sariling wika… may masasabi tayong atin…

        kapag nasa ibang bansa ka nga… makarinig ka lang ng “aray or araguy” “magandang araw”…kaybilis ng tibok ng iyong puso, ang sigaw ng isip “ay kapwa-Filipino!”… tuwa ang iyong nadarama na ikaw ay may katulad…di ba?

        upang nais mapagbuklod ay maisakatuparan…paggamit ng sariling wika ay may kaakibat na pagtanggap sa kung sino tayo at ano tayo bilang Pilipino…ano ang ating saloobin bilang iisang bayan, ano ang ating nais na marating…

        matagal at mahirap… ngunit ang isang matagumpay na adhikain ay naisasakatuparan sa isang maliit na hakbang patungo dito….

        ginagawa na natin ngayon…heto na nga at tayo ay nagpapalitan ng kuro-kuro sa wikang Filipino….

        di ba ang sarap ng pakiramdam?

      • kung sabagay minsan na ring may nakapgsabi na “ang tunay na matalino ay iyong magaling hindi lamang sa Ingles kundi pati na rin sa Filipino/Tagalog.” :)

      • nais kong ihalal, Chilled para sa pagka-Pangulo… nakaka….ka.

  6. chilledhoney says:

    huh? may kampanyahan pala dito? kakaubos ng lakas ang mag-isip ha? pengeng sabaw at biskwit! :)

    • chilledhoney says:

      Ako ay Filipino, Filipino ang salita ko…nagbabagang kaisipan, naibabahagi ng buong kagitingan…

      Ako ay Ilongga, Karay-A ang dayalekto ko,,, pagpapahayag ng buong lambing, galing sa puso at isipan….

      Isang ikinaangat ko sa dayuhan?

      ang WIKA KO ay di niya maintindihan…pilipit sa tangkang salita’y bitawan…

      sa kabilang dako…

      ang WIKA NYA ay lubos kong nauuunawaan, , saan man, kailanman….

  7. chilledhoney says:

    Hi warrior! doon kita sa hardin ko sasagutin ha? dinugo ang utak ko dito… papahinga lang ng konti hahahaha :)

  8. chilledhoney says:

    utang muna, hapon na … di naglalabas ng pera pag hapon na…. :)

  9. bobonghenyo says:

    Kay sarap isipin ng ganyang mundo para sa mga pilipino. Iisa lamang ang salitang ginagamit. Wikang Filipino lamang. Subalit marami parin ang naniniwalang mas ikauunlad ng pilipinas ang pagiging dalubhasa ng mga pilipino sa lenggwaheng Ingles. Kung sabagay, mayroon silang punto, ginagamit ang salitang Ingles para magkaintindihan ang iba’t ibang nasyon kaya dapat alam natin ito. Ang masaklap na katotohanan, may mga pilipinong kung makaasta ay nandidiri sa sariling wika. Mga mga ilang eskwelahan na kapag nagsalita ka sa wikang Filipino, pinagtitinginan ka ng mga tao, na para bang napakalaki ng nagawa mo kasalanan. May mga pagkakataong kapag nagsalita ka ng malalim na salitang Filipino, ang sasabihin ng mga kasama mo ay “YUCK!” samantalang kapag naman malalim na salitang ingles ay “WOW” ang maririnig mo. Walang problema sa wika, Pilipino kung minsan ang problema. Mas gusto kasi natin ang GUMAGAYA! Sana naman sa mga susunod na HENERASYON tayo ang pagsimulan ng “TREND” at hindi tayo ang susunod na lamang….

    haha napakahaba ng naging tugon ko SUPREMO! Nasiyahan lang :D

  10. Filipino ang sagot sa iyong katanungan. well at least kung pagbabasehan sa papel at sa mga batas.

    Pero naniniwala ako na mas malalim sa linggwahe ang pinaguugatan ng lahat ng ito. aminin nating lahat, sa kaloob looban ng ating mga damdamin, kung halimbawa ikaw ang isang Bisaya, “bakit ko kailangan mag tagalog!?” o kaya naman pag ikaw ay isang Ilokano “bakit ko kelangang mag tagalog!?” and so forth.

    Pag Tagalog (patatawarin, hindi ko sigurado kung ito ang tamang term para dito, kung hindi paki correct na lang po ako.) ka naman, kinatutuwaan mo pag may punto ang isang taga probinsya. “AY bisaya yan!” o kaya naman ay inuulit ang mga sinasabing mga salita na medyo “hindi tama” sa pandinig.

    Pero hahaba pa eh, magiiwan na lang ako ng tanong. Bakit ba merong Tagalog, Kampampangan, Ilokano, Cebuano, Bisaya, Waray, Ilongo, Aeta/Ita at kung anu ano pa? hindi ba pwedeng Pilipino o Filipino na lang? (although, di naman talaga valid to, well ang gusto ko lang sabihin eh, may regionalisation talaga na nagaganap sa atin, hindi ko sinasabing masama ito, ngunit tingin ko eh medyo sobra ata.)

    Dagdag ko lang since binanggit ko yang Pilipino, nanonood ako ng TV isang Public Affairs show tungkol sa mga nangunguha ng eel (igat?) sa aurora. at merong isang lokal ng aurora na iniinterview at tinanong kung sino kumukuha at saan nang gagaling ang mga ito. at ito ang sagot niya. (Transliterated na lang po, hindi ko na tanda ang eksaktong salita.)

    “ah yang mga yan? galing po sa itaas ng bundok yan, at kinukuha po yan ng mga ita at binabagsak naman po nila dito sa aming mga filipino na katulad natin”

    Well, wala na kong idadagdag pa. Magandang hapon po sa iyo.

    • Wari nakakabahala talaga ang iyong ikinuwento ano. hmmm, mukhang kaiba ang pagtingin niya sa mga kababayan nating Aeta, o marahil hindi siya sanay managalog, kagyat nagkaganoon ang sagot niya, tila maraming naging salik (factor).

      Sa pagbabalik sa aking layon, ang tanging nais ko lang naman ay magising ang bawat Pinoy na sa pagkakaroon ng iisang wika, ay magiging mabilis ang pag-unlad, sa aking pakiwari ha, dahil sa pagkakaroon nito, magiging palagay ang bawat isa (confident), sa paglalahad ng mga ideya. Nakakatawang isipin minsan sa isang grupo mas namamayani pa ang isang tao na magaling lamang sa wikang banyaga, ngunit ubod naman ng mangmang (bobo) sa mga estratehiya at kaalaman, kumpara sa isang di masyadong maalam sa wikang banyaga, na pagkakatalino, nasasayang ang likas na kaalaman, hmmm…. isang lang iyan sa mga halimbawa.

      Sa kabilang banda bilib din ako sa isang taong magaling sa wikang banyaga, ngunit magaling din sa wikang Filipino, diba mas nakakabilib. Kagaya mo, sana’y huwag mong isasantabi ang ating wikang Filipino sa pagsusulat ha. Tunay na akin itong ikagagalak.

      Salamat sa pagbisita at pagpapaunlak sa aking paanyaya.

  11. Pingback: PweDe Ba AnG TuLa sa Pa-KoNTesT? | 25pesocupnoodles

mag iwan ng bakas ha....na mananatili sa paglipas ng bukas.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s